Chapter 13: Date With The CEO 2.0
NICOLE'S POV
"... BUT you have to date me."
"... But you have to date me."
"... But you have to date me."
Nagpa-ulit-ulit ang sinabi niya sa isipan ko. Gusto niya akong i-date? Ano'ng nakain nito? At ako pa talaga?
Ugh. Hindi naman sa nagpapaka-choosy ako pero kasi, bakit ako pa? Maraming ibang babae diyan! Masiyado siyang mataas para abutin, ng isang tulad ko! "Hey, are you alright? Please don't expect something from me. It's not that I like you. I just want to go out with someone elese." Paliwanag niya. Tumango na lamang ako kahit na sa totoo lang ay hindi talaga ako kumbinsido.
"Kailan po ba, Sir? Paki-sabi na lang po para mapaglaanan ko ng oras." Aniya ko sabay nilabanan ang titig niya kahit na sa totoo lang ay naiilang na ako. Kanina niya pa ako tinititigan ng ganiyan, sabay ngingiti. "Ahm..." Umakto siya ng nag-iisip sabay hawak sa labi niyang mapupula. Doon ko naigala ng maayos ang paningin ko sa kabuuan ng mukha niya.
Maputi siya, matangos ang ilong, singkit ang brown niyang mga mata, mapupula ang manipis niyang labi. Nakakapukaw rin ng pangingin ang brown niyang buhok. Kung ihahambing ko ito sa iba ay maaari ko masabing kamukha niya si Taehyung ng BTS. May kung ano sa malalim niyang boses na parang musika sa pandinig ng kung sino man ang kausap niya. Kaunti na lamang ay mapapapikit na ako dahil sa ganda ng boses niya.
*Lub *Dub Napahawak ako sa dibdib ko nang pumintig ito ng malakas at mabilis.
"Tonight." Nabalik ako sa reyalidad nang sumagot siya. Tonight? As in ngayong gabi na?
Akmang magpo-protesta na ako nang kuhanin niya ang cellphone niya at may idinial na kung ano. "Cancel all my meetings tonight. I have a date." Aniya saka ibinaba na agad ang tawag.
Napatingin naman ako sa glass window sa likod niya. Takip-silim na pala. Napangiti ako habang pinapanood na lumubog ang araw.
Nang bumalik ako sa ulirat ay ibinaling ko sa kaniya ang paningin ko. Nakita kong nakatitig ito sa akin habang nakangiti. Ang gwapo niya talaga kapag nakangiti! Lagi kasing seryoso ang mukha niya kung titignan ng maigi. "Ahm. Sir?" Natauhan naman siya at iniwas ang paningin sa akin. "Yes. Let's go now. Where do you want to go? At the restaurant? Dress shop? What? Tell me." Napangiwi ako sa mga suhestiyon niya. Wala ni isa man doon ang gusto ko puntahan. "Ayaw ko sa restaurant! Ang mamahal ng mga pagkain doon! Mas mabubusog pa ako sa karinderya!" Protesta ko habang naglalakad kami papunta sa elevator. Namamangha naman siya tumingin sa akin. "Really? You don't want expensive foods?" Taas noong tumingin ako sa kaniya. "Yes, of course! Ayaw ko sa mamahaling pagkain! Isa pa, ayaw ko sa dress shop!" Nakangiwing sambit ko saka pumasok na sa elevator. Pinindot naman ni Sir 'yung basement. "Why? Don't you want expensive dresses? Or beautiful ones?" Takang tanong niya, umiling-iling ako. "Nah-ah!" Isinenyas ko pa ang daliri ko, natawa naman siya sa mga pinaggagagawa ko. "Babae ako pero ayaw ko ng mga dress na 'yan! I prefer T-Shirts from UK!" Naka-kunot ang noo ko habang sinasabi iyon. Bumukas na ang elevator at nasa basement na kami. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kotse niya. "Woah. UK?" Manghang tanong niya kaya natatawa akong tumango-tango. "Ukay-ukay, hehehe." Nahihiyang sambit ko. Humalak-hak naman siya sa sinabi ko habang ako naman ay naka-nguso at parang gusto na magpakain sa lupa. "You're so funny." Tumatawa niyang sambit saka ako iginiya papasok sa Lamborghini niya. Nahihiya man ay pumasok na lamang ako sa kotse niya.
BINABASA MO ANG
A Rose with a Hundred Guns
AksiIsang simpleng babae na mayroong simpleng pangarap si Nicole Fleur Spencer. Wala siyang ibang pinapangarap kung hindi ang maibigay ang maginhawang buhay para sa kaniyang pamilya at muling magtagpo ang landas nila ng kaniyang unang pag-ibig. Ngunit t...