UNEDITED.
Chapter 47: FUNDAY FRIDAY 9.0
HANNA ANGELINE'S POV
"LOOKING for me?" Napalingon kami ni Anderson sa pinanggalingan ng boses na iyon, at hindi nga ako nagkakamali, si Ataraxia 'nga iyon. Bahagya akong nagitla nang sumipol siya, at huli na nang maramdaman kong may naglagay ng panyo sa ilong ko. Nakaramdam agad ako ng hilo dahil doon.
Pinilit kong labanan ang hilo. Buong puwersa kong siniko ang lalaking nasa likuran ko. Dagli kong tinanggal ang panyo, saka hinarap ang lalakeng iyon. Dinaklot ko ito sa kuwelyo, at tinapik sa leeg. Hindi 'din naman nagtagal ay nawalan na ito ng malay.
Agad kong hinanap kung nasaan si Anderson. Nang makitang ayos lang siya at kasalukuyan nang nakikipaglaban ay agad na akong tumakbo papasok ng mansiyon.
"Ah," Naramdaman ko na lamang na may sumabunot sa akin, kaya dagli akong napatigil sa pagtakbo. "Where are you going?!" Tinig ni Ataraxia, kaya agad ko siyang nilingon. "Bitawan mo ako!" Pinilit kong agawin ang buhok ko sa kaniya ngunit lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak doon. "Trying to save your daughter?" Ngumisi si Ataraxia, gumanti 'din ako ng ngisi sa kaniya. "She's not my daughter," Natigilan siya sa sinabi ko ngunit pinilit niya iyong hindi ipinakita sa akin. "You liar bitch!" Hinambalos niya ako, at ibinalibag sa lupa. Nagpumiglas naman ako, ngunit wala akong magawa. "Malaki na ang pinagbago mo," Unti-unti akong tumayo mula sa sahig. Pinagpagan ko ang sarili, habang siya naman ay nakangisi lang sa akin, nagyayabang. "Ano pa bang aasahan mo?" Lalo siyang ngumisi. "Parang kailan lang, ikaw pa 'yung---" Agad niyang pinutol ang akmang sasabihin ko. "Shut up." Tumalim ang mga titig niya sa akin. "Bakit? Muli na naman bang nanunumbalik sa iyo ang mga nangyari sa'yo dati?" Humalakhak ako. "Ano 'bang ginawa ko sa'yo?" Natigilan ako sa tanong niya. Nakita kong pinaligiran siya ng luha kaya lalo akong nagitla. "Wala akong maalalang inagrabyado ko ang buhay mo para ganituhin mo ako," Pinunasan niya ang mga luha, umirap naman ako. "Ang drama mo," Pang-aasar ko, ngumiti lang siya sa akin. "Baka 'nga," Tumango pa siya. Mukhang tanga. "Ililigtas ko na si Nicole," Tumakbo na ulit ako papasok ng mansiyon.
"Nicole?!" Ginalugad ko ang bawat kuwartong makikita ko. Agad naman akong tumatakbo kapag nakakakita ako ng mga kalaban. Wala akong oras para makipag-bakbakan, dahil ang oras ay mahalaga ngayon.
"NA-NANDITO PO AKO!" Mayamaya ay nakarinig ako ng sigaw mula sa baba ng mansiyon, kaya agad akong tumalima doon.
NICOLE'S POV
"NICOLE?!" Napatayo ako nang marinig ang pagtawag ng kung sino sa akin sa kung saan. Nabuhayan ako ng loob ng dahil doon. Sa una ay nagdalawang-isip 'muna ako kung tutugon o hindi. Ngunit sa huli ay napagpasyahan ko nalang 'ding tumugon. "NA-NANDITO PO AKO!" Buong puwersa kong isinigaw ang mga katagang iyon upang marinig niya.
Mayamaya lang 'din ay nakarinig na ako ng mga yabag na papalapit sa akin. Dagli akong lumapit sa mga rehas at doon sumilip. "Nandito po ako!" Inilabas ko ang isang kamay ko sa pagitan ng mga rehas at doon kumaway. Naagaw ko naman ang kaniyang atensiyon, at nang mapatingin siya sa akin ay dali-dali siyang lumapit. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalala nitong tanong habang sinisipat ako. Marahan naman akong tumango bilang tugon. "Shit!" Gilalas niya habang sinisipat ang kandado ng rehas.
Napahawak siya sa sintido at marahan itong hinagod. "Diyaan ka lang," Aniya, tumango naman ako. Dagli siyang umalis upang sa tingin ko ay maghanap ng maaaring gamitin upang masira ang kandado ng rehas kung saan ako naroroon.
Mayamaya lang 'din ay nakarinig ako ng madaming yabag, at nasisiguro kong galing ang mga iyon sa mga tauhan.
At hindi 'nga ako nagkakamali, ang mga tauhan 'nga iyon. Dali-daling binuksan ng isa ang kulungan, at nang mabuksan ay dagling lumapit sa akin ang dalawa upang hawakan ako sa mga braso. Nagpumiglas ako ng nagpumiglas, ngunit wala akong nagawa dahil mas malakas sila sa akin. Naramdaman ko na lamang na pinosasan ako ng mga ito, saka ako padarag na hinila upang makalabas kami doon. "Bitawan niyo ako!" Iwinasiwas ko ang mga braso ko, ngunit sinuntok lang ako ng isang tauhan sa sikmura ko. Nang dahil doon ay nakaramdam ako ng hilo, at parang gusto kong sumuka.
BINABASA MO ANG
A Rose with a Hundred Guns
ActionIsang simpleng babae na mayroong simpleng pangarap si Nicole Fleur Spencer. Wala siyang ibang pinapangarap kung hindi ang maibigay ang maginhawang buhay para sa kaniyang pamilya at muling magtagpo ang landas nila ng kaniyang unang pag-ibig. Ngunit t...