CHAPTER 30

68 20 8
                                    

UNEDITED.

Chapter 30: SCANDAL FT. ASTRID

FLINT'S POV

"FLINT?! Are you okay?" Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita siya. Kasabay niyon ang panlalaki ng mga mata ko at ang pagkawala ng mga luha sa mga mata ko, sa hindi maipaliwanag na dahilan.

No way...

"Hey!" Inalog-alog niya ako, do'n lang ako tuluyang nakabalik sa reyalidad. Inihilamos ko ang aking mga kamay sa aking mukha. "That's impossible," Wala sa sariling gilalas ko. "What impossible---Flint, what are you talking about?" Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya nang may gulat sa mga mata saka ako umiling. "Nothing," Nakita ko pa siyang napa-buntong hininga saka pinilit na ngumiti. "Kung ano 'man iyan, sana ayos kalang." Aniya habang nakatingin mismo sa mga mata ko.

Natapos ang ride namin ng tahimik kami. Parehong malalim ang iniisip at hindi nagkikibuan. Bagaman walang nagsasalita sa pagitan namin ay nangangapa kami sa kung sino ang babasag sa katahimikan.

Nang maihatid ko na si Bitch sa lalakeng kasama niya ay agad na akong nagpaalam na aalis na. Hindi na ako nagtagal pa do'n dahil baka hindi ko na kaya pang lunukin ang sa kung ano pa 'man ang mga mangyayari at papasok sa ala-ala ko.

Nang makarating sa bahay ay agad akong umakyat at nagtungo sa kuwarto ko. Bagaman hindi pa nagpapalit ay sumalampak na ako sa kama. Tumihaya ako at inilagay ang isang braso sa ibabaw ng mukha ko.

Doon ko lang naramdaman ang pagod sa katawan ko. Gusto ko nang matulog ngunit hindi ko magawa. Naantok na ako ngunit ayaw akong patulugin ng isip ko. Madaming katanungan ang nabubuo ngunit pinilit ko na lamang na ipagsawalang-bahala ang mga iyon.

May nabubuong ideya sa isip ko ngunit pinilit kong hindi unawain at hindi paniwalaan. Iniisip ko nalang na maaaring nagkataon lang iyon. Maging ang pangakong ikinuwento niya ay aminado akong pamilyar sa akin ngunit pinapaniwala ko ang sarili kong imposible iyon. Maaaring coincidence lang iyon, at gawagawa lang ng imahinasyon ko.

Inis kong binatok-batukan ang ulo ko saka sinabunutan ang sarili. Pagod na akong mag-isip. Baka hindi magtagal ay mabaliw na ako. Gusto kong takasan ang mga nararanasan ko ngayon pero pa'no?

Gusto ko nalang na magkaro'n muli ng amnesia at tuluyan na akong hindi makaalala. Hindi ko na kaya pa ang mga nalalaman ko, at hindi ako makapaniwala do'n.

Dahil sa hindi talaga ako makatulog ay lumabas ako at nagpunta sa veranda ng kuwarto ko. Naupo ako sa may upuan at doon sumandal. Tinitigan ko ang maliwanag na kalangitan, dahil sa buwan at sa mga bituing nagkikislapan.

Sa unang tingin ay parang normal lamang ang mga ito, ngunit iba't ibang imahe ang maaaring mabuo sa mga bitiuin kung ito ay pagkokonektahin. Napaisip naman ako sa nakita ko. Nagbubulag-bulagan lang ba ako? Nasa harapan ko na ang mga clue, at pagkokonektahin ko na lang ang mga ito. Am I the one who insist to be blind? To be clueless? Kung iisipin kong maigi, laging blurred ang mukha ng babae kapag pumapasok ito sa isip ko. Nitong mga nakaraan lang iyon pumasok sa isip ko nang dumating si Bitch sa buhay ko, at guluhin ito.

Bago sa akin ang gano'ng klase ng ala-ala dahil laging klaro ang mga iyon kapag naaalala ko. Ang magandang halimbawa nito ay 'nung bumalik sa ala-ala ko kung sino ang mga magulang ko. Nag-flasback ang mga nangyari sa amin at napaka-klaro niyon. Kaya gano'n nalang ang pagtataka at paninibago ko nang makakita ng gano'ng kalabong mukha at ala-ala.

Is it you, Bitch?

NICOLE'S POV

"WEIRD." Gilalas ko sa sarili habang nakatingin sa likod ni Flint na papalayo na sa direksiyon namin. "What happened to him?" Napatingin ako kay Matthew. "I don't know," Nagkibit-balikat ako saka napa-buntong hininga.

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon