CHAPTER 07

170 37 17
                                    

Chapter 07: FIRST DAY OF WORK


NICOLE'S POV

"ATE! GISING NA! MAG-AALMUSAL NA TAYO!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa lakas ng sigaw ni Astrid mula sa labas. Medyo nainis ako nang marinig ko ang hagalpak niya. "Hahaha!" Sa sobrang inis ay marahas kong hinablot ang unan ko at saka nahiga nang muli. Inilagay ko ang unan sa ibabaw ng mukha ko. "Manahimik ka, Astrid. Tigilan mo ako." Pagbabanta ko habang nakaibabaw yung unan sa mukha ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang yabag ng mga paang papalapit sa akin. Hindi ko na lamang ito pinansin at nag-focus na sa pagbabalik sa naudlot kong tulog.

Naramdaman kong may kumalabit sa akin kaya inis kong tinanggal ang unan saka nilingon ang bwisit na iyon.

Nagitla ako nang makitang nakasara ang pinto at wala namang nasa tabi ko. "Astrid?" Medyo mababakasan ng takot sa tono ng pananalita ko. Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kuwarto. Nanindig ang mga balahibo ko nang wala akong makitang tao sa kuwarto.

Bumaba na ako sa may kama at nagpunta na sa may pintuan.

'Nawala yung antok ko. Kainis naman kasi eh!'

Hahawakan ko na sana yung doorknob nang may maramdaman akong yumakap sa likod ko. "Waah!" Hindi ko mapigilang mapatili dahil sa sobrang pagkabigla. Nag-hysterical ako. Pinilit kong tanggalin yung kamay nu'ng nakayakap sa likod ko. Agad akong humarap dito at akmang susuntukin ko ito nang mapagtanto kung sino to. "ASTRID?!" Napatakip siya sa tainga niya dahil sa lakas ng sigaw ko.

Tumawa rin siya kalaunan kaya kumunot ang noo ko. "Hahaha, laugh trip yung reaction mo ate! Hahaha!" Lalong kumunot ang noo ko at naimbyerna ako rito sa kaharap ko.

'May araw ka rin sakin!'

Sinamaan ko siya ng tingin sa huling pagkakataon sa ko padabog na binuksan 'yung pinto. Lumabas ako sa kuwarto nang may sama ng loob.

'Sige lang, Astrid. Magsaya ka lang. Gagantihan kita, tandaan mo iyan!'

Nang makarating na sa hapag ay naabutan ko sina Inay at Itay na nag-aalmusal. "Magandang umaga, Itay, Inay." Pagbati ko saka nagmano sa kanila. Naupo na ako sa may upuan at nagsimula nang kumain ng tuyo at itlog.

"GOOD MORNING, ATE! MAMA, PAPA!" Bibong aniya ni Astrid saka nagmano kina Itay at Inay. Binalingan niya ako ng tingin pagkatapos saka nginisian. "Tigilan mo ako, Astrid. Wala ako sa mood." Sinira mo na 'yung araw ko! "Hehe, ate!" Masayang aniya habang naglalakad papalapit sa akin kaya dali-dali kong iniwas ang mukha ko mula sa paghalik niya. Wala ako sa mood magpa-kiss lalo pa't siya ang sumira ng gising ko! Nakaka-imbyerna!

Natatawa siyang naupo na lamang sa katapat na upuan saka nagsimula nang kumain. "Kamusta naman ang trabaho mo? Kailan ang unang araw mo? Kailan ka magkaka-suweldo?" Sunod-sunod na untag ni Inay. Napaisip naman ako sa mga tanong niya. "Ahm. Ayos naman po ang magiging trabaho ko, magiging mahirap at nakakapagod pero kakayanin. Kaysa naman po na rito lang ako sa bahay at walang gagawin. Atsaka, oo nga pala Inay, Itay. Matapos ng ating umagahan ay papasok na agad ako dahil ngayon ang unang araw ko. Palagi na po akong mauunang pumasok kay Astrid gawa ng kailangan ay wala pang estudyante sa eskuwelahan ay dapat naroon na ako." Mahabang paliwanag ko, tumango-tango naman si Inay, samantalang si Itay ay hindi ko mabasa ang reaksiyon dahil nakatakip sa mukha niya ang diyaryong binabasa. Napadako naman ang tingin ko kay Astrid na seryoso ang mukha at tila malalim ang iniisip. Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon, baka inaalala niya lang kung may assignment sila. "Atsaka, wala pa po pala kaming napag-usapan ni Madame Principal kung kailan po ang unang suweldo ko." Pagdagdag ko sa paliwanag. Napa-isip naman si Inay sa sinabi ko, samantalang si Itay naman ay ibinaba ang diyaryong kaniyang binabasa. "Sigurado ka na bang doon ka magta-trabaho?" Paniniguro ni Itay. Bahagyang nangunot ang noo ko sa tanong niya.

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon