CHAPTER 11

119 30 22
                                    

Chapter 11: NEW FRIEND


ASTRID'S POV

"YOU can't answer my freaking question?!" Lahat kami ay napayuko nang sumigaw si Sir Flint. "S-Sorry Sir, but I can't answer your question. I'm very sorry." Nakatungo at naiiyak nang sambit ng kaklase namin. "Anybody?!" Namumula na sa galit si Sir.

Tinatanong kasi niya ang classmate namin about sa phases ng Meiosis. Maging ako ay hindi naka-paghanda rito dahil biglaan ang pagtatanong ni Sir. Madalas kasi ay binibigyan niya kami ng idea about sa lesson niya for the next day. Kasalanan ko rin dahil hindi ako nakapag-review kagabi. "No one?!"

"Ms. Spencer, stand. Answer my freaking question." Nagitla ako dahil bigla niya akong tinawag. Hindi naman ako makaangal dahil malaki ang respeto ko sa mga teachers dito sa Divian High. "M-Meiosis. A single germ cell divides into four unique daughter cells. D-Daughter cells have half the number of chromosomes as parent cell, so they considered haploid." Sandaling natahimik si Sir Flint, na sa tingin ko ay naghahanap pa rin ng kasagutan sa akin. Alam ko namang kulang ang isinagot ko dahil phases ang itinanong niya, definition ang isinagot ko. "Is that all?! I am asking for 'phases' not for a 'definition'!!!" Napayuko ako sa sinabi niya. "Take your seat." Kumalma na ang boses na sambit ni Sir.

"Ayos lang iyan," Aniya ni Xyrine habang hinahagod ang likod ko. Bahagyang nawala ang pangangatog ko. "No one answers my question. You all know what to do." Ngumisi ito sa amin, kaya nanlumo kaming lahat. Alam na namin ang ipapagawa sa amin ni Sir. Kinuha ko na ang yellow pad ko sa bag at ang ballpen ko. "500 items quiz!"

Nanlulumo 'man ay pinakinggan na namin ang mga katanungan niya. "1-4, PMAT."

Nabuhayan ako ng loob dahil alam ko ang sagot. "Prophase, Metaphase, Anaphase, Telophase." Iyan ang mga isinagot ko.

"5-10, What are the nutrients we need in our body?"

Napaisip naman ako. Anim 'yun eh. "Carbohydrates, Protein, Fats, Minerals, Vitamins," Napakamot ako ng ulo dahil nalimutan ko 'yung isa. "Water." Sambit ni Xyrine kaya napatingin ako sa kaniya, tumango lamang ito saka ngumiti. Isinulat ko na lamang ang sinabi niya.

"11-12, Give me the full name of DNA, and it's key word."

"Deoxyribonucleic Acid, 'The blueprint of life'." Sambit ko kay Xyrine dahil tila siya naman ang nahihirapan. Tumango ito saka ngumiti sa akin nang matapos nang sulatin ang sagot.

"13. Uncoil Chromosome."

"Chromatin."

"14. Thread-like structure, coiled structure."

"Chromosome."

"15. Duplicated Chromosome."

"Chromatid."

Nagtuloy-tuloy pa sa pagtanong si Sir nang may kumatok sa pinto. Naagaw nito ang aming atensiyon, pati na rin ang kay Sir. "Sir Flint, may I borrow your time?" Tanong ni Ms. Vaquilar mula sa labas ng pinto. Tumango lamang ito saka naka-poker face na nagtungo papunta sa likod ng room.

"Students, please stand and pay respect to our Madame Principal." Anunsiyo ni Ms. Vaquilar kaya tumayo kami at sabay-sabay na bumati. "Good Morning, Madame Principal!" Masayang bati namin habang papasok ng pinto si Madame Principal. Ngumiti ito sa amin sa tumango. "Thank you, students. You may now take your seats."

"I am here to announce the activities and plans na sinuggest ng inyong guro na si Ms. Vaquilar. May iba akong inaprubahan, may iba namang hindi dahil alam ko na walang sasali." Nakangiting panimula niya. Lumapit sa akin si Ms. Vaquilar, "Astrid, paki-picturan mo naman kami ni Madame sa unahan, habang nagsasalita siya." Nakangiting pakiusap nito saka inabot sa akin ang cellphone niya. Nakangiti naman akong sumunod.

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon