CHAPTER 32

26 2 0
                                    

UNEDITED.

Chapter 32: HIGHWAY FIGHT

NICOLE'S POV

"SALAMAT po, Uncle Rey." Nakangiting pasasalamat ko, tumango naman siya akin at ginantihan ang mga ngiti ko. "Walang 'anuman, anak. Puwede kayo dito kahit anong oras niyo gusto. Diba't sinabi niyo sa akin kanina na apat na araw kayo magpa-practice dito tuwing gabi?" Tinignan niya kami isa-isa, tumango naman kami sa kaniya. "Salamat po talaga, Uncle." Yumakap si Marlon sa kaniya, ginantihan naman iyon ng matanda. "Mauuna na po kami," Paalam ko saka sabay-sabay na kaming lumabas.

"Saan ka sasakay ng jeep?" Tanong ni Ate Rosemary nang makalabas na kami. "Ah, doon, Ate." Itinuro ko ang highway malapit sa kinaroroonan ko. "Sige, ingat ka, ha?" Aniya saka lumapit sa akin at nakipag-beso-beso. "Kayo din, Ate, ingat kayo, Marlon," Ngumiti ako sa kanilang dalawa saka kumaway na at humiwalay na ng lakad sa kanila.

Pumanhik na ako sa highway upang pumara ng jeep.

Sumakay ako sa pinaka-dulong upuan, katabi ng babaan. Nagulat nalang ako nang makitang puro lalake ang sakay niyon. Sa bilang ko ay anim ang mga iyon, at kung isasama ang driver sa unahan ay pito na. Ipinagsawalang bahala ko nalang ang masamang isipin saka nagbayad na. 'Yung isa ay naka-asul na damit, 'yung isa ay naka-sandong puti, ang isa naman ay naka-jersey na orange. Magkakatabi ang tatlong iyon, at nasa bandang harapan ko. Ang katabi ko naman ay naka-gray na T-shirt, 'yung isa namang katabi nito ay naka-black na sando, at ang nasa pinaka-dulo naman, malapit sa upuan ng driver ay naka-hubad ng pang-itaas.

"Bayad po," Ani ko saka nakisuyo na iabot ang bayad sa unahan. Ngunit gano'n nalang ang gulat ko nang pasimpleng pinisil at hinaplos ng lalakeng katabi ko ang kamay ko, bago kinuha ang bayad ko at iabot ito sa driver. Kalma, Nicole. Napa-paranoid ka lang.

Pinilit kong hindi mag-isip ng masama pero hindi ko mapigilan. Bagaman sa labas ng pintuan ng jeep ang tingin ko, nararamdaman ko ang mga titig nila sa akin.

Ilang minuto pang nakalipas sa byahe ay nararamdaman kong hindi na ito ang daan pauwi sa amin. Napagpasyahan ko nang pumara dahil hindi ko na kaya pa ang kabang namumuo sa dibdib ko. "Para po," Kinatok ko ang bubong, ngunit hindi pa din ito humihinto. Huminga ako ng malalim saka mabilis na tumayo at walang-alinlangang tumalon sa pintuan ng jeep.

Tumakbo ako ng tumakbo. Narinig ko na lamang na biglang huminto ang jeep, kasabay ng mga yabag na naririnig ko.

Mahaba, malawak at madilim ang highway na tinatakbuhan ko. May nakikita akong liwanag mula sa di-kalayuan kaya binilisan ko na ang takbo ko.

Ngunit gano'n nalang ang gulat ko nang may humawak sa mga braso ko. Nilingon ko ito saka tinaliman ng tingin. "Bitawan mo ako!" Nagpumiglas ako at pilit na binabawi ang mga braso ko sa kaniya. Lalo akong pinagpawisan nang makita kong papalapit na ang iba pa.

Ayaw ko manakit ngunit kapag kinakailangan, gagawin at gagawin ko.

Bumuntong hininga ako saka siya sinuntok sa may dibdib. Nabitawan ako nito at bahagyang napaatras.

Tila nawalan ng buhay ang mukha ko, at hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon. "Aba, matapang ka, ha?" Anito saka sumugod sa akin. Ngunit ngayon ay kasama niya na ang anim pang lalakeng kasamahan niya.

Pinalibutan ako ng mga ito saka sabay-sabay na sumugod sa akin. Tumalon ako mula sa kinatatayuan ako, at lumanding ako sa naka-jersey na orange. Sumakay ako sa ibabaw nito na para bang kabayo. Nagpupumiglas ito, ngunit hindi ako nagpapatinag. Pinagsusuntok ko ang mukha nito. Nakita ko namang susugod sa amin ang naka-hubad na lalake. Ngunit lalapit palang ito ay napapalayo na siya dahil iwinawasiwas ko ang paa ko, para matadyakan siya kung sakaling lalapit siya sa akin. Bumuwelo ako at buong puwersang sinapak ang mukha ng sinasakyan ko. Nang akmang tutumba na kami ay nakatalon na ako, at lumanding sa driver. Tulad kanina, nagpupumiglas din ito ngunit wala siyang magawa. Pinagsusuntok ko din ang mukha nito, hanggang sa tuluyang mapuno ng dugo ang mukha nito. Nang babagsak na siya ay nakatalon na ako.

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon