CHAPTER 40

65 9 6
                                    

UNEDITED.

Chapter 40: FUNDAY FRIDAY 2.0 / THE REUNION

NICOLE'S POV

"JUSKO! Nag-enjoy tayo masyado sa paglalaro sa carnival! Hindi natin napansin ang oras!" Naghihisteryong sabi ni Ate Rose, habang tumatakbo kami papunta sa auditorium. Bagaman naririnig namin ang intro ng kung ano 'mang kanta iyon, na nagmumula sa auditorium ay hindi namin magawang pagtuunan ng pansin dahil sa labis na pagmamadali. Sa wari ko ay nagsisimula na ang band contest. "Oo 'nga!" Hinihingal na pag-sang-ayon ko habang tumatakbo kami. "Makaka-abot pa tayo, pang-huli tayong magpeperform---" Naputol ni Marlon ang sasabihin nang biglang may dumakot sa kaniyang.

How can you see into my eyes like open doors?
Leading you down, into my core
Where I've become so numb, without a soul
My spirit's sleeping somewhere cold
Until you find it there, and lead it, back, home

Sabay kaming napalingon ni Ate Rosemary kay Marlon, na ngayon ay nagpupumiglas na sa lalakeng naka-itim. Pawang naka-takip ang mukha nito, at tanging mata lamang ang nakikita. "Bitawan mo siya!" Sigaw ko saka ko sinugod ang lalakeng iyon. Ngunit gano'n nalang ang gulat ko nang maglabas ito ng patalim at itutok sa mismong leeg ni Marlon! "Ibaba mo iyan!" Utos ni Ate Rosemary, hindi naman siya pinansin ng lalake. "Ahh!" Napalingon ako sa direksiyon ni Ate nang tumili ito. At gano'n nalang ang gulat ko nang hablutin din siya ng isang lalake, na katulad ng lalakeng may hawak kay Marlon ay pawang naka-itim din ito at naka-talukbong ang mukha. Naglabas din iyon ng patalim at itinutok sa mismong leeg ni Ate Rosemary!

Nangpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Marlon, hindi malaman ang gagawin.

"Sumama ka sa amin kung ayaw mong masaktan ang mga kaibigan mo." Mariing utos ng lalakeng may hawak kay Marlon, napapalunok akong tumango-tango.

Sumipol ang lalakeng iyon, at nabigla nalang ako nang may lumabas pang napaka-daming tauhan! Pare-pareho sila ng itsura. Pinalibutan ako ng mga iyon, saka tinutukan ng baril. Lalo akong napalunok nang lahat sila ay may hawak na baril, at handang-handa nang ipaputok sa akin, 'anumang oras.

Wake me up inside
Wake me up inside
Call my name and save me from the dark
Bid my blood to run
Before I come undone
Save me from the nothing I've become

Napalingon ako sa direksiyon nila Marlon at Ate Rosemary. Labis na pagtataka ang puminta sa mukha ko nang makitang wala na sila sa kaninang puwesto. Ang mga tauhang may hawak naman sa kanila kanina ay pawang naliligo na sa sarili nitong mga dugo.

Naramdaman ko na lamang na dinaklot na ako ng isang lalake sa braso, saka ako pinosasan sa kamay. Matapos niyon ay tinutukan ako nito ng baril, saka ako iginiya papunta sa kung saan.

"Bitawan niyo ang anak ko." Sabay-sabay kaming nagulat lahat nang marinig ang napaka-lalim na boses na iyon. Biglang nangilabot ang buo kong katawan, at nanindigan ang mga balahibo ko. Naramdaman ko namang biglang nanlamig ang kamay ng lalakeng may hawak sa akin. Sa wari ko ay natakot din ito.

Now that I know what I'm without
You can't just leave me
Breathe into me and make me real
Bring me to life

Lumingon kami sa pinanggalingan ng boses na iyon, at doon tumambad sa amin ang isang napaka-guwapong lalake. Sa wari ko ay halos kaedaran lang siya ni Madame, ngunit nagiging bata ang itsura nito dahil sa kaputian at kagandahang lalake nito. May kapayatan siya, ngunit sapat lang ang laki ng katawan. Bagaman hindi ko nakikita ngayon ang sarili ko, alam kong kamukhang-kamukha ko siya.

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon