CHAPTER 44

79 9 0
                                    

UNEDITED.

Chapter 44: FUNDAY FRIDAY 6.0 / NICOLE WHO?

NICOLE FLEUR'S POV

"BAKLA ka ba?" Ngumisi ako sa kaniya. Kahit pa naka-talukbong ang mukha nito ay alam kong naka-ngiwi na ito ngayon. "Maka-sabunot, wagas eh!" Sinamaan niya ako ng tingin. "Ano'ng mas gusto mo? Ito o ang tutukan kita ng kutsilyo sa leeg mo?" Untag niya, natigilan naman ako. "Ayos na 'yan," Ngumiti ako sa kaniya, para hindi na magbago pa ang isip niya.

"Lassen sie frei." Sabay-sabay kaming natigilan nang may marinig na tinig sa kung saan. Nang mahanap siya ng paningin namin ay gano'n nalang ang gulat ng mga tauhan nang makita ang lalakeng iyon. Sa wari ko ay halos magka-edaran lang sila ni Astrid. Magandang lalake ito at bruskong kumilos. Malakas ang dating, at sa isang talim lang ng tinig niya ay nagagawa na niyang sindaking ang mga tao. Maging ako ay kinilabutan sa tinig ng pananalita niya. Bagaman hindi ko naintindihan ang sinambit niya ay alam kong nag-uutos ito dahil sa awtoridad na mayro'n ang boses niya. "Stärkster Kämpfer der ERDE," Gilalas ng tatlong lalake, a mababakasan ang takot sa mga tinig at inaasta nila. Naramdaman ko ang panlalamig ng lalakeng naka-sabunot pa 'din sa akin hanggang ngayon, at maging ang pagtindig ng mga balahibo nito ay hindi naka-lagpas sa pakiramdam ko. Ngumisi ang binatang iyon, nagyayabang ang dating sa akin. Tss, may pagka-hambog 'din pala 'to. "Ako 'nga." Kaswal na tugon nito.

Translation: Get off them. | Strongest fighter of ERDE.

"Ang sabi ko, pakawalan niyo sila." Unti-unti nang naninindak ang tinig niya, at aaminin kong nakakatakot iyon. Nagsasalubong na ang mga kilay niya, kasabay ng pangungunot ng noo. Kumuyom ang mga kamao, at nanginginig ang mga ito. Nanlaki ang mga mata ng tatlong tauhan, ngunit hindi pa 'din sila sumusunod sa ipinag-uutos ng lalake.

Nagulat na 'lang ang lahat nang sa isang kurap ay nakapag-labas na ito ng baril. Sa wari ko ay wala pang isang segundo nang mapatamaan niya ang tatlong tauhan sa ulo.

"Waah!"

"Help!"

"Kumare, Kumare! Si Dalyn nanganak ng aso!"

"Hala! Jusko! Halika at puntahan natin ang anak niya! Baka gawing pulutan nila Naldo!"

"Takbo!"

Nagpanic ang mga taong nakakita sa nangyaring pamamaril ng lalake sa tatlong tauhan. Nagtakbuhan ang lahat, marahil natatakot silang baka madamay. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa ginawa niya. Agad akong tumayo, at nagulat na 'lang ako nang nasa harapan ko na ang lalake. Nag-angat ako ng tingin, at nakita kong ini-abot nito ang kamay sa akin. Masaya ko na sana iyong tatanggapin upang makatayo na nang harangin siya nila Matthew at Flint. Bagaman nakatalikod silang dalawa sa akin ay alam kong masama ang mga titig nila sa lalake. Natatawa namang itinaas ng lalake ang kamay niya na animong sumusuko sa dalawa.

Agad silang dalawang humarap sa akin saka inabot ang mga kamay nila. Napa-kamot ako ng sintido nang makitang dalawang kamay ang nasa harapan ko ngayon. Dahil sa nahihirapan akong pumili ay mag-isa nalang akong tumayo. Siniringan ko silang pareho ng tingin saka itinulak at hinarap ang lalake. "Salamat sa pagliligtas sa amin, ah?" Nakangiting pagpapasalamat ko, kumindat naman siya saka tumungo na animo'y nagbibigay ng respeto sa isang pinuno.

"Tss, pasikat."

"What a disgusting view."

Hindi ko na lamang pinansin ang mga pagpaparinig nila sa likod ko. "Tungkulin ko pong protektahan ang susunod na Leiter der vier Abteilungen," Aniya, saka muling tumungo. Sandali akong natigilan sa sinabi niya, at agad 'ding naka-recover kalaunan. "Salamat. Ano 'nga palang pangalan mo?" Napakamot ako sa likod ko nang kumati to. "Joshua Ramirez, ang Stärkster Kämpfer ng ERDE." Tugon nito, tumango-tango naman ako. "Nabibilang ka sa EARTH department?" Muling tanong ko, tumango-tango naman siya. "Je,"

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon