CHAPTER 08

37 3 0
                                    

Chapter 08: THE WELCOMING


NICOLE'S POV

MAY NARINIG kaming kumatok kaya napunta sa pintuan ang atensiyon namin.

Nang bumukas ito ay pumasok sa loob ang isang may katandaan nang matanda, mga nasa 60's na siguro ito. Puti na rin ang buhok nito ngunit mababakas ang kagandahan sa mukha niya noong kabataan. Naka-uniporme itong pang-Janitress

Nakangiti ito sa amin ng malapad at nakakahawa ito. "Maganda at mapagpalang umaga sa inyo. Kumain na ba kayo?" Nakangiting untag nito. Tumayo na kaming dalawa ni Ate Sally at nagmano sa matanda. "Hahaha. Pagpalain kayo ng Diyos." Nakangiting aniya sa amin. "Kayo po ba si Manang Imelda?" Tanong ko. Ngumiti ito sa akin at tumango. "Oo, ako nga apo. Sa wari ko ay ikaw si Nicole?" Tanong ni Manang. Tumango naman ako nang may halong pagtataka. "Paano niyo po ako nakilala, Manang?"

"Naikuwento ka sa akin ni Hanna kahapon. Alam kong mabuti kang bata ayon na rin sa kuwento niya sa akin." Nakangiting pagkukuwento niya. Tumango naman ako at mas ngumiti pa. "Totoo po iyan, Manang! Mabait po ako at maganda pa!" Natawa kaming lahat sa sinabi ko.

"Mauuna na po ako, Manang, Kolentong. Baka kung ano na ang nangyari kay Jeyson doon. Nami-miss na ako n'on panigurado." Natawa kaming lahat. Nagmano muna si Ate Sally sa huling pagkakataon saka kumindat sa akin bago lumabas ng Janitorial Room.

"Hehehe. Manang?" Lumingon ito sa akin. "Bakit, apo?"

"Puwede niyo po ba ako turuan kung paano linisin ang eskuwelahan?" Medyo nahihiyang request ko. "Ah, walang problema, apo. Halika, kuhanin na natin ang mga kagamitan panglinis!" Masayang anyaya niya, tumango nalang ako.

Nang makuha na namin ang mga kagamitan ay lumabas na rin kami ng kuwarto.

Habang naglalakad ay padami ng padami ang mga estudyante.

"So she's the new Janitress?"

"Yes! Bagong papahirapan! I'm so excited na talaga!"

"Look at her, Jessica. She's like--- ugh! Yuck! She's like a trash!"

"May bagong basura na naman sa Divian High!"

"Hey look Jameson, new chicks!"

"Where? Oh my fvck. She's so yummy as fvck!"

"Eww. Bitch please!"

"Stop me!"

Napangiwi ako sa bulong-bulungan ng mga estudyante. Wow ha! Maka-basura sila sa akin! *Pwe! Akala naman nila ikinaunlad nila 'yung mga panlalait nila! Stop me! Mapapatay ko tong mga to!

Tumigil kami sa isang pintuan. Binuksan ito ni Manang at pumasok na. Iginiya niya ako papasok habang ako ay hila hila 'yung mop bucket.

Nang makapasok na sa loob ay napagtanto kong isa itong conference room. "Dito muna tayo maglinis dahil may meeting mamaya si Madame at ang iba pang mga deans from other schools. Pagtulungan na natin linisin ito. Ayusin natin ang paglilinis, apo dahil ayaw ni Madame na madumi ang school, mapalagalitan tayo." Tumango na lamang ako sa sinabi niya saka inilibot muli ang tingin sa kabuuan ng conference room.

|--------------------------------------------------------|

|--------------------------------------------------------|

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon