UNEDITED.
Chapter 29: THE PROMISE
FLINT'S POV
ILANG minuto niya pa kaming hinila, at nagpatianod naman kaming dalawa. Hindi din naman nagtagal ay nakarating na kami sa flying fiesta na sinasabi niya.
Ang style nito ay pabilog, tulad ng sa carousel ngunit hindi naman hamak na mas malaki at mataas ito. Mayrrong mga upuan na tulad ng sa upuan ng mga swing na makikita sa park. Naka-attach ito sa pinaka-bubungan ng ride, kaya malaya itong gumalaw at tumalsik ssa kung saan paikot.
May entrance ito bago pumasok sa ride, at doon nakatengga ang isang crew upang tignan kung mayroon bang mga ticket pass ang mga nais sumakay sa ride. May mga harang sa palibot ng ride, at doon maaaring manood ang mga taong ayaw sumakay at sa halip ay panoorin na lamang ang mga kasamang sasakay.
Mabilis umabante ang linya at saktong tatlo na lamang ang bakante sa mga upuan ng kami na ang susunod na papasok.
Doon na kami sa loob ng ride magkahiwa-hiwalay ng upuan. Si Bitch ay nakapuwesto sa pagitan namin ni feeling pogi guy. Sa tantsa ko ay ilang dipa ang layo namin sa isa't isa, marahil siguro para hindi kami magkabungguan kapag umandar na ang ride.
"Yey!" Masayang sambit ni Bitch, nang magsimula nang gumalaw ang sinasakyan namin.
Nagsimula sa mabagal na paggalaw ang ride. Paikot ang andar nito, at habang bumibilis ang ikot ay gano'n din ang angat namin. Hanggang sa bumils ng bumilis ang ride ay umangat kami ng umangat.
Napabaling ang atensiyon ko kay Bitch. Nakatitig ito kay feeling pogi guy, at gano'n din ang lalake sa kaniya. Bagaman hindi ko nakikita ang mukha ni Bitch dahil nakatalikod ito sa akin, alam kong nakangiti ito sa lalake. Nagngitian silang dalawa at nagtitigan na para bang sila lang ang tao sa mundo.
May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko kaya inosente ko itong hinawakan at tinignan. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon, at kung ano ang dahilan niyon. Basta ko nalamang iyon naramdaman. Kanina ko pa napapansin ang abnormal na kilos at akto ng katawan ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin. Sa pagkaka-alala ko ay ito ang unang beses na naramdaman ko ang ganito, at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko din alam kung bakit ako nasasaktan sa nasasaksihan ko ngayon. Naiinis ako dahil para akong tangang clueless sa kung ano ang nangyayari sa mismong katawan ko. Hindi ko maiwasang matawa na parang baliw dahil sa pagkapikon ko. Naiinis pa din ako kay Bitch, ngunit hindi na gano'n kalala simula no'ng unang nagkita kami. Nalaman ko nang ako ang may mali noon, at pinangunahan ako ng init ng ulo. Doon ko napagtantong, napaka-isip bata pala namin lara magtalo sa mga simpleng bagay. Sana gano'n din ang iniisip niya.
Napansin ko nalang na tapos na pala ang ride. Tila naging okupado ang isip ko at hindi ko namamalayan ang nangyayari sa paligid ko. Bumaba na ako sa sinasakyan saka wala sa sariling sumunod nalang sa kanila.
Napatingin ako sa wristwatch ko para tignan kung anong oras na. 5:30 pm... Tinignan ko silang dalawa na masayang nagkukuwentuhan, mukhang ayos lang na wala ako. "Magkakape lang ako," Paalam ko, napatingin naman silang dalawa sa akin saka tumango. "Magkita nalang tayo sa ferris-wheel ng 8:00 pm." Huling sinabi ko saka umalis na doon at naghanap ng maaaring pagkapehan.
Nakahanap ako ng food court malapit sa space shuttle na sinakyan namin kanina. Naghanap ako sa mga stall ng kape, at hindi din naman ay nakahanap na ako. Umorder din ako tinpay, saka naghanap ng mauupuan.
"Hay," Nakaramdam ako ng pagod nang makaupo na ako. Hinalo-halo ko ang kape ko at mayamaya lang din ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko saka tinignan ang pangalan ng caller. "Dad." Sambit ko saka sinagot ang tawag.
BINABASA MO ANG
A Rose with a Hundred Guns
AcciónIsang simpleng babae na mayroong simpleng pangarap si Nicole Fleur Spencer. Wala siyang ibang pinapangarap kung hindi ang maibigay ang maginhawang buhay para sa kaniyang pamilya at muling magtagpo ang landas nila ng kaniyang unang pag-ibig. Ngunit t...