CHAPTER 31

51 18 7
                                    

UNEDITED.

Chapter 31: SCANDAL FT. ASTRID 2.0

ASTRID'S POV

PARA AKONG binuhusan ng napakalamig na tubig. Nanginginig ang mga katawan ko. Matalim ang mga titig ko habang inililinga ang paningin sa labas. "Kuya, para po." Nanginginig ang mga boses ko ng sabihin ko iyon. "Kuya, para po." Inulit ko dahil hindi niya pa 'din inihihinto ang sasakyan. Doon na ako napatingin sa kaniya at nakita kong tuloy pa 'din ito sa pagmamaneho. "Kuya para po!" Tinaasan ko na ang boses ko dahil lumalayo na ako sa bar na iyon. "Kuya para daw!" Parang naiinis na ding sabi ng katabi ko. "KUYA PARA PO!" Isinigaw ko na ang mga tagang iyon dahil sa nauubusan na ako ng pasensya. Huminto naman ang sasakyan, saka ako nilingon ng driver na may matatalim na titig. "Bakit ka naninigaw, ha?!" Angil nito saka ako idinuro, bumuntong-hininga nalang ako sa kawalan ng pasensya. "Ilang beses ba ako nagpara, kuya?" Mahinahon ngunit sarkastikong tanong ko. "Tss, bumaba kana!" Aniya saka marahang ipinaandar ang jeep. Dali-dali naman akong bumaba dahil baka tangayin ako nito. "Leche!" Nanlulumong sigaw ko sa sarili habang nakatanaw sa Downhill's bar na parang ilang kilometro ang layo ko do'n. Naiinis akong naglakad na lamang papunta doon.

Nang makarating na ay nagpakapkap ako sa guard o bouncer ba ito dahil sa laki ng katawan. Pumasok na ako kalaunan at doon tumambad sa akin ang baho ng paligid at ang maingay na tugtugin. Inilinga ko ang paningin sa kabuuan ng lugar ngunit sadyang malawak at maraming tao dito. Lalo akong kinabahan sa kaibigan ko dahil baka kung ano ang gawin sa kaniya ng hinayupak na Hendrix na iyon. Tarantadong Hendrix na iyan, ipinapahamak ang sariling kapatid! Punyemas! Tuluyan na akong nawalan ng pasensya kays nagsimula na akong mag-iskandalo.

"Xyrine! Xyrine! Xyrine!" Pagsigaw ko habang inililibot ang paningin sa paligid. Pinagpapawisan ako, bagaman malamig naman sa loob. "Miss! Ano ba?! Huwag ka mag-iskandalo dito!" Napalingon ako sa isang bouncer dahil sinaway ako nito, tinaliman ko siya ng tingin. "Jusmeyo Marimar! Kinidnap na 'nga ang kaibigan ko, hindi pa ako mag-iiskandalo?!" Natigilan siya sa sinabi ko kaya inalis ko na ang panignin ko sa kaniya. Inilibot ko pa lalo ang paningin ko sa paligid. Dahil sa kaba ay pinagtutumba ko ang mga lamesa, baka sakaling mahanap ko siya sa ilalim ng mga iyon. Pumunta ako sa unahan, kung saan nagpe-play ang DJ ng kung ano 'mang kanta. Akmang aakyat na ako papunta sa kinaroroonan niya nang may naramdaman akong humawak sa kamay ko. Napalingon ako dito at gano'n nalang ang inis ko nang makitang muli ang bouncer na iyon. "Miss, magtigil ka!" Tinaliman ko ito ng tingin saka buong puwersang binawi ang kamay ko na hawak hawak niya. "Leche ka! Umalis ka sa dinaraanan ko---Xyrine! Xyrine!" Muli kong sigaw saka tuluyan nang tumakbo sa kinaroroonan ng DJ. Natigilan ito sa pagtugtog kaya natigilan din ang lahat sa pagsasayaw at pagliliwaliw. Nang mapatingin ang DJ sa akin ay siniringan ko ito ng tingin saka nagpunta malapit sa kaniya. Naghanap ako ng microphone, at buti nalang ay nakakita ako agad malapit sa Mixer na ginagamit ng DJ. Pahablot ko itong kinuha saka lakas-loob na nagsalita sa maraming tao.

"Kayong lahat!" Panimula ko, napunta sa akin ang atensiyon ng lahat ng taong nasa bar. "May nakita ba kayong babae?! Kaibigan ko siya, nakasalamin, nerd manamit, tapos pangit! Oo pangit siya! Pero unique ang kapangitan niya! Nakita niyo ba?!" Pagsigaw ko sa microphone, naririnig ko ang sariling boses dahil sa mga malalaki at malalakas na speaker. Walang sumagot at sa halip ay ipinagpatuloy nalang ang kani-kaniyang mga ginagawa. "Punyeta! Masamid sana kayo sa mga iniinom niyo! Pwe!" Muli kong pagsigaw, lumingon muli ang mga tao sa akin.

"Boo!"

"Attention Seeker!"

"Nakakarindi!"

"Where's the security?!"

"Paalisin niyo 'nga 'yan dito!"

Sinamaan ko ng tingin ang mga tao do'n, isa-isa. "ASTRID!" Nangibabaw ang tinig ni Xyrine, agad kong iginala ang paningin ko. "Xyrine!" Lumapit ako sa kinaroroonan niya at sinalubong siya ng yakap.

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon