UNEDITED.
Chapter 45: FUNDAY FRIDAY 7.0
NICOLE FLEUR'S POV
"ANG ganda mo, bakla!" Papuri ng baklang nagme-make-up sa akin. Ngumiti naman ako ng pagka-arte-arte. "I know right," Iwinasiwas ko pa ang hintuturo ko sa pinaka-maarteng paraan na makakaya ko. Muli kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Naka-crop-top ako na itim, plain lang ito at mahaba ang sleeve nito. Sinabayan ko naman ito ng mini skirt na itim, plain 'din ito. Ang suot ko naman sa paa ay Gucci heels na itim, plain lang 'din ito. Pero huwag ka, class A 'to, binili ko sa greenhills. "Nics!" Napalingon ako sa direksiyon ni Ate Rosemary, at napaka-ganda niya sa mini-dress na suot niya. Kulay puti iyon, at may stripes na itim. Pinatungan niya ang sarili ng Denim jacket, at naka-labas ang makikinis niyang braso. Sa paa naman ay naka-puti siyang rubber shoes. "You look stunning," Papuri niya, bahagya akong natawa. "Ikaw 'din,"
"Hey," Napalingon kami sa direksiyon ni Marlon. Naka-simple white shirt ito, na pinatungan niya ng Lee jacket. Bumagay 'din sa kaniya ang suot na skinny jeans, at puting rubber shoes. "Hey, handsome." Sabay naming sambit ni Ate Rose, kaya nagkatinginan kami at sabay na natawa.
"Candidates 19 and 39," Pagtawag ng organizer, napalingon naman kami sa kaniya. "Good luck, candidate 19." Kinindatan namin ni Marlon si Ate Rose, natawa naman siya. "Kayo 'din," Aniya, saka sumama sa ka-partner niyang lalake. Lumabas na sila sa backstage, at pumanhik na papunta sa pinaka-gitna ng stage. Nagpalakpakan at hiyawan ang mga tao.
"Life is indeed simple, but we are the ones who insist to make it complicated. Rosemary Adrianna Mae Cacho, 27-year-old stunner, from Santolan, La Union!" Bibong pagpapakilala ni Ate Rose, napapalakpak naman kaming lahat. "Huwag ka ng magpakain sa nakaraan... Sa akin nalang. Angelo Lopelano Matias, 28 years old, San Juan City." Iba't iba ang reaksiyon ng crowd. May mga naghiyawan, nagtawanan at kinilig. Natawa kami ni Marlon sa quote 'nung Angelo.
"Candidate 20 and 40," Ani organizer, tumango kaming dalawa ni Marlon. "Nics," Isinenyas ni Marlon ang braso. Nang makuha ang ibig niyang sabihin ay natatawa kong niyapos ang mga kamay ko sa braso niya.
Sinalubong kami ng palakpakan at hiyawan ng mga estudyante, teacher, iba pang mga trabahador at marami pang iba.
"The heart remember what the mind forgets," Biglang napadako ang tingin ko kay Flint. Hindi ko intensiyong magparinig, sadyang iyon lang ang lumabas sa mga labi ko. "By the way, I am Catriona Pia Wurtzbach Gray, 20 years old stunner, from the bottom of thy heart!" Isinigaw ko ang mga katagang sinambit, nagtawanan naman ang crowd. "Ikaw na," Dinuggol ko si Marlon sa braso, natatawa naman siyang tumango. "Hindi ka maling tao, sadyang hindi ka na niya gusto. I am Marlon Blaze Jimenez, 23 years old, from San Juan City." Nag-iwan siya ng pamatay na ngiti, kindat at kagat ng labi, kaya ayon ang mga babae at nagtititili.
Matapos magpakilala ay muli na kaming bumalik sa back stage. "FASTER! FASTER! DRESS AND SUIT RAMP NA! CANDIDATES 1 AND 21, GO TO THE STAGE, NOW!" Naghihisteryong ani organizer. Agad naman kaming nagpalit ng susuotin dahil baka mabulyawan kami.
Napangiti ako nang muling makita sa salamin ang sarling suot ang itim na dress na binili ni Madame para sa akin. Nakita sa gilid ng mga mata kong natuon sa akin ang atensiyon ng lahat ng nasa backstage.
"She looks so gorgeous,"
"How I envy her beauty,"
"Deserve niya ang manalo tonight, 'no?"
"Trabahador ba talaga siya?"
"She's so pretty, Jana, look at her!"
Napangiti na lamang ako sa mga bulung-bulungang naririnig ko. "Yiee," Kinikilig na sambit ni Ate Rose habang papalapit sa akin. Ang ganda niya sa red long balloon dress na suot niya! Mas lalo pa nagmukhang sophisticated dahil sa kwintas at hikaw na suot niya. Mas lalo pang nakaka-dagdag ng ganda niya ang buhaghag niyang buhok. "You look pretty," Pag-compliment ko, natawa naman siya. "Hindi, ah! Ikaw kaya 'yung mas maganda! Ako 'yung mas cute," Natawa kami pareho. "Si Marlon?" Tanong ko, itinuro naman niya ang direksyion ni Marlon.
BINABASA MO ANG
A Rose with a Hundred Guns
ActionIsang simpleng babae na mayroong simpleng pangarap si Nicole Fleur Spencer. Wala siyang ibang pinapangarap kung hindi ang maibigay ang maginhawang buhay para sa kaniyang pamilya at muling magtagpo ang landas nila ng kaniyang unang pag-ibig. Ngunit t...