CHAPTER 20

36 1 0
                                    

Chapter 20: THE HEIRESS 6.0


HANNA ANGELINE'S POV

HINAHAGOD ko ang sintido ko dahil sa labis na pag-iisip. Nasa ganoon akong sitwasyon nang may marinig akong kumatok sa labas ng opisina ko. "Sino 'yan?"

"Ako to, Madame." Tinig ni Joshua. "Come in."

Agad itong pumasok saka marahang isinara ang pinto. Lumapit ito ka-agad sa akin at naupo sa aking harapan. "What's wrong?" Tanong ko nang makitang humahangos siya.

"Madame, nasa peligro ang buhay ng tagapag-mana." Balita niya nang mahimasmasan na. Nabigla ako. "Ha?!" Nagugulat na reaksiyon ko, tumango-tango siya. "Alam na ba niya kung sino ang tagapag-mana?" Naghihisteryong sabi ko, umiling siya. "Sa ngayon po ay inaalam pa rin nila kung sino at kung ano ang pagkatao ng susunod na tagapagmana. Ayon sa narinig ko ay binigyan niya ang tauhan niyang si Anderson ng limang buwan upang mahanap ang heiress. At kapag nahanap niya raw po iyon ay agad nitong ipapapatay ang anak niyo," mahabang paliwanag nito.

Anderson? Sana nagkakamali lang ako sa naiisip ko. "Anderson? Alam mo ba kung ano ang apilyedo niya? Narinig mo ba?" Nagbabakasakaling tanong ko, umiling ito. "Hindi po, Madame." Bumagsak ang mga balikat ko dahil sa isinagot niya. "Eh, nakita mo ba siya? Puwede mo ba i-describe sa akin ang itsura niya?" Nagtataka itong tumitig sa akin saka tumango. "Parang kasing edad mo lang po, Madame. Maputi, makinis, mapula ang makakapal na labi, makapal ang kilay, bilugan ang mata, tapos may kapayatan po. Ayun po yung natatandaan ko, Madame. Bakit niyo po naitanong?" Naluluha akong umiling. "Hindi nga ako nagkakamali..." Nag-aalala at nagtatakang tumingin sa akin si Joshua. "Ano pong ibig sabihin niyo, Madame?"

"Siya ang tatay ni Nicole..." At alam kong hindi niya ipapahamak ang anak namin. "What?!" Gulat na na tanong ni Joshua, tumango-tango ako. "I can't believe this... So you mean... Isang taga-FEU ang tatay ng tagapagmana? No way..." Hindi talaga makapaniwalang sambit niya. Pinunasan ko ang mga luha ko saka siya binigyan ng nagtatanong na tingin. "May sinabi ba siya sa kaniya tungkol sa anak namin? Kung saan siya naroroon, kung ano ang pangalan niya, basta may kinalaman kay Nicole? "

Umiling-iling siya. "Wala po." Nakahinga ako ng maluwag.

Alam kong may puso ka pa rin, Anderson. Alam kong hindi mo hahayaang mapahamak ang anak natin.

ANDERSON'S POV

NAGPUNTA ako sa eskuwelahang pagmamay-ari ni Hanna. Wala pang tao sa paligid nang makapunta ako dahil alas-singko pa lang ng madaling araw.

Agad akong pumasok sa loob ng patago upang hindi ako makita ng mga guard at ng cctv.

Inisa-isa ko ang bawat silid at bawat building. Hindi rin naman nagtagal ay may narinig akong nag-uusap sa isang silid kaya sinundan ko ang tinig na iyon.

"Siya ang tatay ni Nicole." Nagulat ako nang mapagtantong si Hanna ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Agad akong lumapit sa pintuan ng pinanggagalingan ng boses niya saka inilagay ang aking tenga upang marinig ang pag-uusap nila ng kausap niya.

"What?!" Tinig ng isang lalake. "I can't believe this... So you mean... Isang taga-FEU ang tatay ng tagapagmana? No way..." Hindi ko maiwasang maisip na ako ang pinag-uusapan nila.

"May sinabi ba siya tungkol sa anak namin?"

"Wala po." Wala talaga dahil hindi ko hahayaang mapahamak ang anak ko.

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon