UNEDITED.
Chapter 37: Knight In Shining Armor
NICOLE'S POV
"SO you guys get it?" Striktong tanong ni Ms. Vaquilar, tumango naman kaming lahat na kasali sa patimpalak. Doon lang ngumiti si Ms. Vaquilar, saka kami binigyan ng thumbs-up. "Pasensya na kayo at strikto ako pagdating sa nga ganito, lalo pa't ako ang nag-oorganize ng contest. By the way, hanggang dito nalang ang rehearsal natin for today. Maaari na kayong bumalik sa kani-kaniyang gawain." Pamamaalam niya, saka umalis na. Tumayo na kaming lahat saka nagkani-kaniya na ng alis. "Don't forget, ah?" Napabaling ang atensiyon ko kay Ate Rosemary nang magsalita ito. Alam kong ang practice namin mamaya 'kila Uncle Rey ang tinutukoy niya. Nakangiti akong tumango-tango saka nagpaalam na at lumabas na ng auditorium.
Sabay na kaming bumalik ni Marlon sa Janitorial Room. Sandali pa kaming nagpahinga do'n, saka namin napagpasyahang kuhanin na ang mga gamit panglinis.
"Ang galing mo kanina," Nakangiting komento ni Marlon habang nagmo-mop kami. Napahagikhik naman ako sa sinabi niya, saka siya marahang hinampas sa braso. "Hindi naman. Ikaw din kaya, ang galing mo kanina," Natatawang komento ko saka muli nang ipinagpatuloy ang paglilinis.
Natigilan ako nang makita si Flint mula sa 'di kalayuan. Papalapit ito sa direksiyon namin. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kabang namumuo sa dibdib ko. Nag-iwas nalang ako ng tingin, saka ginawa ang lahat ng makakaya upang hindi pansinin ang presensya niya.
"Hi," Seryoso nitong tanong, nagulat ako. Hindi ko inaasahang babatiin niya ako, 'ni pansinin 'manlang. Para akong natutop sa kintatayuan ko, at 'ni lingunin siya ay hindi ko magawa. Para akong naestatwa, at hindi ko alam kung paano iyon nangyari sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko, saka naramdaman ang panlalamig ng katawan. Huminga ako ng malalim saka pinilit na lingunin siya. Blangko lamang ang ekspresiyon nito, ngunit mababasa sa mga mata niya ang matinding pagtatanong sa kung anong katangahan ang ginagawa ko. "H-Hello, hehehe." Pinilit kong tumawa, ngunit naging malandi ang tinig niyon. Kumunot ang mga noo niya, saka bahagyang inihilig ang ulo na para bang pinag-aaralan ang mukha ko. Naging malalim ang mga titig niya, na para bang hinahalungkat ang kailaliman ng isip ko. Nang makaramdam ako ng ilang ay nag-iwas na ako ng tingin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko, at hindi ko nagugustuhan ang ideyang iyon. "Are you okay? May sinat ka ba? Namumula ka." Malamig na tanong nito, nanlaki ang mga mata ko. Leche! Inutil! Tarantado! Gago! Hinayupak! Bobo! Bakit ako namumula?! Parang gusto ko magpakain sa lupa dahil sa labis na kahihiyan. Bahagya akong lumayo sa kaniya at pakunyari pang nagfo-focus sa paglilinis. "A-Ah, sinisinat lang siguro ako." Pagsisinungaling ko, habang hindi pa din siya nililingon. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa labis na kaba. "I see." Aniya saka umalis na at nagpatuloy na sa paglalakad. Nakaramdam ako ng ginhawa nang tuluyan na siyang makalayo mula sa akin. "Uy," Nanunukso ang tinig ni Marlon, napatingin ako sa kaniya. Ngunit gano'n nalang ang inis ko nang nakita kung paano siya ngumisi ng nakakaloko. Tinaliman ko ito ng tingin saka nilapitan. Napa-atras naman siya sa ginawa ko, at napapalunok pa. "Tinutukso mo ba ako?" Maangas na tanong ko, kinakabahan siyang umiling-iling saka nameke ng ngiti. "Hehehe,"
Kinorner ko siya nang tuluyan na siyang mapasandal sa pader. Napapalunok siyang nag-iwas ng tingin sa akin. "Ang sabi ko, tinutukso mo ba ako?" Lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa kaniya, nakita ko namang napamulahanan siya ng mukha. "H-Hindi," Utal na sambit niya, saka ako nilingon. Dahil sa ginawa niya ay isang maling galaw lang namin ay maaari na naming mahalikan ang isa't isa. "Subukan mo ulit akong tuksuin, malilintikan ka sa'kin." Pagtatapos ko ng usapan, saka siya iniwan doo'ng nakatayo.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang paglilinis ko, at hindi na siya pinansin pa, dahil baka makatikim sa siya sa akin ng dagok sa katawan.
RHIAN DENISE'S POV
BINABASA MO ANG
A Rose with a Hundred Guns
AcţiuneIsang simpleng babae na mayroong simpleng pangarap si Nicole Fleur Spencer. Wala siyang ibang pinapangarap kung hindi ang maibigay ang maginhawang buhay para sa kaniyang pamilya at muling magtagpo ang landas nila ng kaniyang unang pag-ibig. Ngunit t...