CHAPTER 19

80 22 17
                                    

Chapter 19: THE HEIRESS 5.0


NICOLE'S POV

NAGISING ako dahil sa kaluskos na sa wari ko ay naggagaling sa may pintuan. Hindi ko lamang iyon pinansin at sa halip ay ipinagpatuloy ko na lamang ang pagtulog ko.

"Psst."

Napadilat ako dahil sa isang sitsit. Inilibot ko ang tingin sa kuwarto at doon ko nakita si Rhian na nakatayo sa harapan ng kama ko.

Si ngets lang pala.

Teka---"Ngets?!" Napabaliwakwas ako ng bangon saka pipikit-pikit na tinignan ang kabuuan niya.

Pumuti siya at lalong gumanda. Nakikita rin ang hubog ng katawan niya dahil sa hapit ang dress niyang blue. "Ako nga!" Masayang sabi niya saka tumalon papunta sa kama ko kaya nagpatalbog-talbog kaming dalawa. "Waah! Naka-uwi ka na!" Tili ko saka siya niyakap ng mahigpit. "Hihihi," malanding tawa niya saka tumugon sa yakap.

"Ang aga, ah?" Takang tanong ko saka pinasadahan ng tingin ang orasan, alas-sais palang ng umaga. "Ano ba sabi ko kanina? Diba sabi ko maaga ako pupunta?" Natatawang aniya saka naupo sa kama at tinitigan ako. "Actually, wala pa akong sapat na tulog. Sa plane pa lang ako nalatulog at paputol-putol pa dahil sa excited ako. Hahaha. Naiinis na nga sa akin si Mom kanina kasi tanong ako ng tanong kung malapit na ba sa Philippines, hahaha." Natawa kami pareho. "Saan kayo mag-iistay ngayon? Hanggang kailan kayo rito?" Tanong ko, ngumiti naman siya. "Dito na kami ulit titira, riyan sa dati naming bahay, sa tapat niyo," masayang tugon niya, kaya hindi ko maiwasang mapatiling muli. "Ngets, natutulog pa ata 'yung family mo, baka magising mo sila," natatawang sita niya, hindi ko pinansin.

Tumayo na siya sa kama. "Mamaya nalang tayo magkuwentuhan, ngets, sasamahan ko muna si Yves, anak ko." Tumango naman ako saka tumayo na rin, tinulungan naman niya ako. "Hindi ako baldado, ngets!" Natatawang aniya ko, natawa rin siya. "Oh, sasamahan na kita makauwi," pagvo-volunteer ko saka siya sinamahan sa pagbaba. "Sino nagpapasok sa 'yo rito?" Takang tanong ko.

"Hehehe," makahulugang tawa niya. "Ikaw talaga! Ang tanda mo na pumapasok ka pa rin ng walang paalam!" Kunyaring galit na sabi ko, umilag naman siya. "Sorry ngets, huhuhu. Nadagdagan ata ang kasungitan mo?" Natatawang pang-aasar niya, tumaas ang kilay ko. "Matagal na akong masungit!" Naka-labing sabi ko.

Nang makarating na kami sa tapat, kung saan ang bahay nila ay hinayaan ko na siya makapasok sa bahay nila. "Na-miss talaga kita, ngets," aniya saka hinalikan ako sa pisngi. "Gags, huwag mo akong hinahalikan sa pisngi!" Angil ko habang pinupunasan ang parte na hinalikan niya. "Dati naman hinahalikan kita, eh." Nakangusong aniya, sinamaan ko siya ng tingin. "Dati iyon! Oh siya, matulog ka na at matutulog na ulit ako, mamaya nalang tayo mag-kuwentuhan pagkauwi ko galing work." Sabi ko saka hindi na siya hinayaang magsalita pa at umalis na.

SOMEONE'S POV

"ANDERSON." Pagtawag ko sa tauhan ko. Lumingon ito sa akin saka tumungo at tinitigan ako. "Was kann ich für dich tun, Hoheit?" Magalang na tanong nito saka muling tumungo.

Translation: What can I do for you, your highness?

Bumuntong-hininga ako. "Irgendwelche Updates über die Erbin? Haben Sie sie gefunden? Kennst du schon ihren Namen?" Madiing tanong ko, nakita kong natigilan siya at napalunok. Napapahiya itong tumingin sa akin at nagbigay ng nagpapaumanhing tingin.

Translation: Any updates about the heiress? Did you find her? Do you already know her name?

Tumaas ang kilay ko. "Was ist mit diesem Blick?" Pinagtaasan ko ito ng boses kaya lalo siyang napatungo at pinagpapawisang umiling. "Wir wissen es noch nicht, Hoheit, es tut mir leid."

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon