Tanong,Rosaryo,Kamatayan

5.5K 82 80
                                    


** Tanong **

Kevin's Pov . . . . . .

"Nagtataka ako kung bakit ganun na lang ang gulat at pagtataka sa mga mukha nila kuya,nang makita nila si claire.Magkakilala ba silang lahat?kung oo,bakit may takot akong nakikita sa mga mata ni ate heidi?hindi naman pangit si claire,manang oo,di kasi siya nag-aayos masyado at laging nakapalda ng mahaba,akala ko nung una,madre,pero napakaganda ni claire,simple at di maarte.Ewan ko ba,at sa dami ng babaeng gusto akong maka-date,ay ito pang si claire ang nakursunudahan ko.Hindi naman siya yung tipo ko,pero di ko alam kung bakit patay na patay ako sa kanya,bagamat may pagkamisteryosa at weirdo talaga siya kung minsan.Nakilala ko si claire nung nag-entrance exam ako,nakapila din siya roon,kaka-break ko lang kay nadine,may 5 months rin naging kami,pero turn off sa akin ang pagiging sobrang arte,possessive at sama ng ugali niya.Maganda nga siya pero nakakasuka naman ang kamalditahan niya,kaya di ko siya natagalan,at isa pa,di ko naman siya mahal.Sa unang tingin ay di mo magugustuhan ang mga tipong tulad ni claire,pero nang malapitan ko siya, napakaganda niya.Ngayon ko lang naramdaman yun,at bago yun sa pakiramdam,di ko alam pero maybe it is love at first sight.

I approached her,asked her name,pero di siya umiimik,nasopla ako,ngayon lang may umisnab sa tulad kong gwapo,na-challenge talaga ako sa kanya,hanggang sa matapos na kami mag-enroll ay sinundan ko siya,halatang naiinis na siya pero sige pa rin ako ng sige.Sa kakasunod ko sa kanya,nagtaka na lang ako at bigla siyang nawala,hanap ako ng hanap kung nasaan na siya,nang lumingon ako sa likod ko ay nagulat ako nang makita ko siya,nakatutok sa akin ang matalim na kutsilyo.

Napataas ako ng kamay,ang lakas ng kabog ng dibdib ko noon.Galit ang nakita ko sa mga mata niya,kinilabutan ako.Tinanong niya ako kung bakit ko daw siya sinusundan,nagkautal-utal pa ako habang sumasagot,sinabi ko na gussto ko lang makipagkilala,ngunit di pa rin niya iniaalis ang kutislyo sa leeg ko,takot na takot ako noon,humingi ako ng tawad sa kanya kung natakot ko man siya at nangakong di na uulit.Sa wakas ay ibinaba niya na ang kutsilyo,nakahinga ako ng maluwag.

Isa yun sa di ko malilimutan na karanasan ko kay claire,pero kahit ganun ang nangyari ay di ko siya tinigilan.May inuupahan siyang maliit na apartment malapit sa school na papasukan namin,tutor siya ng dalawang korean students,magaling kasi siya sa english at di mo aakalaing probinsyana siya.Madalas ang pagdalaw ko sa kanya,naging malapit kami sa isa't isa.Kahit madalas na tahimik at wala siyang kibo ay ginagawa ko ang lahat para mapangiti at mapasaya siya,parang ginto ang halaga ng bawat ngiti niya dahil minsan mo lang siyang makita na nakangiti,kaya kahit nagmumukha na akong gago sa harap niya ay nag-eeffort pa rin akong pasayahin siya dahil malinaw sa akin na GUSTO KO SIYA .

at ngayon ay ipinakilala ko na kay kuya si claire,ang babaeng gusto ko,kahit di ko alam kung gusto rin niya ako,di ko malaman kung anong dahilan ng mga pagtatakang nababanaag ko sa kanilang mga mukha,nang lingunin ko naman si claire,ay kalmado lamang itong nakatitig sa kanila
.

ANO BANG MERON KAY CLAIRE?

** End of Kevin's POV *

=================================

** Heidi's POV **

Hindi ko alam kung ilang beses akong napamura sa isip ko nang makita ko ulit si claire,gumapang ang kilabot sa buong katawan ko,para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko siya!

Anong ginagawa niya rito?

Hindi ko pa rin malimutan ang nakakatakot na mga tanong at gestures niya nung nakasama namin siya last month.I felt something in her na di ko ma-explain,di ko lang ma-point out,but i knew that something is not right about her,or sadyang praning lang ako kaya ganun ako mag-isip pero ang alam ko,di lang naman ako ang nakakadama ng ganun kundi pati ang mga kaibigan ko.

Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon