Hindi na nakatulog si Jerome simula ng bangungutin siya,actually di nya alam kung nabangungot nga siya dahil nakita at nahawakan niya pa ang sariwang dugo na nakita niya sa masamang panaginip,balisa tuloy siya,nilapitan siya ni aaron at inusisa ito.Matagal bago nakasagot ang binata,halatang gimbal pa rin ito sa mga kababalaghan na nangyayari sa kanila lately."pare,ok ka lang?"si aaron,umupo ito sa tabi ni Jerome,alas-singko medya na ng umaga noon.Ang iba ay naliligo na ,at ang iba nama'y nagbibihis na,pauwi na sila sa Maynila.
Dumating si Hans,at umupo sa gilid ni aaron,inabot nito ang dala niyang kape sa mga kaibigan,at inusisa ang mga ito kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.Ininom ni Jerome ang bigay na kape ni Hans,balot pa rin siya ng takot,nang di na niya mapigilan ay nagtapat na siya sa mga kaibigan.
"Pare,balik tayo sa isla."seryosong bungad niya.Nagulat naman ang dalawa sa seryosong sagot nito.
h-ha?anong isla?" si aaron,nakakunot ang noo nito.
"sa isla isabel,kung saan nawala si Jessie."
Natigilan ang dalawa sa sinabi ni Jerome,ang totoo ay natatakot na sila sa mga kababalaghan na nangyari sa kanila,pero tama si Jerome,kelangan na nilang gumawa ng paraan para matigil na ito para bumalik na ang buhay nila sa normal.Hindi nila namalayan na naroon si Heidi sa pintuan,narinig nito ang pag-uusap nila, lumapit ito sa kanila.
"sigurado ba kayo diyan?hindi kaya mas delikado para sa atin?"alalang tanong niya
."We have to do this heidi,I need an answer kung totoo nga yung sinabi ng matanda,kung talagang patay na si Jessie,i want to know para magkaron na tayo ng kapayapaan." sagot niya.
Agad nilang pinuntahan ang mga kasamahan nila,at sinabi ang plano sa mga ito.Tumutol ang iba sa suhestyon nila Jerome na bumalik sa isla.
"For God sake jerome!ayoko pang mamatay ng maaga!why we don't just call a police?bakit kelangan tayo pa ang pupunta roon?"hysterical na tutol ni sweet, na nakamewang pa.
"Come on,we don't have enough time.
we need to do this! wag kang maarte Ernesto! kung gusto mo laging namumulto, ikaw na lang mag-isa mo,wag mo na kaming idamay! bakla ka talaga!"gigil na sagot ni Jared,sa kaartehan ng dyosa-dyosahan ng barkada nila.Natameme naman ito at di na nagsalita pa.They have no choice.Kelangan nilang sumugal para matapos na ang pagmumultong iyon.THEY HAVE TO FACE THEIR FEARS.
" sasama ako." si Claire.
Nagulat sila Jerome sa sinabi nito.
"Why? you're not supposed to join us,it's too dangerous.mas safe ka rito." si Tiffany.
"kaya ko ang sarili ko.Gusto kong makatulong." pilit pa niya.
"In what way ka naman makakatulong sa amin?You're just a kid."naiiritang sagot ni April.
" Sige na,pasamahin niyo na ako,wala din naman akong gagawin sa bahay at isa pa,kaya kong makipag-usap sa ispiritu ng namayapa na."sagot ni claire,nakatingin siya ng masama sa nagmamalditang si April.April just ignored that stare,nauna na siya sumakay sa van.
"Ok,sakay na." si Jerome.
"salamat." paklang ngiti ni claire sa binata.
Jerome knew that something was not right.He felt something so eerie about claire.Iba ang charms nito,dahil na-co-convince siya nito kaagad.Ang nakakagawa lang niyon ay iisang tao lang.......
BINABASA MO ANG
Scalpel
HorrorIsang pagkakaibigan ang masusubok ng tadhana sa kakatwang pangyayari na nagdulot ng takot sa kanila at ito ay may kaugnayan sa nakaraan,Ang nakaraan na pilit nilang kinakalimutan.ngunit ito rin ang magdudulot ng lagim at trahedya sapagkat walang lih...