Chapter 12 Paghaharap,Lihim ni Jared,Game Over

5.1K 62 37
                                    

**Paghaharap**

“ Guro ng Arturo De Vega Academy,natagpuang patay.” – CBN News

Natulala si Jerome sa balitang iyon,umagang-umaga ay babatiin agad siya ng masamang balita,kinakarir ata ng tadhana ang bigyan siya ng kabog sa dibdib.

Nakilala ang biktima na si Teresa Flores,62 taong gulang,English teacher ng nasabing paaralan.20 taon na itong nagtuturo sa ADVA,at ayon sa mga malalapit sa biktima ay mabuting tao ang pinaslang na guro at magaling makisama,kaya ikinagulat nila ang karumal-dumal na pagpatay rito.”

Nanginginig sa takot si Heidi.Si Mrs.Flores ang Adviser nila nung highschool.May masama siyang kutob rito.Mukhang may taong gustong ubusin silang lahat,dahil ba yun sa ginawa nila?Pero sobra sobra naman atang parusa ito,Hindi niya na kinakaya ang mga nangyayari,para na siyang maloloka sa kapraningan at pagkatakot na baka isang araw,siya na ang susunod.Tinawagan niya agad si aaron,upang ipaalam ang balita,pero sinabi nitong alam niya na ang nangyari sa adviser nila,narinig nya iyon sa radyo,habang nagmamaneho siya.Inamin niya sa nobya na di na biro ang nangyayari at maaring may kinalaman iyon sa NAKARAAN.

-------------------------------

“Stop  your blabbering,Heidi!bakit kelangan mo pang ungkatin ang nakaraan? ”Galit na galit na saway ni Jared kay Heidi.

“We should have not done it,we’re in this mess,dahil sa ginawa natin kay _______”

Hindi na naituloy ni Heidi ang sasabihin dahil sinampal na siya ni Jared,nagdugo ang labi nito,galit na sinugod naman siya ni aaron,at binanatan ang binata

How dare you lay a finger on her?”Sabay suntok kay Jared.Nag-aalab ang damdamin nito sa sobrang galit.Inaawat naman sila ni Jerome,habang takot na takot naman si April na kagagaling lang sa ibang bansa,at may jetlag pa.Bagsak si Jared,napuruhan siya ni Aaron,na noo’y parang gustong pumatay,buti na lang at naawat siya ni Jerome.

“Stop it,mas lalo tayong magkakagulo dahil sa init ng mga ulo niyo!” awat ni Jerome.

Bumitaw si aaron sa hawak sa kanya ni Jerome,he hold his temper,alang-alang sa binata at sa nobya niyang si Heidi na kanina pang nagmamakaawa na tumigil na sila sa pag-aaway.Nasa ganung tensyon sila ng dumating sila Allen,kasama nito si Kevin at si Claire.Agad na nilapitan ni Allen si Jared at sinampal niya ang dalang pictures niya sa mukha nito.They were all shocked sa pagsampal ni Allen kay Jared.Nagkalat ang larawan sa lapag.

Hayophayop …”mahinang bungad ng dalaga,mangiyak ngiyak na siya,nakaalalay naman sa kanya ang kapatid na si Kevin,at sa tabi ng binata ay ang tahimik na si Claire.

“What the hell are you saying?”angil niya sa dalaga.Ang totoo,pikon na pikon siya pag sinasampal siya ng mga babae, kadalasan ginagantihan niya ng sampal ang mga iyon,maliban lang kay April na immune na ata ang mukha nya sa rami ng pagsampal na ginawa nito sa kanya.Pero ngayon,di niya nagawang pumalag sa sampal ni Allen,dahil sa mga litratong isinupalpal sa mukha niya.Hinanap ng mga mata ni Allen si April at nang nahanap niya na ito ay agad niyang sinugod ang dalaga.Pinagsasampal nya rin ito at sinabunutan.Lumaban din sa kanya si April,at nagkaroon nga ng CAT FIGHT scene ng hapong iyon.Pero unlike before na,ang palaban na si April ay lamang sa kalaban niya,siya ang nabugbog at dehado.Sa tindi ng galit ni Allen sa dalaga,ay di siya naawat nila Jerome.Hinila ni Jared si April at inilayo sa nagwawalang si Allen.Parang nasa giyera sila ng mga sandaling iyon.

Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon