Chapter 9 Diary,Talinghaga,Kabaong

5.5K 58 45
                                    


** DIARY **

BREAKING NEWS . . . . .

" Isang nakakagulat na balita ho ngayong umaga,natagpuang patay sa kanyang condo ang darling of the press at sikat na singer na si Karah Rosales.Ayon sa report ng pulisya at sa statements ng mga kaibigan nito na nasaksihan ang buong pangyayari,pinatay daw ng sariling P.A si Rosales,bugbog pa ang katawan nito at namatay dahilan sa paglaslas ng leeg nito.Ang suspek na si Stella Roque,o Ella ay namatay din,matapos hindi sumuko sa mga pulis,ang ibang detalye ng balitang ito ay ilalahad sa aming pagbabalik."

Pinatay na ni Jerome ang TV,nailagak na ang labi ni karah sa St.Therese Chapel.Hindi muna sila nagpaunlak ng interviews,kahit maraming reporters ang nag-aabang sa kanila sa labas.Balisa ang grupo nila Jerome,lahat ay tahimik,umiiyak at walang nais umimik o magsalita,nawalan na naman sila ng kaibigan. Ang una'y si Jessie,ngayon nama'y si karah.Sadyang nakakalungkot ang naging pangyayari,kailan lang ay buo sila.

Bakit tila unti-unti silang nalalagasan?

Maya-maya pa ay lumapit ang isa sa mga maid ni karah,si Ines,may ibinigay ito kay Jerome.

" Diary? " bulong ni Jerome,sa sarili,personalized iyon,makapal at kulay green ang balot.

"Nakita ko ho yan sa ilalim ng unan niya,na-surrender na namin ang mga gamit niya kila maam Nelia (Nanay ni Karah ).Sige po mauna na ho ako."paalam nito,tumango lamang si jerome,at na-intriga siyang talaga sa kung anong nilalaman ng diary ni karah.Alam niyang mali ang mangialam at magbasa ng mga ganun,ngunit sa oras na yun,di niya malaman kung bakit gayon na lang ang urge sa kanya na basahin at alamin ang nasa loob nun.kaya naman,nagsimula siya sa unang pahina.

Ito ang nilalaman :

Dear Diary,

Summer na naman,at pangalawang taon na nang mawala si Jessie.kung minsa'y nababangungot at napapanaginipan ko pa rin siya,pero di na tulad ng dati,mas malimit na ngayon.Ang totoo'y ayoko sa kanya.Dahil kaagaw ko siya sa pagmamahal ni Carlo,at kahit anong gawin ko,kahit lumuhod at magmakaawa akong mahalin rin niya,bigo lamang ako.

Ang laki kong tanga!DAHIL NAGMAHAL AKO NG LALAKING WALANG PAKIALAM,MAKASARILI,WALANG PUSO,AT WALANG KONSENSYA!Kung ang multo nga ni Jessie ang nagpaparamdam sa amin,kailanma'y di ako hihingi ng tawad,mamamatay na muna ako,bago mangyari Yun!WALA AKONG PINAGSISIHAN SA PAGKARAMDAM KO NG GALIT AT INIS SA TULAD NIYANG IMPOKRITA AT MANG-AAGAW.PARE-PAREHO LANG NAMAN KAMING MGA DAKILANG IMPOSTOR AT ARTISTA,NATATAGO ANG PAGKATAO SA PAMAMAGITAN NG SALITA AT NGITING PILIT UPANG MAPAGTAKPAN ANG KASIRAAN.NARARAPAT LAMANG SA KANYA ANG SINAPIT NIYA.ALAM KONG MAMAMATAY RIN AKO,NGUNIT MAS MAUUNANG MASUNOG ANG KALULUWA NIYA SA IMPIYERNO!

PS

- KARAH -

Napakunot ng noo si Jerome sa nabasa.Noon pa ma'y pilit na ikinukumbinsi siya ni heidi na hindi totoo ang pinapakita ni karah na kabaitan at pag-aalala kay jessie.Kinaibigan lang ni karah si Jessie para sa sariling kapakanan at kasikatan,bukod roon,ay wala ng iba.Napagtanto niyang totoo nga ang mga sinabi ni heidi,nanghinayang siya.naloko siya ng matatamis na ngiti nito at ang pag-arte nito sa kanila,walang dudang, mahusay siyang artista!ngunit ang pinagtataka niya ay kung bakit ganun na lang ang poot ni karah sa yumao niyang gf,bukod na dahilan si carlo ay wala itong nabanggit na iba pa,puzzle iyon sa kanya na di niya masagot.Napasandal na lamang siya sa silya,habang tinititigan ang malaking portrait ni Karah,

Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon