Torn Between two lovers

6K 51 29
                                    


Tiffany's POV.

"Naiinis talaga ako dahil sa dami-daming pwedeng tumulong sa amin,sa babaeng yun pa!nakakagigil!!Ako si Tiffany Loyola,They call me "Faye".Inaamin kong maarte ako,ambisyosa,at talagang maldita.Mabait naman ako,pag sinusumpong.Minsan lang ako nagmahal ng totoo at si Hans yun.Pero dahil nga sa taas ng ambisyon ko na maging mayaman,binasted ko siya,alam ko namang Mahal na Mahal niya ako,pero mas mahal ko ang mga pangarap ko,lagi ko siyang iniiwasan mula nang magtapat siya sa akin,that time kasi wala siyang " K"para ibigay ang mga luho ng katawan ko.But He tried pero hindi ako satisfied. And simple lang ang pangarap niya,ako kasi hindi,I want to be rich and famous!siya kasi hindi,so i ignored him,masakit din yun teh! pero yun eh,gaga ako then ngayon,I knew na may mahal na siyang iba,di ko kayang tanggapin,Kasi-kasi well.... MAHAL KO PA RIN SIYA.wala namang nagbago eh,mas minahal ko pa nga siya dahil mas pumogi siya,Lantod!Pero mula nung binasted ko siya,never ko na siya nakausap ng matagal,kasi lagi niya ako iniiwasan,well, B-I-T-T--E-R si kuya eh!Akala ko wala nang papalit sa akin sa puso niya pero........ Mali ako.Ang bruhang geek at weird na babaeng yun! OO... yung KAREN na yun!Mas maganda naman ako sa kanya at sexy.Yun nga lang mas matalino siya,at bait-baitan ang gaga!plastik niya ever!I hate her so much from stealing Hans from me!!!And now,I hate this feeling coz nasasaktan ako eh.... masakit,mali.mas masakit pala ngayong hindi na niya ako mahal at alam kong di na maibabalik yun.Gayunpaman,Hindi ako titigil,magiging akin din siya.Mamahalin din ako ni HANS. Iiwan niya ang Bruhang Karen na yun!

Binilisan niya ang pagdr-drive, habang iniisip ang dating kay lambing na si Hans.She wants him so desperately!

End of Tiffany's POV....

~~~~~~~~~~~~~~~

Late na dumating si Tiffany.Siya na lang ang inaantay.Napairap naman sa kanya si April.Lagi na lang kasi siyang nale-late. She just ignored April instead hinagilap ng mga mata niya si Hans,she succeeded Napangiti siya pero napawi agad yun dahil nakita niya ang karibal niya si Karen.Ang mas nagpainit ng dugo niya ay ang makitang magka-holding hands ang dalawa.

Padabog siyang pumunta sa grupo at naiinis na umupo,damang-dama naman ng iba ang tensyon sa pagitan nila Tiffany,Hans at Karen.Napatingin tuloy si Heidi kay sweet,pero wala man lang reaksyon ito sa halip ay maarteng ininom ang kape.Nainis siya.She hope na hindi mag-away ang dalawa.Karah initiated the conversation.

" so karen,what do you suggest?"seryosong tanong ni karah bago humigop ng kape.

Kinabahan naman si Karen sa tanong na yun.She tried so hard to please her Bf's friends pero ang naging kasundo lang niya ay sila heidi,aaron at si carlo.Lagi kasi siyang tinatarayan nila April at Tiffany,si sweet naman lagi siyang ino-okray.Si karah naman pinapansin lang siya pag may camerang nakatutok at si Jerome naman,ngayon lang niya ito makikita at makakasama so she's not sure kung magugustuhan siya nito.

"uhmm,based sa mga experiences niyo,may nagmumulto nga sa inyo and she or he might be trapped,kaya hindi siya matahimik,or she's haunting you maybe bcoz may ginawa kayong di maganda or what,so i suggest kailangan natin ang tulong ng ispiritista,"mahinahong sagot niya.

"natural ba yan?"tiffany interrupts,pointing sa boobs niya.Nagulat naman si Karen sa tanong na yun.Nagkatinginan naman ang lahat, mukhang nangangamoy away.

"excuse me?" bawing tanong ni karen.She's trying to keep her cool.Hanggang maari ayaw niyang magalit,pero ewan lang nya sa pagkakataon na ito.

"Stop it Tiffany!"galit na saway ni Hans sa naka-lollipop pang si Tiffany but she doesn't care.

"Why? gusto ko lang naman malaman , may masama ba?" nakataas pang kilay na rason niya.

" That's nonsense anyway!"singhal ni Hans,Pero di pa rin siya pinansin ni Tiffany sa halip ay nilapitan niya si karen.

"May nangyari na ba?"nakakalokong tanong niya.Nagpantig nag tenga ni karen sa narinig.This Bitch is trying to embarass her! but she controlled herself.

"so di ka na virgin?don't you know how much Hans wants me? kaya ka ba nagbago from old maid to a sexy lady kasi na-i-intimidate ka sa akin? natatakot ka bang........ maagaw ko siya?" at humalakhak.Nilapitan siya ni Hans at sinaway siya but tiffany wrapped her arms to his neck,and she's going to kiss him!

But,Hans took her hands off.Natulala siya.Naramdaman niya ang sobrang kahihiyan sa sarili,nararamdaman niya na unti-unting namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata.She looked at his eyes and Hans looking at her too.Karen stood still in shock.

"Are you crazy?" matigas na tanong niya sa dalaga.

"Tigilan mo na ang girlfriend ko tiffany!get a life!"halos sumabog na ang ugat nito sa leeg sa tindi ng galit kay tiffany,inaawat naman sya ni karen.

Napatitig na lang si Tiffany sa dalawa,she remember how Hans protecting her from those people who are against her.When she's with him,when he's still in love with her.

"So,kinalimutan mo na talaga ako....dahil sa malanding babaeng yan!" turo niya kay karen.

" Stop calling her like that! Tiffany,Can't you see? Mahal ko sya and what happened between us,nakaraan na yun at kasalanan mo yun!so pls,give yourself a little respect! "

Sa sinabing yun ni Hans,parang literal na winasak ang puso niya.Hindi niya na napigilan ang kanina pang pinipigilan na emosyon,tuluyan na siyang naluha.Ngunit agad naman niyang pinunasan yun.

"Yes,it's my fault.Mali talaga ako kasi pinakawalan kita,at ang gaga gaga ko, dahil nararamdaman ko ito, pero Mahal kita Hans ,Mahal kita."at umalis, sinundan naman siya ni Heidi.

Nanatiling nakatulala si Hans sa pag-aming iyon ni Tiffany.He never expected that to happened.Minahal din pala siya nito,nakaramdam siya nang pagkalito.Lihim naman nasaktan si karen,nangamba naman siya na baka muling magising ang pag-ibig ng binata kay Tiffany.

Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon