Chapter 18 Disfigured

3.4K 60 38
                                    


Summer 2005

Ginastusan ang event ng ADVA ng taong iyon,nagdagsaan ang mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan para makiisa at masilip ang ipinagmamalaking eskwelahan ng Arturo De Vega Academy,itinayo ng dating kongresista at sikat na judge sa bayang iyon,ngunit hindi lamang ito sikat dahil sa yaman at pagiging kilala bilang pulitiko,samu’t saring eskandalo na rin ang naiugnay sa namayapang lolo ni April.Mamamatay tao ang itinatawag sa kanilang pamilya ng ibang sitio sa bayan,dahil ipinapatay daw ng mayamang don ang mga magsasaka,at ninakaw nito ang mga titulo ng lupa mula sa kanila,pero ang mga akusasyong iyon ay di napatunayan,ang mga testigo ay unti-unting nawawala,pinaniniwalaang ipinapatay na ito ng ganid na Don,o binayaran para manahimik,kaya wala ng naglakas ng loob para kalabanin ang makapangyarihang angkan ng Hari ng bayang iyon.Kaya sa napakahabang panahon,binalot ng takot at lihim na pagkamuhi ang mga residente,marami ang nangangarap na makaganti sa halimaw na hari.

Nakatayo sa harapan ng gate si Jillian,may 30 minuto na rin ang nakalipas ng makarating siya sa paaralan,ngunit kakaiba ang kanyang nadarama sa araw na iyon,parang may mangyayaring masama,pero may palabra de honor siya,tinutupad niya ang kanyang binitiwang salita lalo na pag nangako siya,iyon ang turo sa kanila ng mga magulang niya bago ito mamatay.Kaya kahit nagtatalo ang loob ay sumugal siya,bigat na bigat ang mga paa niya nang ihakbang ang mga iyon,parang tambol kung makatibok ang puso niya dahil sa nerbyos at takot.Ang paaralan kung saan naranasan niya ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay niya,ang matalo at masaktan ng dahil sa pag-ibig.Napailing siya ng maalala si Jerome,ang panlolokong ginawa nito,isang taon na rin ang lumipas at alam niyang graduate na ang mga ito ng highschool gaya niya,at maaring natupad na ni Jessie ang pangarap nitong “Valedictorian”dahil nagtagumpay itong paalisin siya sa eskwelahan.Bagamat, nagtapos din siya ng may karangalan,“Valedictorian”din ang nakamit niya sa paaralang pinasukan niya,nakadama siya ng lungkot di dahil sa Public siya nakapagtapos kundi naramdaman niyang muli ang kirot sa kanyang puso ng maalala ang kasawiang sinapit niya sa “Dream School”ng bayan nila.Narating niya ang Laboratory,mag-isa pa lang siya roon,nakabukas na ang mga ilaw at naka-on na rin ang aircon sa room.Inilapag niya ang bag sa table at umupo,walang anu-ano ay nagulat siya ng may pumasok sa Lab,ang grupo nila JESSIE!

Takang-taka siya ng mapansin ang kakaibang aura ng magbabarkada,parang naka-droga ang mga ito.Tawa ng tawa na magka-akbay pa sila Carlo at aaron,habang nakayakap sa kanya si Heidi na namumula ang mga mata,at tila wala sa sarili.Pinanayuan siya ng balahibo,kinabahan siya,parang may balak na masama ang mga ito sa kanya,kelangan niyang makaalis sa lugar na iyon sa lalong madaling panahon.Palabas na sana siya ng harangin ni Carlo,nakakatakot ang mukha nito at tila sabik na sabik sa kanya,lalo siyang natakot,napaatras siya,pero hinawakan siya nito at hinalikan sa labi.Ni-locked naman nina Sweet at Tiffany ang pinto,at sumasabay din sa pag-iingay ng mga kasama nila,itinulak ni Jillian si Carlo at sinampal.Nagtawanan naman sila Jerome at kinantyawan pa ang binata,nasaksihan ni Karah ang pangyayari at dahil sa selos at galit na naramdaman niya,dahil matagal na siyang may pagtingin kay Carlo,sinugod niya si Jillian at pinagsasampal,parang mga demonyo naman na nagtatawanan sila JESSIE,sa halip na pigilan si Karah,ay pino-provoke pa nila ito.Sinenyasan ni Jessie si Carlo,na ibig sabihin ay pwede na nitong ituloy ang naumpisahan,nag-record naman ng video si aaron at parang cheerleader sila Tiffany na mas tinutulak pa si Carlo na gawin ang panghahalay sa kawawang si Jillian.Nagmamakaawa si Jillian kay Carlo,nagsisilbing background music nito ang mga halakhak mula sa mga nanonood na barkada nila Jerome,naglabas pa ng itinagong alak sa bag si April at tinungga iyon at  pagkatapos ay ang inialok din sa mga kaibigan,uminom din ang mga ito na para bang nanonood lamang ng eksena sa isang pelikula.Nangangatal ang mga labi niya at nangangatog sa takot ang kanyang mga tuhod,napanawan na siya ng lakas na naging dahilan upang mahuli siya ni Carlo,sigaw siya ng sigaw,athumihingi ng saklolo,ngunit sa kamalasan niya’y wala pang tao sa mga oras na iyon,dahil masyadong maaga ang pagdating niya roon.Nang malaman kasi ni Jessie ang balitang babalik si Jillian sa ADVA ay umiral na naman ang inggit sa kalooban niya,kaya tinipon niya ang mga kaibigan upang gumawa ng plano laban kay Jillian,Minanmanan na nila ang mga kilos nito,kaya naman nasundan nila ang pag-alis nito sa tahanan nila,nagkubli sila sa van nila Karah.

Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon