** Pulso**Gulat,takot,at pagkalito ang naramdaman ni Heidi ng makita ang dugo sa mga kamay nya!
Bakit may dugo ang mga iyon? Para na siyang mawawalan ng malay dahil sa tindi ng takot na nararamdaman nya sa mga oras na iyon.Dali-dali siyang tumakbo patungong cr,upang hugasan ang mga kamay,kuskos dito,kuskos doon,namumula na nga ang mga iyon sa gigil nya.Ngunit kahit anong gawin nya ay nananatiling naroon ang dugo,napapaiyak na siya sa takot at pagkadismaya.
BANG! ! ! ! ! ! ! ! !
Napalundag sa gulat si Heidi,sumara kasi ang pinto,pumunta siya roon at pilit na binuksan yun.
LOCKED ITO.
Sinubukan nyang buksan iyon ngunit bigo siya,napatili sya ng magpatay-sindi ang mga ilaw.Sigaw siya ng sigaw,ngunit walang nakakarinig sa pagmamakakaawa niya.Habang pumapatay-sindi ang mga ilaw,ay naririnig nya ang mga yabag na unti-unting lumalapit sa kanya,naninikip na ang dibdib nya,inaatake na siya ng asthma.Wala na siyang lakas upang humingi pa ng saklolo,nanalangin siya na matigil na ang pananakot na yun,ngunit kabaligtaran ang nangyari.Lalong sumiklab ang kilabot nang makarinig siya ng nakakatakot at nakakabinging halakhak ng isang babae,kinilabutan siya, napasigaw siya lalo nang makita ang mga kamay nya na punung-puno ng dugo na tila may malaki siyang sugat,lalo pang naging histerikal siya nang sumirit iyon na parang gripo at tumama sa mukha nya ang mga laman niyon!
WAAAAAHHHHH ! ! ! ! malakas na pagtili niya narinig nya ang isang nakakakilabot na tinig na tila galing sa hukay.
“alalahanin mo...alalalahanin mo ko,hindi mo ba natatandaan?"sabay pakawala ng nakakapangilabot at nakakatindig balahibong tawa.Hindi na halos makapagsalita si Heidi,kapos na kapos na siya ng hininga,ang lakas niya ay tuluyan ng nawala.Hindi na niya ramdam ang sariling katawan.Hanggang sa tuluyan na niyang maipikit ang mga mata.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Nagising si Heidi.Habol nya ang kanyang hininga.Pakiramdam nya galing siya sa isang marathon dahil pagod na pagod ang katawan niya.
“ panaginip lang pala Masamang panaginip.” bulong nya sa sarili.Bumangon siya sa higaan,8:30 na pala ng umaga,uminom siya ng malamig na tubig.Ilang sandali pa ay napansin nya ang peklat sa kaliwang pulso nya.Tiningan nya ng maigi iyon.
Bakit nga ba meron siyang peklat roon? Hindi na nya maalala.Dati-rati wala lang sa kanya iyon,pero ngayon,hindi na.May idinulot sa kanyang takot ang peklat na iyon kaya naman tinakpan nya iyon ng band aid kahit matagal nang humilom ang sugat na iyon,ayaw niyang makita pa ang peklat na nasa pulso nya,hindi nya alam ang dahilan pero it gives her the creeps.
==============================
** Hiwaga **
Kagabi pa lang ay nabuo na ang plano ni Kevin na dalawin si Claire sa tinutuluyan nitong apartment.Hindi sinabi ni Claire kung saan siya na nakatira pero hindi sumuko si Kevin,sinundan nya ang dalaga kaya naman nalaman nya kung saan ito nakatira.Nakahanda na ang lahat,kumpleto na ang dadalhin niya para kay Claire.
White roses ✓.
Chocolates ✓.
Inayos nya lahat pati na get-up nya,sobrang pinaghandaan nyang mabuti ang surprise visit nya sa dalaga.Wish lang nya di magalit ito pag binisita nya.Feeling kasi ni Kevin,medyo close na sila ni Claire,madalas kasi silang study buddies at mag-classmates sila sa lahat ng subjects,ka-kumpitensya nya ito sa ranking pero ok lang sa kanya kung si Claire ang tatalo sa kanya at hindi ibang tao.Pareho silang competitive.Pareho silang mahilig sa arts,politics,History at Music.Mahilig din sila sa mga bata,pareho silang allergic sa pusa.Pareho silang left-handed,pareho silang ma-pride,mahilig sila sa mga spicy foods,kumain ng kwek-kwek at sa “eat-all you can”restaurants.Komportable sila sa isa’t isa,pero kung si Kevin ay very open kay Claire,sobrang masikreto naman ang dalaga.Hindi ito nagkwekwento tungkol sa pamilya nya.Lagi itong umiiwas pag iyon ang topic.Gusto nyang makilala pa lalo ang dalaga.Ang lahat tungkol dito, pero para sa kanya,kahit ano pa ang nakaraan ni Claire,hindi na mahalaga pa, ang importante,mahal nya ito,at isa lang ang goal nya: ANG MAHALIN DIN SIYA NITO .
BINABASA MO ANG
Scalpel
HorrorIsang pagkakaibigan ang masusubok ng tadhana sa kakatwang pangyayari na nagdulot ng takot sa kanila at ito ay may kaugnayan sa nakaraan,Ang nakaraan na pilit nilang kinakalimutan.ngunit ito rin ang magdudulot ng lagim at trahedya sapagkat walang lih...