The Haunting : Doorknob

7.1K 56 11
                                    


May-ari ng Bar si Jared Castillo.Nakapagtapos siya na may degree sa kursong Entrepreneurship.Matalino,misteryoso,
at soft-spoken ang binata.Galing siya sa isang prominente at mayamang pamilya. He is so madly-inlove with April,ito lang ang babaeng pinapangrap niyang pakasalan.He had a lot of relationships pero iba pa rin si April,although hindi naman naging sila,dahil kahit anong gawin niya,hindi siya kayang mahalin nito.Hanggang magkaibigan lang daw sila.Ang salitang iyon ang napakasakit na narinig niya,ngunit patuloy siyang umaasa na balang araw,matututunan din siyang mahalin nito.

Kakarating lang niya sa bar at hindi niya naabutan ang barkada niyang si Carlo,paano ay na-stranded siya sa daan, dahil sobrang traffic.Sayang,hindi tuloy sila nagkitang dalawa,pumasok siya sa opisina para kunin ang mga documents na naiwan niya,nakalimutan niya kasing dalhin ito sa sobrang pagmamadali.Nang makuha na niya ang kailangan,ay nagtaka siya nang makitang nakabukas ang pintuan ng cr ng opisina niya.

Inakala niyang nakalimutan lamang iyon isara ng taga-linis.So,sinarado niya iyon,ngunit pagtalikod niya ay muli na naman iyong bumukas.Napakunot noo siya.Baka sira lang ang doorknob nito so hinayaan niyang nakabukas iyon,lalabas na sana siya nang makarinig nang mahinang paghikbi ng isang babae.Natigilan siya.Ang totoo,ay nakaramdam na siya ng takot ngunit hindi niya iyon pinansin.Kahit kabado ay pinakinggan niyang muli kung saan nagmumula ang pag-iyak.Ngunit hindi na naulit iyon.Inisip niyang guni-guni lamang niya iyon at epekto na rin ng dalawang araw niyang pagpupuyat,pero muli siyang nakarinig ng pag-iyak,this time,mas malakas,magkahalong lalaki't babae ang tinig na iyon.Nangilabot siya sa narinig.Agad siyang pumunta sa pinto upang buksan iyon ngunit nabigo siya.

He was stuck in that room!

Halos gibain niya na ang pintuan ng opisina niya para lang makalabas,kitang-kita niya kung paano binabalot ng dugo ang dingding ng office niya.Hanggang sa naglawa at umapaw na rin ang sahig,masuka-suka siya sa nakakasulasok na amoy na iyon,at nagkalat ang pira-pirasong laman ng tao sa sahig.Gimbal sya sa nakikia,mistulang bata siyang humihingi ng saklolo,ngunit walang nakakarinig sa kanya,naramdaman niya ang unti-unting pagsakal sa kanya ng isang malamig at matigas na kamay na hindi niya nakikita.

"Saklolo!saklolo!"sigaw niya,kasabay nun ang nakakapangilabot napaghalakhak ng isang babae.Nawalan siya ng ulirat at bumulagta.

Nakita na lamang siya ng mga guards na nakahiga sa sahig,akala nila ay nag-collapse ito dahil sa pagod ngunit hindi nila alam ang lagim na nangyari sa kanilang boss.


Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon