Kasawian,Second Chance,Lagim

5.3K 58 33
                                    

** Kasawian **

Hindi makapaniwala si aaron sa nangyari kay carlo.Kailan lang ay napakalakas nito,ngunit ngayon ay eto't nakikita niya ang kaibigan na nakahimlay sa kabaong.Sabi ng mga doktor,namatay si carlo dahil sa barbiturate overdose.Natagpuan si carlo na wala ng buhay sa condo nya.Tinatayang 3 oras nang patay ito,kung naagapan sana ay maaring buhay pa ang kaibigan niya.Matinding dagok sa kanilang barkada ang pagkamatay ni carlo.Dalawang araw pa lang ang nakakalipas ng mamatay si karah at ngayon ay nawalan na naman sila ng kaibigan.Hindi mapigilan ni Tiffany ang maiyak.May kamanyakan nga ang binata,at kadalasang walang pakialam,ngunit marami ding pagkakataon na natulungan siya nito,napagtanggol at napasaya,bagamat kinaiinisan nya rin ito dahil sa masakit na pananalita ng binata,pero isa si carlo sa mga pinaka-honest sa barkada nila.

Parang natutulog lamang si carlo,di mo aakalaing patay na ang binata.Ayaw isipin ni heidi,pero nakadama siya ng takot sa mga kakatwang nangyayari sa kanila.Sa pagkasunud-sunod ng mga pagkamatay,para bang inu-unti-unti sila.

Namayani ang takot sa puso niya.Hindi na siya makapag-isip ng tama dahil bukod sa trauma na nakuha nya ng makitang patayin ni ella si karah,ay idagdag mo pa ang mga kababalaghan na nararanasan nila ngayon.

Ang kasawian na nararanasan nila ngayon ay mahirap paglabanan.Sapagkat kung ang kalungkutan ay nareremedyuhan.....HINDI ANG TAKOT

 xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

 ** Second chance**

Tahimik sa isang sulok si Heidi,sinasariwa niya ang magagandang alaala ng barkadahan  nila.Masaya sila.Kahit may tampuhan ay magkakasama sila sa lahat ng bagay.Sa lungkot man o sa saya,
iisa sila,para na silang pamilya.Hindi niya napigilan ang pag-iyak.Hindi niya alam kung bakit nangyayari ito sa kanila,at natatakot siyang baka masundan pa iyon.Sobrang pagkatakot ang naramdaman niya,feeling niya,di sya safe kahit magtago man siya.Walang ano-ano ay may lumapit sa kanya,nang tingalain niya iyon ay nagulat siya ng makita si aaron. 

"panyo." abot ni aaron ng panyo sa dalaga,di malaman ni heidi kung tatanggapin iyon,pero bago pa man siya nakapag-decide ay inabot ni aaron ang kamay niya,at binigay ang panyo. 

Nagkatitigan silang dalawa.Labis na nagtataka si heidi sa mga ginagawa sa kanya ni aaron,ano ba talaga ang gusto nitong mangyari.

"Hindi ko kailangan ng panyo mo."matigas na tugon niya kay aaron,at iniwas ang pakakatitig niya roon.

Pero umupo sa tabi niya ang binata,nagulat siya at tiningan ng masama si aaron.

"Ano bang ginagawa mo? "naiinis na tanong niya.

Hindi tumititingin sa kanya si aaron,nakatuon ang paningin nito sa himlayan ni carlo.

"Heidi,hindi ito ang tamang oras para magtalo tayo,alam kong natatakot ka,kaya nandito ako para sayo." 

Nakatingin kay heidi ang dating nobyo,ewan niya kung bakit parang natunaw ang galit niya sa dibdib.

"magpapaloko ka na naman ba heidi sa mga sinasabi niya? " bulong niya sa sarili.

Pero hinawakan ni aaron ang mga kamay ni heidi,tinitigan niya ang mukha ng binata,naramdaman niya ang sincerity nito.

"Heidi,I know that my sorry is not enough for all the pain that I've caused you,pero sana mapatawad mo ako, I'm so sorry." naiiyak na paumanhin niya kay heidi.

Hindi inakala ni heidi na mag-so-sorry ang isang katulad ni aaron sa kanya.Ma-pride kasi ito,at first time na narinig niya na humingi ng tawad ito sa kanya.Nagsimulang nabasa ng luha ang kanyang mga mata,habang pinapakinggan ang mga iba pang sasabihin ng binata.

Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon