" Female singer of the year is....... Karah Rosales! "anunsyo ng host sa awards night ng gabing iyon.sinalubong si karah ng masigabong palakpakan.Isang sikat na singer si karah.
Lahat ng album niya ay puro platinum at gold award. Siya ang darling of the press, sa galing niya ay kinuha siya para sa isang prestigious role sa hollywood film ng isang beteranong direktor.
Walang patid ang pagkaway ni Karah sa lahat ng nandoon,tuwang-tuwa siya,she looks so fabulous that night,nakita niya ang rival singer niya na si Mitch Garcia. tinitigan niya ito saka ngumiti ng mapakla.Naiinis na inirapan siya ng karibal,natawa siya.
Matagal na ang usap-usapan na matagal na silang may personal na away ngunit dahil mga artista ay todo-deny sila to protect their public image, plastikan lang ang ginagawa nilang pagbabatian at pagbibigay complement sa isa't isa pero ang totoo,ay kinamumuhian nila ang bawat isa.
Nang makaakyat na si Karah sa Stage ay mas lumakas ang hiyawan at palakpakan ng mga manonood,umarte siyang tuwang-tuwa at pa-humble ngunit ang totoo'y matagal niya nang inaasahan ang parangal na iyon,para sa kanya,hindi pa isinisilang ang taong tatalo sa kanya.Tinanggap niya ang trophy at nagpasalamat sa nag-abot nun sa kanya at sinimulan na niyang basahin ang ginawang speech ng kanyang secretary na si Ella.
Ngunit bago pa niya tuluyang mabasa ay nagitla siya sa nakita.
Isang babaeng nakaitim ang nakatingin sa kanya ng masama na nakaupo kasama pa ang ibang mga kilalang personalidad.Tumatawa ito na para bang nahihibang habang tumutulo mula sa bibig nito ang malapot at pulang likido. naagnas na rin ang mukha nito.Natakot siya sa nakita.
Nagtaka ang mga tao sa reaksyon niyang iyon,nakatingin ang aktres sa isang bakanteng silya sa theatre,kaya naman dahil sa kuryosidad ay tiningnan din nila ang upuang tinitingnan ni karah ngunit wala namang tao roon.
Bakit takot na takot si karah?tinapik na siya ng host upang tanungin siya kung ano ang nangyayari sa kanya ngunit,nang makita niya ang repleksyon niya sa makinang na trophy na hawak ng isa sa mga host ng gabing iyon ay lalo siyang nangilabot sa nakita.
Nagdurugo at puro sugat ang kanyang mukha,ngunit napasigaw siya nang makita niyang bumuka ang gilid ng mukha niya at lumabas ang malaking uod roon,at unti-unting nabakbak at nagnanana ang balat niya,sa kilabot ay nagsisigaw siya at nagtatakbo pababa sa stage.nagkagulo sa loob ng theatre at lahat ay nagtataka kung bakit nagsisigaw at nagtatakbo ang sikat na singer.
Sino ang babaeng nakaitim? ano ang kinalaman niya kay Karah?
BINABASA MO ANG
Scalpel
HorrorIsang pagkakaibigan ang masusubok ng tadhana sa kakatwang pangyayari na nagdulot ng takot sa kanila at ito ay may kaugnayan sa nakaraan,Ang nakaraan na pilit nilang kinakalimutan.ngunit ito rin ang magdudulot ng lagim at trahedya sapagkat walang lih...