Thoughts to Ponder :Scalpel Moral Values/Lessons
Ang Inggit ay nakakasira sa tao,ito ay lason na nagwawasak ng isang samahan,nagpapasama sa tao,at dahil sa inggit nakakagawa ito ng mga bagay na nakakasakit sa iba, dahil sa sariling mithiin at kasakiman.
Ang pagpapatawad ay mahalaga.Gaano man kahirap o kasakit, kelangan nating magpatawad dahil tayo ay kinaawaan lang din ng Poong Maykapal,walang sinuman sa atin ang may karapatang di magpatawad,Ang Pagpapatawad ay ang pagpapalaya sa sarili sa sakit … at sa NAKARAAN.
Ang Pagkakaibigan ay di nasusukat sa materyal na bagay na natgutugunan; o di kaya’y sa tagal ng panahon, kundi sa katapatan na nagmumula sa puso. Ang Tunay na kaibigan na di naghahangad ng masama sa kapwa, ang kaibigan ay di mainggitin, ang kaibigan ay marunong magbigay, magmahal at nanatiling tapat sa kanyang kaibigan, hanggang wakas.
Ang Pag-ibig ay hindi nagsi-sinuangaling,Hindi makasarili, Hindi mainggitin,Hindi mapagkunwari, Hindi maramot, at hindi nanloloko, Ang Tunay na pag-ibig ay dalisay at totoo, ang pagtataksil ay di kailanman naiisip ni pagnasain.
Ang Pamilya ay hindi nasusukat sa magkaparehong apelydo o karangyaan, o dugong nanalaytay. Ang tunay na pamilya ay umuunawang higit pa sa kaibigan, nagmamahal ng walang hanggan , at handang protektahan ang isa’t isa hanggang kamatayan.
Ang Paghihiganti ay masama; anuman ang intensyong ibigin ay di pa rin tama. Sapagkat ipapantay mo lamang ang iyong sarili sa mga taong nagdulot sayo ng poot at galit.
Sila Jessie, Jerome, Heidi ,Aaron,Hans,Tiffany, Sweet,Jared,April,Karah,at Carlo ay magkakaibigan sa salita ngunit di sa puso at diwa.
Ang pagmamahal nila Jenny, Kevin at Claire sa kanilang mga kapatid ay kahanga-hanga; ngunit gayunpaman ang kanilang pamamaraan ay di wasto at kasalanan sa Diyos.
Ang buhay natin ay parang gulong, minsan nasa taas, minsan nasa ibaba, wag mong ikumpara ang iyong sarili sa iba, dahil ikaw ay nag-iisa at walang katulad. Mahalin mo ang sarili mo, bago magmahal ng iba, higit sa lahat mahalin mo ang Diyos ng buong katapatan para di maghari ang buto ng Inggit,Kasakiman,at Kalaswaan sa iyong puso’t isipan!
Maraming Salamat sa inyong pagtangkilik! =)
Sana ay patuloy niyong suportahan ang mga susunod ko pang mga kwento!
Ang iyong Lingkod ;
** Blackdoll **
BINABASA MO ANG
Scalpel
HorrorIsang pagkakaibigan ang masusubok ng tadhana sa kakatwang pangyayari na nagdulot ng takot sa kanila at ito ay may kaugnayan sa nakaraan,Ang nakaraan na pilit nilang kinakalimutan.ngunit ito rin ang magdudulot ng lagim at trahedya sapagkat walang lih...