Ang Nawawala,Locket,Sugat

5.6K 64 37
                                    


** Ang Nawawala  **

Kasama ang mga pulis at NBI ay sinamahan sila ni Kulas sa baba ng bangin kung saan sinasabing nakita at pinaglibingan ng bangkay nila Aling Nita.Hindi na nakasama pa ang ginang dahil sa nangyari kanina,napag-alaman nilang nagkadiperensya ito sa pag-iisip dahil sa depresyon na naranasan mula nung namatay  ang anak na si Ben. 

 "Pagpasensyahan niyo na si Nita."mahinahong paghingi ng paumanhin ni Mang Nestor kila Jerome,malalim at maitim ang ilalim ng mga mata nito,nakakaawa ang pangangatawan ng matanda,nawala ang dating matikas at malakas na katawan nito,ngayon ay halos buto't balat na sa kapayatan.Nakaramdam ng awa sa kanya si Jerome.

"Nauunawaan ko po,Wag niyo na pong alalahanin yun."nakangiting sagot ni Jerome sa matanda.

Ilang saglit pa ay narating na nila ang ibaba ng banging iyon,sadyang masukal ang  lugar na iyon,muli silang naglakad nang...................

"AHHHHHHHHH "sigaw ni Heidi.Natapilok ito,,napapangiwi ito sa kirot,hawak-hawak ang kanyang kanang paa.

Agad na sumaklolo sa kanya si aaron,sa taranta ay nabitiwan niya ang kamay ng nobya si Trixie.Namilog naman ang mga mata ng dalaga sa ginawa ng nobyo,kanina pa niya kasi napapansin na iba ang kilos at mga tingin ni aaron sa heiding iyon.Ngayon,malakas ang kutob niya na may nararamdaman pa rin ito sa dating kasintahan. 

"ok ka lang ba?"buong pag-aalalang tanong  ni aaron,hinawakan nito ang paa ng dalaga.Natigilan si Heidi,ano bang ginagawa ng mokong na ito?bakit niya ginagawa yun sa kanya? Hindi na niya maintindihan,nalilito siya.Tinabig niya ang kamay ni aaron,nagulat naman ito sa ginawa niya,nagkatitigan silang dalawa,mata sa mata.Nangungusap ang mga mata ni aaron,nagtatanong,ngunit galit at inis ang hiwatig ng mga mata ni heidi. 

Wala na bang pag-ibig? 

Wala na nga bang pag-asang muli silang magsamang dalawa?

pero paano? kung may taong masasaktan kung ipipilit nila?

"Bitawan mo ko."angil ni Heidi,seryoso itong nakatingin kay aaron.Naramdaman naman ni aaron iyon,kaya inialis na niya ang kamay sa paa nito.

Hanggang ngayon ay namumuhi sa kanya ang babaeng labis na minamahal niya.Pero kasalanan niya ang lahat ng iyon,pinagpalit niya ang taong unang naniwala sa kanya.Ang taong hindi nag-give up sa kanya,ang taong tunay na nagmamalasakit sa kanya.Ang taong tumanggap sa kanya,ang tunay na nagmamahal sa taong tulad niya.Pinagpalit niya sa panandaliang saya at tawag ng laman,kaya naman,naiintindihan niya kung bakit ganun na lang kamuhi ito sa kanya.

 "K-kaya mo na ba? akayin na kita."alok niya sa dalaga.

"Kaya ko."sagot ni heidi,hindi man lang niya nilingon ang binata.Sinikap niyang tumayo,inalalayan siya ni Carlo.Ngunit hindi niya kaya, inalalayan siya ni aaron na tumayo.

Pigil ang hininga ni heidi, ang totoo, sobrang miss na niya ang binata,ngunit sa ngayon ay lamang pa rin ang galit niya sa dating kasintahan.Hindi niya pa rin matanggap na niloko siya nito,pinigilan niya ang sarili na umiyak. 

"Wag ka ngang umasta na para bang totoong may pakialam ka! "sigaw ni Heidi,nagulat naman si aaron sa reaksyon nito sa kanya.Lumapit naman si Trixie sa kanila,nakamewang  pa ito, at nakairap.

"Why are you shouting at myboyfriend,low-class prostitute? "angil nito kay heidi.

"shut up!hindi kita kinakausap!"gigil na hiyaw niya sa nakapamewang na bruhilda,second version ata ito ni April. 

Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon