Chapter 10 KataksilanKabayaran,Biktima

5.1K 66 56
                                    


** Kataksilan **

Karen's POV . . . . .

Hindi ko maintindihan pero parang kinakabahan ako,parang may nangyayari na hindi ko alam.P-pero,sa puso ko,alam ko hindi totoo ang nasa imahinasyon ko.Nakakapagtakang hindi man lang ako naalala i-text at i-call ni hans.Ni hi o hello,wala akong natanggap.Dati naman,siya ang laging nauunang mag-text pero bakit ngayon?wala akong natanggap kahit isa,kahit blank message man lang.Nalungkot tuloy ako.Lately,napansin kong laging walang imik si hans,malayo ang tingin at malalim ang iniisip,pag tatanungin ko kung may problema siya,sabi nya ok lang daw siya,wag na akong mag-alala.Pero,iba ang sinsabi ng utak ko,alam ko,hindi ako manhid,I know there's something wrong.Masakit isipin at tanggapin pero alam kong may feelings pa rin ang boyfriend ko kay Tiffany.Hindi naman ako bulag para di ko makita ang mga gestures nila toward each other.Kahit mukha na akong tanga,kinakaya ko,dahil ayokong mawala si hans sa buhay ko.

Siya lang ang lalaking minahal ko ng ganito,ang pinagkatiwalaan ko ng lahat lahat,pati sarili ko naibigay ko na.Ganun ko siya kamahal,pero ang sakit sa dibdib ang tanggapin na kahit pala ibigay mo ang lahat sa mahal mo,wala pa ring kwenta kasi iba ang nasa puso nya.

( sighs )

Ang hirap pala talagang makipag-kumpitensya sa mga "EX'es" lalo na pag matagal ang naging samahan nila,hirap buwagin ang pundasyon na iyon.Pero kahit ganun,di ko susukuan si hans,hindi ako papayag na maagaw siya sa akin ng malanding hariparot na si Tiffany!

Kung gusto niya ng laro,pagbibigyan ko siya pero di ako magpapatalo.(titingnan ang oras sa cellphone,alas-otso na ng umaga,hindi niya sinabi kay hans kung anong oras siya darating dahil gusto niya i-surprise ito.Napangiti siya,namiss niya ng sobra ang nobyo,sabik na siya sa mga yakap at halik nito. )

Samantala . . . . . .

"Breakfast in bed!"masayang bati ni hans kay tiffany,pupungas-pungas pa ang dalaga,at inaantok pa,pero ng makita ang inihanda ni hans ay natuwa siya.

"You prepared this?" tuwang-tuwang tanong niya.

He only smiled at her.It's his dream,to wake up with Faye beside her,prepare her breakfast in the morning,that's how much he loves her.

"Thank you sweetie." she smiled flirtatiously.

"Sige,tikman mo kung masarap." udyok niya.

" hmm,good plating,pero papasa kaya sa panlasa ko? "

Natawa lang si hans,at sinubuan niya na lang ang dalaga."Ano masarap ba?"nakangiting tanong niya kahit kinakabahan na baka di nagustuhan ni tiffany ang luto nya.

" hmmm,pwede na rin,ano ba to? fettucine?"usisa niya.Napamulahan ng pisngi ang binata,paano ay carbonara ang niluto niya di fettucine.

"carbonara yan." nahihiyang sagot niya.Nagulat si faye,carbonara pala yun,pero lasang fettucine,napangiti siya.Lalong nahiya si Hans,pero niyakap siya ni tiffany mula sa likod at hinalikan ang tenga nito.

"It was the most delicious carbonara-fettucine I've ever tasted."she smiled and kissed him on the cheek.Humarap sa kanya si hans at muling nagtanong.

" P-pero, baka di mo nagustu-" hindi na naituloy ni hans ang sasabihin dahil pinigilan agad siya ni faye sa pamamagitan ng maiinit niyang halik.Tumugon naman sa pag-anyaya ang binata.Naging marubdob at maalab ang mga halik.Inihiga ni hans ang dalaga upang ipagpatuloy ang naudlot na romansa nila kagabi.

Pero Napabangon sila,nang may nag-doorbell.Malakas ang kabog ng dibdib ni Hans,naalala niyang ngayon na pala darating si Karen,pero di man lang nagpasabi kung anong oras.Nagmamadali siyang magbihis,ganun din si tiffany.

Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon