Nakataas ang kilay na nilukot ni April ang ginawang report ng empleyado. Takot na takot naman at walang magawa ang iba sa pinapagalitang kasamahan. Halos maihi na sa takot ang babae,sa bagsik at nanlalaking mga mata ni April. CEO na ng kumpanya nila si April,tatlong taon nang namatay ang papa niya dahil sa sakit sa puso at ang mama naman niya ay nag-migrate sa Australia kasama ang bunso niyang kapatid na walang balak makihati sa kumpanya dahil kuntento na ito sa pagtuturo si Ericka."What the hell is this,Ms.Carlos?Do you really think,I'm going to be happy with this grade-school paper?"galit na galit na bulyaw niya sa naiiyak nang babae.
" You're Fired!"
" But Maam...."
" I SAID,YOU'RE FIRED! LEAVE!"sabay alis nito at pumasok sa kanyang office.Halos mabingi ang lahat sa lakas ng pagsarang iyon.Wala nang nagawa pa ang babae kundi ang mag-impake ng mga gamit niya.
"Ang sama niya talaga!bruha siya! sana...sana mamatay ka na!"galit na galit na sumpa nito sa dating boss bago nagmadaling umalis ng opisina,naawa man ang ilan ay wala silang magawa laban sa mala-tigre nilang amo.
Samantala.....
Nagsindi ng sigarilyo si April sa balcony ng office niya,para mawala ang inis at stress niya sa pasaway niyang empleyado.Inis na inis pa rin siya.
"Napakatanga,simpleng bagay hindi magawa.I don't need stupid people in my company!"aniya sa sarili saka hinithit ang sigarilyo.Malamig ang hanging dumadampi sa kanyang balat.Nakapikit pa siya ng mga sandaling iyon nang maramdamang nabasa ang kanyang braso,sa pag-aakalang umambon lang ay hindi niya iyon pinansin,ngunit nang maramdaman niyang malagkit iyon,ay iminulat niya ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang nakakakilabot na anyo ng isang babaeng nakaitim,nakabigti ito,at lawit ang dila,nakakatakot ang maiiitim at matalim nitong mga mata.Hindi siya makagalaw sa magkahalong gulat at takot,nakita niyang unti-unting lumapit ang mukha nun sa kanya,hindi pa rin siya makagalaw,at nang magkaharap na sila ay lalo siyang natakot nang makitang kamukhang-kamukha niya ito,ngunit tadtad ang mukha nito ng mga sugat at nakakadiring mga nana na may halong dugo at nagnanaknak.
Napatili siya sa takot at halos maihi na siya sa salawal nang dilaan siya nito sa mukha,nang makaipon siya ng lakas ay nagtatakbo siya palabas ng office.pinagtitinginan siya ng mga employees niya pero wala siyang pakialam,nagmadali niyang tinungo ang parking lot at sumakay sa dala niyang kotse at nagmamadaling nilisan ang lugar na iyon
BINABASA MO ANG
Scalpel
HorrorIsang pagkakaibigan ang masusubok ng tadhana sa kakatwang pangyayari na nagdulot ng takot sa kanila at ito ay may kaugnayan sa nakaraan,Ang nakaraan na pilit nilang kinakalimutan.ngunit ito rin ang magdudulot ng lagim at trahedya sapagkat walang lih...