Pagod na pagod na si karah sa magkakasunod na schedule ng mall show niya ngayong araw,nangawit na ang labi niya sa kangingiti sa mga fans niya at halos paliguan nya ang sarili ng alcohol sa kaartehan niya,feeling kasi ng diyosa niyo,lahat ng kumakamay sa kanya ay may mikrobobyong taglay na naipapasa sa kanya,at dahil daang libo na ang nagastos niya para sa kanyang balat,ay iniingatan niya ito,kahit napaka-OA nang tingnan.After ng mall show,ay nagmamadaling tinungo ni Karah ang naka-park na van niya.Hindi na siya nagpaunlak ng interviews at picture taking,pinalabas niyang masama ang pakiramdam niya ngunit ang totoo ay iritable na siya.Papasok na sana siya sa sasakyan nang may humawak sa kanya.Nang tingnan niya kung sino ang may-ari ng kamay niyon ay napasigaw siya!SA PANDIDIRI ! ! !
Bukod kasi sa marumi na ang kamay niyon ay nagnanana pa at puro sugat ang kamay nito,na halos mamasa-masa pa at ang ilan ay namumutok-mutok pa,may ilang sugat na nagdurugo na.Ang damit na suot niyon ay naglilimahid,wala itong panyapak at napakadungis.
" AAAAAAAAHHHHHH !!!!! "tili ni karah.
Naghuhumangos na pinuntahan ni ella ang amo,nakita niya ang sobrang pandidiri sa mukha nito,hindi niya pinakita ngunit lihim siyang nagtawa sa kakatwang itsura ng demonyita niyang amo,ngunit kahit tumili na si karah ay di pa rin bumibitiw sa pagkakahawak ang batang pulubi.
"GET OFF ME! YOU FREAK,EW!! "galit na galit na hiyaw niya sa bata.
"ate,palimos po,sige na po,gutom na gutom na po ako,di pa kami kumakain ni nanay,bulag po siya,maawa na ho kayo." sumamo ng bata kay karah na noon ay nanlalaki na ang mata sa galit,at hindi na makahinga sa sobrang pagtatakip ng ilong dahil sa nakakarimarim na amoy na nalalanghap niya pero yung sa kanya,OA!
"ELLA !ALCOHOL! "parang diyos na nag-utos si Karah,taranta namang nagkumahog sa kanya ang P.A.Inabot nito ang alcohol sa amo,and as expected,pinaliguan na naman ng bruha ang katawan sa alcohol.
" EWWWWW!! How dare you lay your hands on me?yuck!kadiri ka!wag ka ngang lumapit sa akin,ella,palayuin mo nga ang nakakadiring yan sa harapan ko,now na!"maarteng utos niya sa alalay.Inilayo naman ni ella ang bata sa halimaw niyang amo.
"ate,sige na,gutom na gutom na kami ni nanay,maawa naman kayo."nagmamakaawang pakiusap niya sa maarteng singer.
"dapat kasi sa inyo pinapatay na,wala naman kayong silbi sa lipunan eh,ibang tao pa ang nagpapakain sa inyo!at kami pa ang inoobliga niyo ngayon na bumuhay sa mga tulad niyong salot sa lipunan! "angil niya sa bata na nakapamewang pa.
Nasaktan ang batang babae sa sinabi ng singer.Hindi niya aakalain na napakamaldita pala ng iniidolo niyanapuno ng pagkamuhi ang mga mata niya ngunit sinupil niya ang emosyon upang wag magsalita para maraos nilang mag-ina ang gabing iyon,may tatlong araw na kasi silang di kumakain.
"O sige,para tigilan mo na ako.Ella,ang pouch ko. "mataray na utos niyo kay ella,iniabot naman sa kanya ng p.a ang pouch.
Nilabas niya ang isang daang pisong papel.Nabuhayan ng loob ang batang pulubi,nang aabutin na niya ay itinapon ni Karah ang pera sa kalsada.Natulala naman ang bata sa ginawa ni karah.
"Gusto mo ng pera?kunin mo sa daan ! "nakairap na wika niya sa bata,walang nagawa ang pulubi kundi ang kunin nga sa daan ang perang sasalba sa gutom na nilang mga sikmura.
"Come, on, let's go. "yakag niya sa driver at kay ella.
" BLAAAAAAAGGGG ! " Isang malakas na kalabog ang narinig nila.
Nagsigawan ang mga tao.Tumakbo ang driver niya at si ella sa kalsada,kaya napilitan siyang makiusisa sa mga taong naroon.Nagimbal siya sa nakita niya.
Nakabulagta sa kalsadang iyon ang batang pulubi na kanina ay nagmamalimos sa kanya.Duguan ito, nilapitan ito ng bulag na matandang babae, iyon na marahil ang ina ng bata.Nakakabagabag-damdamin ang tagpong iyon.ikinalong ng naulilang ina ang duguan at wala ng buhay na katawan ng kanyang anak.Napalunok si Karah,Nakaramdam siya ng guilt,pero sinabi niya pa rin sa sarili niya na wala siyang kasalanan,Kasalanan ng bata dahil tatanga-tanga ito sa daan.Mas natakot siya ng mapansin ang duguan ring isang daang pisong papel sa kanang kamay nito.
Kinuha nga talaga ng bata ang pera sa kalsada!
Napaatras siya.Ayaw niyang aminin sa sarili ang nagawa niya.Tinawag niya ang driver at ang P.A niya na umalis na,ngunit nang di pa rin matinag ang mga ito ay sinigawan na niya ang mga ito.Nagmamadali siyang sumakay sa sasakyan,pinilit niyang iwaksi ang nangyaring iyon,nanayo ang balahibo niya,pero pilit niyang itinatanggi na wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng bata.Umandar na ang van na lulan siya.Habang nasa daan ay di pa rin siya mapakali.pinipilit nyang maka-idlip ngunit di niya magawa.Bumuhos ang napakalakas na ulan,kaya naman nag-traffic.nakadungaw siya sa bintana at nagmumuni-muni nang may maaninag siyang batang babae, papalapit sa kanilang sasakyan.
" pulubi na naman. " naiinis na bulong niya.
Nagulat siya nang kumatok na ang bata sa binatana ng sasakyan nila,di niya iyon pinapansin ngunit mas naging malakas ang naging pagkatok nito,halos mabasag na nito ang salamin ng sasakyan nila nang sasawayin na sana niya ang makulit na paslit ay napasigaw siya sa nakit.
MALAPOT NA DUGO ANG MABILIS NA DUMADALOY SA BINTANA NG SASAKYAN NIYA!NAKATINGIN SA KANYA ANG BATANG BABAE NA NASAGAAN KANINA, AT NAKANGISI SA KANYA! NGUNIT . . . . . HINDI ITO NAG-IISA SAPAGKAT MAY BABAENG NAKAITIM ANG NASA LIKOD NITO! MAHABA ANG BUHOK , AT HALOS MAHIMATAY NA SIYA SA SOBRANG TAKOT NANG
ILABAS NITO ANG KANYANG MUKHA
ANG BABAENG NAKAITIM NA NAKITA NIYA NOON!
ay NAGBALIK!
" AAAAAAAHHH! "sigaw niya ngunit parang di man lang siya narinig ng mga kasamahan niya,unti-unting pumasok ang nakaitim na babae sa loob ng sasakyan at sinakal siya niyon!pilit niyang nilababanan ang babae,ngunit higit na mas malakas sa kanya ang multong iyon!napatili lalo siya nang maramdamang may matulis na bagay na humihiwa sa leeg niya! Gimbal siya sa nakita, unti-unti kasi siyang nilalaslasan ng multong babae sa leeg gamit ang SCALPEL!
Huli na para makasigaw,sumirit ang masaganang dugo sa laslas na leeg niya.Dama niya pa ang pagsirit niyon at ang pagkalabas ng ilang laman gawa ng sugat sa leeg niya. unti-unti siyang pinanawan ng ulirat.
xxxxxxxxxxxxxxxxx
"Maam! gising! gising! " Tinig iyon ni ella.
Iminulat ni karah ang mga mata,nasa silid na siya.hinawakan niya ang leeg , kung may sugat iyon pero wala.Salamat at masamang bangungot lamang pala ang lahat,humingi siya ng tubig sa maid nila,dahil hingal na hingal siya parang totoong nangyari nga ang bangungot niya.
"Ano pong nangyari sa inyo maam?"tanong ni ella.
" wala,napagod lang ako,umalis ka na." maikling sagot niya.
Nagtataka man ay nilisan na lamang ni ella ang silid ng amo.Alas-diyes na ng gabi na yun,natagalan sila dahil sa traffic dahil sa pag-ulan.Ikinumbinse ni karah ang sarili na stress at pagod lang ang dahilan kaya siya nabangungot at ang mga nakita niya ay hindi totoo,kaya nagpasya siya na matulog na lamang.Ngunit naagaw ang atensyon niya sa makinang na bagay sa ilalim ng unan niya.Kumakaba ang kanyang dibdib,nakadama siya ng takot pero nangibabaw pa rin ang curiousity kaya inalam niya kung ano ang bagay na iyon.
........................................................
Nagitlan siya sa nakita!
...............................................
SCALPEL ! may bahid pang dugo ito,at may laman pang nakausli !
sa takot ay naibato niya yun, at nagtatakbo palabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Scalpel
HorrorIsang pagkakaibigan ang masusubok ng tadhana sa kakatwang pangyayari na nagdulot ng takot sa kanila at ito ay may kaugnayan sa nakaraan,Ang nakaraan na pilit nilang kinakalimutan.ngunit ito rin ang magdudulot ng lagim at trahedya sapagkat walang lih...