Chapter 14 Takbo,Sakripisyo

3.7K 57 78
                                    

** Takbo **

Kay bilis ng pagtakbo nila Jerome,para lang matakasan ang baliw na si Karen.Ang nakakadagdag kilabot sa kanila ay ang pagtawa nito ng malakas at sumisipol pa.Nagtungo sila sa kusina dahil may daan yun patungo sa labas ng mansyon pero naka-locked yun,umakyat sila sa itaas at sarado maging ang pintuan sa mga kwarto at balkonahe.

Lalong sumidhi ang takot nila nang mamatay ang mga ilaw sa loob ng bahay.Yun na ata ang pinakanakakatense na sandali ng buhay nil,para silang nakikipagpatintero kay Kamatayan!

Naalala ni Heidi ang clinic sa basement,kaya hinikayat niya ang mga kasama na doon magtago.Sinubukan ni Jerome na tumawag pero walang signal ang phone nya,habang naiwan naman nila april,aaron at Heidi ang sa kanila,dahil sa bilis ng mga pangyayari,sinubukan din ni Kevin ngunit lobat na pala siya,napamura siya sa inis,bakit ngayon pa,kung kelan kailangan nila ng tulong,hindi naman dala ni Claire ang cp niya,ginagamit lang nya kasi yun pag may tutorials siya.

"Sh!t,pare,anong gagawin natin?"natatarantang tanong ni aaron kay Jerome,bakas ang takot sa mukha nito,ngunit nanatiling nakaalalay sa nobya.

"We have to go downstairs,we don't have any choicewe should take a risk,mas mabuti na yun kesa mamatay tayong di kumikilos at gumawa ng paraan." sagot ni Jerome.

"That bitch,sabi na nga ba e,wala talaga akong tiwala sa bruhang yun,ever since! I knew it,I swear, pag nakaalis tayo rito,ipapakulong ko siya!" si April.

"Pero bakit niya to gingawa?anong kasalanan natin sa kanya? " si Heidi.

Walang nakasagot sa tanong na yun,dahil hindi rin nila maintindihan at maalalang may nagawa sila para ganituhin sila ni Karen.

"She's a psycho,that's it.she loves to kill."sagot ni Kevin.

"Let's move."yaya niya sa mga kasama niya.

Kasalukuyang hinahanap sila ni Karen,may dalawang palapag ang villa,at may kalakihan yun pero ALAM NIYA , AT KABISADO NIYA ANG PAIKOT-IKOT ROON.Ngumiti siya ng nakakaloko,nag-eenjoy siya sa nangyayari sa gabing iyon,mas pinanabikan nya ay ang makita mismo ang dugo ng mga magiging biktima niya.

** Sakripisyo **

Dahan-dahang bumaba ng hagdan sila Jerome,nauna si Jerome,nahuli naman si heidi,napakadilim ng paligid ,dinig na dinig nila ang pagtawa ng nahihibang na si Karen,lalo silang kinabahan nang tumigil iyon, nakiramdam sila ....

Walang senyales.Halos hikain na sa takot sila April,hanggang sa ..........

"APRIL ! ! ! "sabay sabay na sigaw nila Heidi,hindi nila namalayan na nasa likod na pala ni Heidi si Karen,nakita naman ni april yun dahil sa konting liwanag mula sa malaking bintana,kaya sinaklolohan niya ito,itinulak niya si Heidi ngunit siya ang tinamaan ng bala.Hindi lang isang beses pinaputukan ni Karen ito,kundi tatlo,unang bala ay sa likod tumama,ang pangalawa nama'y tumagos sa baga ni april,at ang huli ay sa ulo.

"HINDEEEEEE... APRIL! "buong pait na hiyaw ni Heidi sa bumulagtang kaibigan,nakadilat ang mga mata nito at umagos ang dugo sa sahig,habang hindi man lang naapektuhan o nakitaan ng awa sa mukha si KAREN,sa halip ay halakhak ito ng halakhak na parang demonyo!

Hinila ni aaron ang histerikal nang si Heidi papalayo sa lugar na yun,maging siya ay nagulat sa ginawa ni April,totoo nga palang nagbago na ito,nung una kasing ikinwento ni Heidi ang tungkol sa pagso-sorry ni april ay di sya naniwala,pero totoo pala,totoong gusto niyang magbago,pero ang lahat ng yun ay ipinagkait ng baliw at demonyong si Karen.

" Sige,takbo,takbo pa! " ( Evil laugh )

BANGGGGGGGG ! ! !

Tinamaan ng bala sa paa si aaron,aligagang inalalayan siya nila Jerome,sa galit ay sinigawan niya ito

"I'll kill you,bitch!you can't get away from this! I swear! "

Pero sinaway siya ni Kevin at pinayuhang wag mag-ingay,inalalayan nila ang sugatang si aaron,napapangiwi ito sa sakit,naiiyak tuloy si Heidi,sa magkahalong galit at takot.

" You'll be fine,baby.It will get over soon."naiiyak na pagco-comfort ni Heidi sa nobyo at nagyakap ang mga ito,nagawa na nilang pasukin ang basement at ni-locked ang pinto niyon,naalala ni aaron na may lighter pala siyang dala kaya sinindihan niya yun.

"Maghanap kayo diyan ng pwedeng sindihan,kandila o lampara,alam ko meron yan." -si aaron.Gamit ang konting liwanag mula sa lighter ay naghanap sila Claire ng pwede nilang gamitin upang maging ilaw nila sa dilim,hindi naman sila nabigo dahil may kandila silang nahanap sa isa sa mga drawer ng cabinet.Agad nilang sinindihan iyon,at lumiwanag ang paligid.Naghanap si Heidi ng first aid kit na pwede niyang gamitin para sa sugat ni aaron, at meron nga dahil clinic iyon,dali-dali niyang kinuha iyon at sinimulan niya ng gamutin at alisin ang bala sa paa ng kasintahan.Tinapalan nila ng bimpo ang bunganga nito upang di makagat ng binata ang dila once na magsimula na siyang gamutin ni Heidi.Habang nilulunasan niya ang sugat na natamo ng nobyo ay naiiyak siya,dahil ramdam niya na hirap na hirap ito,at sadyang masakit ang nararamdaman nito,sa katunayan ay halos mahimatay na ito sa kirot na nararamdaman,ngunit kahanga-hanga ang tapang na ipinamalas nito.Naalis na sa wakas ang bala sa paa nito,nakahinga sila ng maluwag,niyakap ni Heidi ang kasintahan,naalala niya ang sakripisyong ginawa ni april para sa kanya,itinaya nito ang sariling buhay para mailigtas siya, napahikbi siya...

Sayang...kung kelan handa na silang magsimula ng bago ay saka pa nangyari ang ganito sa kanila.Naisandal na lamang ni Jerome ang kanyang likod sa pader,habang umupo naman sa lumang couch sila Claire at Kevin.Pagod na silang lahat,at ngayo'y trapped pa sila.50/50 ang chance nila para maka-survive.Kung anong laro ang gustong laruin ni Karen ay wala silang katiyakan kung maipapanalo nila yun o mamatay silang walang laban.


Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon