Launch ngayon ng bagong collection ng napakasikat na designer na si Sweet Garcia,o Ernesto Garcia sa totoong buhay,siya ang may-ari ng napakalaking boutique sa Pilipinas.Kilala siya maging sa ibang bansa dahil sa husay niya bilang isang designer.Napuno ang pagtitipon na iyon ng mga sikat at kilalang mga personalidad na iba ay galing sa ibang bansa.Hindi magkaundagaga sa pagbati sa mga bisita ang bading na designer.Malayo na nga ang kanyang narating at marami rin ang naiinggit sa kanya ngunit wala siyang pakialam,ang importante lang sa kanya ay mapanatili ang kanyang kasikatan at kayamanan.
Maya-maya pa'y lumapit sa kanya ang isang staff ng event at may ibinigay sa kanyang isang regalo.napataas ang kilay niya,at maarteng binuksan ang kahon na iyon upang tingnan kung ano ang laman niyon.
" AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" Malakas na sigaw ang kumawala sa designer.Naging sentro siya ng atensyon at pumaligid sa kanya ang mga reporter at mga photographer,na nacurious sa ginawa niyang pagsigaw.
Pawis na pawis at nanginginig si Sweet, takot na takot siya sa nakita.Nakita niya ang sarili niyang mukha sa loob ng kahon!!!!puro tahi pa at maraming dugo. inuuod at napakabaho pa ng amoy nito. para siyang masusuka sa nakita.Dahil sa kuryosidad,tiningnan ng isang reporter ang kahong iyon,set lang pala ng mamahaling pabango ang laman ng box na iyon,kaya nagtataka ang lahat kung bakit napasigaw na para bang nakakakita ng multo ang kilalang designer.
"Madam,ano pong problema?"tanong ng P.A niya sa kanya,ngunit nanginginig pa rin siya,palinga-linga siya sa paligid, at takot na takot.
Napakunot noo ang ilan sa weird na kinikilos niya.Nag-announce naman ang P.A nya na napagod lamang ang amo niya kaya nagkaganoon ngunit muling nagsisigaw ang designer,at tumakbo palabas ng event hall.Hinabol siya ng mga staff niya,ngunit sa kilabot na naramdaman ay hindi siya naabutan nito.
Nakita niya kasing may babaeng nakaitim na lumuluha ng dugo na katabi ng P.A niya at nakatingin sa kanya at tumatawang parang baliw,habang dinudukot nito ang sarili nitong mga mata.
BINABASA MO ANG
Scalpel
HorrorIsang pagkakaibigan ang masusubok ng tadhana sa kakatwang pangyayari na nagdulot ng takot sa kanila at ito ay may kaugnayan sa nakaraan,Ang nakaraan na pilit nilang kinakalimutan.ngunit ito rin ang magdudulot ng lagim at trahedya sapagkat walang lih...