Calm before the storm

5.6K 83 51
                                    

 * UNTOLD STORY **

Isang Buwan ang nakalipas nang mailibing si Jessie,wala nang nagparamdam sa barkada,nagbalik sila sa normal nilang mga buhay.Launch ng album ni Karah sa sabado,imbitado siyempre ang mga kaibigan niya.Parang walang nangyari,at wala pa rin pinagbago ang ugali ng mapagpanggap na sikat na singer.Ang kasamaan ng ugali nito ay hindi nawala pagkatapos ng lahat nang nangyari.Nananatili pa rin ang kabulukan sa pagkatao niya,at walang bakas na pagsisisi man lang na mababanaagan sa maamo niyang mukha.

Ang tanging nakakaalam ng kanyang lihim ay ang mga kaibigan niya na immune na ata sa sama ng ugali at pagiging maere niya at ang P.A niyang si Ella.Ang kawawang si Ella na apat na taon nang naninilbihan sa maldita niyang amo na akala ng lahat ay isang anghel na bumaba sa lupa ngunit para sa kanya ay isang demonyo na ikinukubli ang pagkatao sa magandang mukha.

Sa panaginip ,ay pinapatay niya na ito,sa tindi ng galit niya ay sinasadya niya minsan ang pagtapak nito sa paa ng amo,kapag naglalakad sila,sinasadya niyang lagyan ng maruruming bagay ang iniinom nitong juice,o kape,dahilan sa pagsakit nito ng tiyan,bagay na lihim niyang pinagtatawanan at kinasisiyahan sa oras na siya ay mag-isa na lamang.Kung tuluyan na nga siyang mababaliw,talagang mapapatay na niya ang demonyitang boss niya na walang alam gawin kundi ang murahin,sigawan at saktan siya.Kakarampot lamang ang kinikita niya sa pagiging P.A nya,di sapat para sa pag-aaral ng kapatid niya at para sa ama niyang may sakit.Kung may pagkakataon siya,baka nga di na sa panaginip mangyari ang nais niyang gawin,baka nga matuluyan na siyang mahibang sa paghihirap na dinadanas niya sa pobre niyang senyorita.

----------------------------------------------

Han's POV . . . . 

" Since we came home from that island,i never heard from her anymore,she changed her number,i can't contact her,at nakakainis dahil hindi ko ito dapat na ginagawa.I have a girlfriend,si Karen,and Tiffany was a woman in my past.I don't want to hurt karen,pero kahit anong pilit kong kalimutan siya,di ko magawa,lagi at laging siya an nasa isip ko,at sa puso ko,and i hate this feeling coz even we're not in a relationship,feeling ko, niloloko na si Karen........

Niloloko ko na ang sarili ko ...............

I thought I was over her,but hindi pa pala,coz i still love her,Damn! I'm still madly in love with her!I missed her like crazy,pero alam kong mali,maling-mali. Masasaktan ko si Karen,ang babaeng pinangakuan kong mamahalin,na siya lang, at aalagaan,pero ang laking gago ko dahil hanggang ngayon si Tiffany pa rin ang babaeng gusto kong makasama... 

HABANG BUHAY ................ " 

( Han's drinking wine, while staring at Tiffany's cover on Magazine.He loves her so much,but he can't afford to break somebody's heart . ) 

** End of Hans POV  ***

--------------------------------- 

Sweet's POV ...........

 " Last Month was the scariest thing that ever happened to me, kaloka!buti na lang at at peace na ang kaluluwa ni Jessie.akala ko,matyutugi agad ang beauty ng  lola niyo!Kawawa naman ang Fashion Industry,saan sila makakahagilap ng mga pambihirang obrang ako lamang ang kayang lumikha?

Walang mas gaganda at mas engrande pa sa disenyong gawa ng magagaling kong mga kamay na galing sa henyo at walang katulad na diyosang tulad ko!Mas yayaman at titingalain ako ng lahat ng tao,higit sa pagkilalang natatanggap nang boses-palakang si karah,ang "Bukaka" lady  na si Tiffany, at ang pathetic,poor at ambisyosang si Heidi at kahit pa ang maldita sa kahayupan na si April desperada,ay luluhod sa kaningningan ng bituin na makakamit ko,ipalulunok ko ang mga panlalait na sinabi niya noon! I will sell my soul to the devil to make that happen,para makamit ang tagumpay na higit sa lahat at di mapapantayan.

 (Sweet  laughs devilishly,
while dancing in tune of  " I'm on the Edge " - Lady Gaga )

End of Sweet's POV

---------------------------------------------------------

Aaron's Pov

" pag-uwi namin sa maynila,kasama ko si Trixie,hinatid ko siya sa bahay nila.tinanong niya ko kung mahal ko pa rin si Heidi.It took me for a while to answer,dahil totoong mahal ko pa si Heidi,at di nagbago ang pagmamahal ko sa kanya.so i told her,yes,I do love her and contrary from what i expected her to react,she just smiled and kissed me then she stared at me with that fierce looks in her eyes,she then whisphered,na di siya papayag na sasaya kaming dalawa,guguluhin daw niya kami,at sa ayaw at gusto ko,di siya makikipag-break sa akin. Of course, nasindak talaga ako sa kanya, she's a fucking psycho.

Then before she finally left,she added , "I'm Your biggest mistake your worst nightmare,I'll make sure,you'll pay for this,you played my heart,I'll play yours." then she slammed the door of my car!as in phew!I was in total shock about what happened,she was a tigress, she acted like April,pero mas bitch sa kanya si April.

But honestly,tinamaan din ako ng takot sa banta niya,and knowing her,na makapal ang mukha,di malayong totohanin niya yun,but i don't care,what i want to do now is to court Heidi,to win her back again,no matter what it takes,I'm gonna pursue her,I won't stop until she said Yes again.I must be losing my mind,people might say,and yes I am.She's the one I've ever wanted,i can't imagined my life without her in the future,I won't be as happy as i were when i'm with her.I love her so much! 

** End of Aaron's Pov .... **

-------------------------------------------------------

JEROME'S POV

" I'm trying to moved on...... but it's not that easy,mabuti pa mga kabarkada ko,ok na sila, pero ako, eto pa rin.  <Jerome drinks another shot of whisky > Till now, hindi ko pa rin  mapaniwalaan na wala na si Jessie,parang kelan lang,parang kahapon lang ang lahat,the worst is that,hindi man lang kami nagkaayos bago siya nawala,dala ko pa rin yung guilt na nagawa ko,ang bobo ko kasi,pero kahit untug-untugin  ko pa ang ulo ko sa pader,hindi na mababalik pa ang nawala na...

 ( Sighs... )

I wish i was a better man,hindi sana ako nagpadala sa pang-aakit ni april,laking gago ko kasi!I deserved everything na nararanasan ko ngayon,eto ang karma ko sa ginawa kong pagtataksil sa babaeng sinumpaan kong aalagaan at mamahalin, at di lolokohin,

 But I just did.

( Phone beeps... He received a message,it's karah,inviting him for her album launch on saturday.He replied,he will go.He take another shot again,something is  bothering him,
it is CLAIRE! )

 " Ever since that day,wala na kaming nabalitaan kay claire,siguro abala yun sa pagtitinda,pero di ko alam,kung bakit pag iniisip ko siya,may kakaiba akong nararamdaman............ "

 TAKOT !  

KABA !

Ewan. ang dami kasi nilang similarities ni Jessie.Yeah i know, it's absurd.

Claire is just 17 and Jess is 24.It can't be.Baka na-mimiss ko lang talaga si jess,para na nga akong tanga.Pero naalala ko nung hinatid namin siya sa bahay  nila,and that was the last time when i saw her,nagpaalam na ako nun,when she held my hands.It was freakin'cold,I felt goosebumps all over my body,plus that oddly-look in her eyes,nakakaubos-lakas,at hininga.She smiled at me,but i felt that it was just a coy smile.What i saw is different from what she's trying to show... I SAW HATRED..... BITTERNESS.... PAIN.............. and a very vindictive spirit. 

She softly whisphered,she said," sa muli nating pagkikita,malay mo,akonaman ang dumalaw sa inyo."

Upon hearing that,napaatras ako.sobrang kakaiba kasi,ang weird at nakakakilabot,hanggang ngayon,nahihiwagaan pa rin ako sa batang yun.Kahit pa sinabi ni Karen, ( psychologist )na may personality disorder ang bata.Pero,hindi ko pa rin maiwasan ang magtanong,at maghinala.Hindi ko alam pero...Hindi ko rin ma-distinguish kung totoo ba ang pinapakita niya o hindi. Pero ang lahat ng yun ay tanong na lamang sa ngayon.

 Unless na lang kung .......WE MEET EACH OTHER AGAIN!" 

 ** END OF Jerome's POV **

Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon