Ang Pag-amin,Katotohanan,Marka

5K 53 44
                                    


Han’s POV . . . . 

“Naiinis ako sa sarili ko dahil,mula ng sabihin ni Faye na minahal nya rin ako,hindi na siya nawala sa isipan ko.Minsan nga pakiramdam ko,niloloko ko na si Karen,dahil kahit magkasama kami,at siya ang babaeng nasa tabi ko,ang girlfriend ko,si faye pa rin ang laman ng puso’t isip koWala akong lakas ng loob para aminin ang nararamdaman ko,dahil ayokong masaktan si Karen.Napakabait niya sa akin,naging faithful talaga siya,at mahal na mahal nya ako,mahal ko naman siya pero di tulad ng pagmamahal ko kay faye.Wala akong magawa.Kahit anong pilit kong kalimutan siya,mahal na mahal ko pa rin ang babaeng minsang nagpamukha sakin na wala akong kwenta.Nakakatawa di ba?kung sino pa ang taong nanakit sayo ng sobra ay mismong taong minamahal mo ng totoo.Natunaw ang galit na nasa puso ko dahil sa narinig ko mula sa kanya,mahal niya ako,yun ang pinaniwalaan ng puso kopero anong gagawin ko?Ayokong makasakit ng iba.Ayokong saktan si Karen,pero hahayaan ko ba na magkasakitan kaming tatlo,dahil di ako naging tapat sa nararamdaman ko?gulung-gulo na ang utak ko.Hindi ko alam kung anong tama,ang manatili sa taong mahal ka?o tumaya sa pag-ibig ng taong minsang nasaktan ka na? (sighs)

 Phone beeps . . . .

Message from Karen :

Babes, musta ka na? dalawang araw na tayong di nagkikita,di ako nakaatend ng funeral ng mga kaibigan mo,dahil nandito pa ako sa Cebu,pero tomorrow uwi n rin aq, wt do u want for pasalubong? I love you . 

( Napapakit siya. )

He replied :

 “Ok lang babes,kaw na bahala, I love you too.”

Nakagat ko ang labi ko,napakasinuangaling ko,dahil di naman si Karen talaga ang tunay na nilalaman ng puso ko.Kelangan kong magdesisyon,para sa aming tatlo.Para maiwasan ang mas kumplikado pang mga bagay,panahon na para magpakatotoo.Mahal ko si Tiffany,at siya dapat ang kasama ko,hindi si Karen,di ko dapat siya paasahin.Kung magagalit siya,mauunawaan ko,kahit saktan niya pa ako,at kahit di nya ako mapatawad matatanggap ko,habang buhay kong dadalhin yun,pero ang di ko kaya,ay mawala ng tuluyan si faye dahil di ako sumubok sa aming dalawa.Nasa ganun akong pag-iisip ng may nahagilap ang aking paningin,may babaeng nakahandusay sa damuhan. . .  .  . .

SI  TIFFANY! ! ! ! ! ! !

** Katotohanan **

Nagmamadaling pinuntahan ni hans ang walang malay na si tiffany,binuhat niya ang dalaga papunta sa chapel,nakaagaw ng atensyon ang nangyari kay tiffany,bakas ang pag-aalala sa mukha ng binata,di kayang itago ang pagmamahal nya para rito.Ilang sandali pa ay nagkamalay na rin si faye,ang una niyang nakita ay si hans.Nakita niya kung gaanong nag-aalala sa kanya ito.Ang takot na naramdaman niya kailan lang ay nawala at nalimutan niya dahil sa kilig na nararamdaman niya ngayon.

“Ok ka lang?anong nangyari sayo?”tanong ni hans.

Tinitigan ni tiffany ang mga mata ng binata,totoong nag-aalala ito sa kanya,napangiti siya.

“OO,ok lang ako.”sagot niya.

“Nakakaloka ka talaga gaga ka,pinag-alala mo kami. “ si sweet,habang panay ang pagpaypay na tila ba sinisilaban sa puwesto niya.

agaw eksena ka talaga,as if I know naman na,nag-drama ka lang para ikaw ang maging center of attraction tonight.” si april.

Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon