JS PROMAng gabing iyon ay ang pinakainaantay at pinanabikan ng mga estudyante ng ADVA at dahil nga sikat at kilala ang eskwelahan dahil sa mayamang pulitiko na may-ari nun at bukod pa doon ay mayayaman at matatalino ang mga estudyante sa paaralang iyon.Ang maging scholar sa ADVA ay isang pribilehiyo dahil piling-pili ang mga natatanggap sa scholarship program ng nasabing akademya.Magarbo at glamoroso ang pagtitipong iyon,makukulay at mamahaling mga gowns ang ipinapaparada ng mga mararangyang binibini sa gabing iyon.At siyempre pa,di magpapahuli sa karangyaan at pasosyalan ang barkada nila Jessie.Napakaganda niya suot niyang black gown,at binagayan pa ng pula niyang lipstick,lalo tuloy nainlove sa kanya ang kasintahan.Hindi rin nagpadaig si April ang eredera ng pamilyang De Vega.Kulay Ginto naman ang suot nito,na tinernuhan ng mamahalin niyang mga alahas.Ayaw niyang magpatalo sa karibal niyang si Jessie,lalo na sa mga mata ni Jerome.Ang ambisyosa namang si Heidi ay nilunok ang pride para lamang maisuot sa gabing iyon ang napupusuan niyang wardrobe,labag man sa kalooban niya,nagpakumbaba siya kay Karah para maipahiram sa kanya ang bestida na yun,pero ibinigay na lang yun sa kanya ni karah dahil ayon rito ay di naman daw niya nagagamit at imbes na daga ang makinabang,mas maiging siya na ang makagamit niyon.Tantiya niya,may dalawang buwan na ng mabili iyon ni Karah pero dahil nga gusto lagi ng babaeng yun na bago ang lahat,ay walang humpay ito sa pagbili ng mga gamit.Tuwang-tuwa siya dahil di na siya gumastos para sa susuotin niya.Samantala,Ang ambisyosang si Tiffany naman,as expected,ay inuto na naman ang masugid niyang manliligaw na si Hans para mabili ang luho niya,di lang si hans ang biniktima niya dahil lihim siyang nakikipag-flirt sa ibang mga lalaking alam niyang may gusto sa kanya para pagkatapos ay hingan niya ng pera. Ika nga,para-paraan lamang yan.
Ngunit kahit anong ganda at kasosyal ng mga damit nila ng gabing iyon,ay napawi ang lahat ng iyon ng dumating ang napakagandang anghel na tila mula sa kalangitan,walang anu-ano ay binihag niya ang mga kalalakihan sa gabing iyon dahil sa kanyang kagandahan.
Walang iba kundi si Jillian!
Napakagat-labi si Jessie nang ma-realized na naagawan siya ng eksena ng bruhildang karibal niya.Umaapaw ang galit at inggit niya sa dalaga,lalo pa’t kitang-kita niya kung paano matulala maging ang nobyo niyang si Jerome kay Jillian,lalo siyang nagngitngit sa galit at paninibugho.Habang paulit-ulit na minura ni April si Jillian sa kanyang isip,inis na inis na siya,dati ay isa lang ang matindi niyang kaagaw kay Jerome,pero ngayon ay dalawa na dahil dumagdag pa sa eksena ang transferee na si Jillian,sobrang pagkamuhi ang nararamdaman nya sa mga sandaling iyon.In denial naman sila Heidi at Tiffany at nagpanggap na wala lamang sa kanila ang aura ni Jillian,bagamat dinig na dinig nila sa kaliwa’t kanan nila ang mga magagandang compliments ng mga estudyante kay Jillian.Inggit ang umiral sa kanilang puso,tuluyan nang nanaig iyon at tumindi ang pagnanais nilang mawala na ito sa paaralan.Lalapitan na sana ni Jerome si Jillian para alalayan ito,ngunit pinigilan siya ni Jessie,naalala niyang palabas lamang ang lahat at nagkukunwari lang siyang bf ni Jillian para sa nobya niya.Masyado siyang nadala ng kanyang damdamin,at paghanga sa dalaga,kung kaya’t nalimutan na niya ang orihinal na plano.
Nagtataka si Jillian kung bakit di siya nilalapitan ng nobyo.Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib,di niya alintana na maraming mata ang nakamasid sa kanya,nag-aantay siya ng signal mula kay Jerome,pero nanatiling di siya nilalapitan nito,napapahiya na siya dahil nagbu-bulungan na ang iba.Napilitan siyang lapitan si Jerome,upang kausapin.
“Anong problema? bakit di mo ako nilapitan agad? ”usisa niya kay Jerome.
Umiling-iling ang binata,nag-iiwas pusoy.
Nagpadagdag iyon ng kaba sa puso ni Jillian,ngunit nagtanong siyang muli “Jerome? m-may problema ba?”garalgal na tanong niya rito.
BINABASA MO ANG
Scalpel
HorrorIsang pagkakaibigan ang masusubok ng tadhana sa kakatwang pangyayari na nagdulot ng takot sa kanila at ito ay may kaugnayan sa nakaraan,Ang nakaraan na pilit nilang kinakalimutan.ngunit ito rin ang magdudulot ng lagim at trahedya sapagkat walang lih...