Sa wakas at tapos na rin sa pagche-check ng test papers sila Aaron at Hanz.Mga propesor sila sa kilalang unibersidad.Matalik silang magkaibigan,palibhasa magkababata at magpinsan sila.Professor sa Math si Aaron Flores,at si Hanz Rivero naman ay Physics ang specialization.Kilala sila sa school na iyon,dahil sa kagwapuhan nila,maraming estudyante ang nahuhumaling sa kanila kaya naman maraming kalalakihan ang naiinggit.Bukod sa pagtuturo ay freelance models din sila sa photoshop ng barkada nilang si Carlo.May apat na buwan na rin silang hindi nagkikitang magbabarkada at lagi din naman silang di kumpleto dahil si Jerome ay nasa Amerika,at ang ex gf naman nitong si Jessie ay tatlong taon nang nawawala at hindi na nakita pa.Nangyari ang insidente nang mag-out of town ang barkada nila sa isang island resort na pagmamay-ari ni April.Nawala kasing bigla si Jessie,at ang kutob nila ay patay na ito ngunit walang bangkay na nakita sa isla kaya napilitan si Jerome na mag-migrate sa US,para makapag-moved on.
Misteryo pa rin sa kanila ang nangyari sa kaibigan pero hindi na nila inuungkat pa ang nangyari noon dahil hindi magandang pag-usapan ang mga bagay na nakalipas na lalo na kung matagal nang wala at patay na.
"Hoy, kumag!dalian mo na at nagugutom na ako!" Tinig iyon ni Hanz,umiihi kasi si Aaron nang time na iyon.
"Teka lang naman pare,kakalabas ko lang sa alaga ko,baka magalit,ikaw pa maihian ko!"natatawang biro niya .
"Gag0 !bilisan mo na!inaantay na ako ni Karen!"Natawa si aaron,talagang under de saya ang pinsan niya,natatawa tuloy siya,kaya ayaw niyang magseryoso sa relasyon dahil ayaw niyang may dumidikta sa kanya,He wants to rule his life,his own rules,own reference.Kaya nga sila naghiwalay ng nobya niyang si Heidi,first love niya ang kabarkada niyang ito,they were friends kasi since grade school,dalawang taon din siyang nagtiyagang ligawan ito and their relationship lasted for 4 years.Magda-dalawang taon na silang hiwalay,pero aaminin niyang mahal niya pa rin ito,wala namang kasing nagbago sa nararamdaman niya pero yun nga lang,ayaw niyang nakokontrol,mas mahal niya ang sarili kesa sa nobya niya.
Tapos na sana siya nang may nahagilap ang kanyang mata,sa gilid niya may isang babaeng nakaitim ang masamang nakatitig sa kanya,napalunok siya.Paanong may babaeng nakapasok sa men's room?Nanlamig siya lalo pa't biglang nagpatay sindi ang ilaw,nagmadali siyang lumabas ng cr,nakita niya roon si Hanz,at nagtataka sa ikinikilos niya.
"Hoy!!anong nangyari sayo?" tanong niya sa pinsan,Ngunit hindi na nakasagot pa si aaron dahil namatay ang mga ilaw sa hallway.
" F^ck!"sabay silang napamura dahil sa gulat.Nagtaasan ang mga balahibo nila sa batok naramdaman nila ang presensya ng isa pang nilalang.
KATAHIMIKAN.
Walang nais magsalita sa kanila,nangangatog na ang kanilang mga tuhod sa takot na nararamdaman,at kahit pa gustuhin nilang tumakbo palayo ay parang napako ang kanilang mga paa sa kanilang kinatatayuan.Maya-maya pa ay nakarinig sila ng mga yabag,papalapit ito sa kinaroroonan nila.Halos hindi na sila huminga sa labis na kaba at takot.Dinig na dinig nila ang pagkaskas ng kadena na kinakaladkad ng sinumang may hawak noon.Nang biglang huminto ang mga yabag.
Namayani na muli ang KATAHIMIKAN. Halos mabingi na ang dalawa sa lakas ng pagkabog ng kanilang mga dibdib,inakala nilang wala na ang anumang elementong nanakot sa kanila ay nanginginig na humakbang sila. ngunit NAGKAMALI SILA!
Sa kanilang paghakbang ay bumulaga sa kanila ang nakakatakot na mukha ng isang babae,nakangiti ito sa kanila at ang ngiti nito ay halos umabot na sa tenga at umaagos roon ang dugo!Pumailanlang ang nakakatakot na halakhak nito,ang mas lalong nakakahilakbot ay ang nakita nilang hawak nito ang dalawang pugot na ulo na kamukhang-kamukha nila na lawit pa ang dila.Kumaripas sila ng takbo,iyon na siguro ang pinakamabilis na takbo na ginawa nila sa buong buhay nila,mabilis nilang pinaharurot ang dala nilang SUV at lumayo sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Scalpel
HorrorIsang pagkakaibigan ang masusubok ng tadhana sa kakatwang pangyayari na nagdulot ng takot sa kanila at ito ay may kaugnayan sa nakaraan,Ang nakaraan na pilit nilang kinakalimutan.ngunit ito rin ang magdudulot ng lagim at trahedya sapagkat walang lih...