May 15 minuto na ng makapasok sila sa basement,tumayo si Claire para tingnan ang kabuuan ng lugar na iyon,di naman inaalis nila Jerome at Kevin ang paningin sa dalaga.Si Kevin ay nag-aalala para kay Claire dahil mahal nya ito at handa nyang protektahan laban sa sinuman ang gustong manakit dito.samantalang si Jerome nama’y di isinusuko ang pag-iimbestiga sa pagkatao ni Claire,dahil gusto niyang makatiyak kung totoong nasa panig nila ito.Hindi pa rin maka-get over sa nangyari si Heidi,sobrang na-traumatized siya sa pagkamatay ni April lalo pa’t ang dahilan niyon ay ang pagsagip sa buhay niya.Binaling niya ang paningin sa nobyo,nakaidlip ito,marahil dahil sa pagod o dili kaya’y sa sugat na tinamo nito.Napabuntung-hininga siya,di pa rin mawala ang takot at kaba niya,dahil di nila alam kung anong nasa isip ni Karen at wala silang ideya kung anong motibo nito at kung bakit sila ang pinupuntirya nito gayong wala naman silang atraso dito.Wala nga ba?
Muli syang napaisip.Ngunit bigo siyang alamin ang sagot sa kanyang tanong,wala sa hinagap niya na mangyayari ang lahat ng ito sa kanila,ang gusto niya lang niya ay ang matapos na ang bangungot na ito at makapagsimula silang lahat.Tiningnan ni Claire ang mga gamit sa loob ng basement,puro surgical tools ang naroon,at isang operating table.
Napakunot-noo siya at nagtaka,kaya tinanong niya si Kevin.
“Hindi ba’t psychologist si ate Karen? ” – Claire.
“Oo, bakit? ”sagot naman ni Kevin.
“Kung psychologist siya,bakit may mga gamit dito na pang-opera?parang di naman angkop sa propesyon niya.” – Claire
Natahimik sila,totoo ang sinabi ni Claire,ngayon lang din nila napansin iyon,tumindig si Jerome upang tingnan rin ang mga gamit roon,saktong nagising naman si Aaron.
“Ano yun pre?”usisa nito sa kaibigan.
“Parang may di tayo alam tungkol kay Karen.” si Jerome.
“Anong ibig mong sabihin?"nagtatakang usisa ni aaron na napaupo na sa couch.
“Hindi ba’t psychologist si Karen? kung psychologist siya,it’s so unlikely for her to have surgical tools like these.”sagot ni Jerome habang tinuturo ang mga gamit ni Karen.
“You’re right.It seems that these tools are for surgery ….” sang-ayon ni aaron.
Nagkatinginan sila,bakas ang kaba sa kanilang mga mukha …
Ang misteryosang si Karen,akala nila ay kilala na nila ito pero hindi pala….
May nakitang maliit na notebook si Claire sa pagbukas niya ng isa sa mga medicine drawer nakalagay lang ang initials dun
J.E.F.
Napataas ang kilay ni Heidi ng makita iyon.Ang pagkakaalam niya ang real name ni Karen ay Karen Dale Alvarez at ang Middle name naman nito ay Hortaleza.
Anong ibig sabihing ng initials na yun?
“Posible kayang kay Jillian Ferrer ito?”nanlalaki ang mga matang hula ni Claire,kinilabutan sila Jerome sa suhestiyon ng dalaga.
“h-ha? Imposible yang sinasabi mo….” si aaron.
Silence …..
Naalala ni Heidi ang mga panaginip niya ,ang babaeng nakaitim,gumapang ang kilabot sa buong katawan niya,sa nerybiyos at takot ay parang maiihi na siya.Hanggang sa may narinig silang pagpihit ng doorknob,naalerto sila,nakiramdam sila sa kanilang paligid.Dinig na dinig na nila ang kabog ng kanilang mga dibdib dahil sa sobrang takot,para silang nasa isang eksena sa isang horror movie.Nawala ang ingay mula sa doorknob,hindi nila napansin na may pintuan pala doon,kung saan ang lagusan niyon ay di nila alam.
BINABASA MO ANG
Scalpel
HorrorIsang pagkakaibigan ang masusubok ng tadhana sa kakatwang pangyayari na nagdulot ng takot sa kanila at ito ay may kaugnayan sa nakaraan,Ang nakaraan na pilit nilang kinakalimutan.ngunit ito rin ang magdudulot ng lagim at trahedya sapagkat walang lih...