Night shift si Heidi.Tatlong taon na siyang nagtratrabaho bilang nurse sa San Lazaro Hospital,at ilang buwan na lang at makakapag-abroad na siya.matutupad na rin ang matagal niyang pangarap ang guminhawa at umangat naman ang estado niya sa lipunan.sawa na siya sa panlalait ng mayayaman niyang mga kabarkada na tulad nila Tiffany na malayo na ang agwat sa kanya,pakiramdam niya,napag-iwanan na siya ng panahon,kaya desidido siyang yumaman.Namatay sa lung cancer ang kanyang ama,at ang ina naman niya ay namatay kamakailan sa sakit nitong colon cancer,dalawang taon na ang nakakaraan.Mag-isa na lang siya sa buhay at wala siyang kasama sa bahay. Wala na silang kamag-anak,kaya naman mga kaibigan na lamang niya ang maituturi niyang pamilya ngayon.Sanay na siya sa panggabing trabaho,pero ewan niya,kung bakit kakaiba ang gabing iyon,nakadama siya ng kakaibang takot na di niya malaman kung saan nagmula.
Nag-leave ang iba niya pang mga kasama sa shift na iyon,si nestor ay absent dahil may trangkaso ito,si maye naman ay binantayan ang nanay niyang may sakit,siya na lang tuloy ang natira sa nurse station.
Bagamat natatakot siya ay pilit niyang pinaglalabanan iyon,ayaw niyang umabsent dahil sayang ang kikitain niya.Addict kasi siya sa mga pampaganda,lahat na ata ay ginamit niya sa katawan niya para lang mapanatili o mas gumanda pa siya kahit na mahal ito ay sinusunggaban niya.
Madilim na ang hallway sa ospital na iyon,ang katahimikan ng gabi ay nakakatakot para sa kanya.Hindi niya alam kung bakit parang may mangyayari sa gabing iyon,pinagwalang-bahala niya ang kakaibang takot na nag-uumpisang gumapang sa katawan niya,inaliw niya ang sarili sa pagpapatugtog ng kanyang ipod.Ilang minuto ang lumipas ay bigla na lang huminto ito sa pagtugtog,tiningnan niya kung lowbat na ito pero full-charged pa naman ito,nagtataka na pinatugtog niyang muli ito ngunit hindi na ito tumugtog pa. nainis siya.Naagaw ang atensyon niya nang napansin niyang may babaeng pumasok sa isang kwarto,nagtaka siya dahil tapos na ang visiting hours,kaya paanong nakalusot ang babaeng iyon?
Nagpasya siyang tanungin ang babae kung ano ang gingawa niya sa ganoong oras,gayong tapos na ang visitation hours ngunit bago pa man siya makaalis sa kanyang pwesto ay biglang tumutugtog ang kanyang ipod,nagulat siya,Nakaramdam siya ng kakaibang takot sinundan pa iyon ng biglang namatay ang mga ilaw sa hallway, napasigaw siya.nagtatakbo siya ngunit nadulas siya at nagkasugat,saka namang pagbukas ng mga ilaw.napaluha siya sa sakit ngunit nagulat siya nang makita sa harapan niya ang naagnas na mukha na kahawig niya,napatili siya.Nilalangaw ang mukhang iyon at nakalawit pa ang dila, sigaw siya ng sigaw sa nakikita at isang nakakatakot na halakhak ang narinig sa buong pasilyo ng ospital na iyon.
Pagmulat niya ng mga mata ay nakapaligid sa kanya ang iba pa niyang mga kasamahan tinatanong kung anong nangyari sa kanya.Hindi siya makapagsalita sa sobrang takot.
BINABASA MO ANG
Scalpel
TerrorIsang pagkakaibigan ang masusubok ng tadhana sa kakatwang pangyayari na nagdulot ng takot sa kanila at ito ay may kaugnayan sa nakaraan,Ang nakaraan na pilit nilang kinakalimutan.ngunit ito rin ang magdudulot ng lagim at trahedya sapagkat walang lih...