** Hinala **Nanatiling tahimik ang grupo nila Jerome,hindi mapakali sa kinatatayuan niya si Carlo,kaya naman kinapa niya sa bulsa ang cellphone,halos mabitawan niya yun sa gulat nang tanungin siya ni Jerome.
"Pare,ikaw ang nagsabi sa akin na nawawala si Jessie di ba? "diretsong tanong niya sa kaibigan na noo'y nate-tense,di mo mawari kung dulot nga ba ito ng kababalaghan na nangyari sa kanila kanina.Nakakapagtaka ang kinikilos nito.
" Carlo,tinatanong ka ni Jerome"si Heidi.Napakunot-noo na sya sa kakaibang reaksyon na yun ng kaibigan.
"bakit ako ang tinatanong mo?oo ako nga ang nagsabi sayo dahil hinahanap siya nila sweet."halatang napikon na ito.
"bakit ata napaka-defensive mo pare,tinatanong lang kita?"mahinahong tanong niya sa tensyonadong si carlo.
Hindi na napigilan ni Carlo ang sarili kaya't sinugod niya si jerome,inawat naman siya nila aaron,ngunit nanatiling kalmado at nakatingin sa kanya ng diretso si Jerome.Lalo siyang napikon.
"Ano bang gusto mong palabasin ha??Gago ka!"galit na galit na kumpronta niya sa kaibigan.
"Alam nating lahat na matagal mo nang gusto si Jessie,hindi ba't nahuli kitang pini-picturan siya habang nag-swi-swimming,di lang yun,may secret studio ka na puro litrato niya!!kaya ikaw lang ang nakikita kong may motibo para gawin ito."gigil na banat sa kanya ni jerome.
" Tarantado ka pala eh!"susuntukin na niya sana ito ngunit pumagitna sa kanila si Hans.
"Ano ba, tama na!para kayong mga bata." galit na saway sa kanila nito, humarap naman siya kay jerome.
"pare,naiintindihan kita,pero sanawag ka munang mag-conclude,magkakaibigan tayo di ba?"mahinahong kalma niya sa binata.
"Ewan ko Hans,pero kung totoo nga ang sinasabi ng matandang yun, kahit sino pa siya,kaibigan o kapatid,hindi ko alam,baka makapatay ako."seryosong tugon niya,habang matalim na nakatitig kay carlo.
Nagulat ang lahat nang may sumuntok kay Jerome,bulagta siya.Nagdugo ang labi nito.
Si Jared.
Pinunasan ni Jerome ang nagdudugo pa niyang labi,tutulungan na sana siya ni aaron para makatayo pero inalis niya ang kamay nito,galit na galit na sinugod niya ang nanapak sa kanyang si Jared.Nagsimula ang pag-aaway nila.Tilian ang mga babae.Maging si Sweet ay umaawat na rin sa aso't pusang sila Jared at Jerome,ngunit maging siya'y nabanatan.Sa pag-awat niya kasi ay aksidenteng natamaan siya ng suntok ni Jared.K.O tuloy ang sirena.
Nagkagulo ang lahat.Nagtakbuhan sa kanya sila Karah at Tiffany.Tumigil sa pagsusuntukan ang dalawa.Hindi talaga uubra si Jared kay Jerome,bugbog ang mukha nito,dumura siya,puro dugo ang bibig niya,ang mas masakit ay ang babaeng pinakamamahal niya ay agad sumaklolo sa lalaking mortal niyang kaaway,lalong sumiklab ang galit sa puso niya.Isinusumpa niya si Jerome,nakuyom niya ang kanyang palad sa sobrang pagseselos na nadarama."Dalhin natin siya sa ospital." Tiffany.
Umalis na nga sila sa lugar na iyon,hanggang sa sasakyan ay damang-dama ang tensyon sa pagitan nila Jared at Jerome.Nanatiling walang malay ang baklang si sweet.Narating nga nila ang ospital at ok naman ang kaibigan,
hindi naman seryoso ang lagay nito kaya naman hindi na siya pina-confine pa.Kumain na muna sila sa isang resto,at nagpasya nang umuwi.** CLAIRE **
4PM
Habang nasa biyahe,ay nanatiling walang imikan ang nagka-alitang mga binata,nakaidlip naman ang karamihan sa kanila sa pagod,sila Aaron,Hans at Jerome lang ang mulat ng mga oras na iyon.Makulimlim ang ulap nagbabadyang bumuhos ang napakalakas na ulan.Umuulan na ng bagtasin ni Jerome ang mahabang kalsadang iyon nang ----------
BINABASA MO ANG
Scalpel
HorrorIsang pagkakaibigan ang masusubok ng tadhana sa kakatwang pangyayari na nagdulot ng takot sa kanila at ito ay may kaugnayan sa nakaraan,Ang nakaraan na pilit nilang kinakalimutan.ngunit ito rin ang magdudulot ng lagim at trahedya sapagkat walang lih...