Tapos nang mag-make up si Tiffany,talaga namang napakaganda niya,kaya naman hindi makakailang siya ang laging nangunguna sa survey bilang pinakamagandang modelo ngayon sa bagong henerasyon galing sa mahirap na pamilya si Tiffany,ngunit sadyang ambisyosa siya kaya naman ginawa niya ang lahat para umangat sa buhay.Hindi siya nakikipagkaibigan sa mga hindi kilalang tao,kailangan sikat o di kaya ay mayaman.Fame hooker kasi siya.Maraming intriga ang binabato sa kanya gaya ng nagpa-abort siya,which is true nang iwan siya ng japanese boyfriend niya at dahil sa kahihiyan nagdesisyon siyang ipalaglag ang bata,lalo pa't ang pagmomodelo ang ikinabubuhay niya.
Kilala din siya na may "attitude" pero dahil nga sa sikat siya at talagang mahusay sa pagrampa ay pinagtitiisan na lamang siya ng mga producer at manager niya.Naging mas masama ang pag-uugali niya nang sumikat siya.
"Tiffany,ikaw na ang susunod."paalala ng isang staff sa kanya.She just rolled her eyes sa staff ng event,naiinis na umalis na lang ang bading na staff.Mag-isa na lang siya sa dressing room at tinitingnan ang sarili,gandang-ganda siya sa nakikita niya sa salamin.Nakarinig siya ng mahinang pagkatok mula sa pinto,ngunit hindi niya pinansin iyon,subalit lumakas ang pagkatok sa pintuan,at nagsimula na ring magpatay-sindi ang mga ilaw sa dressing room.Napakapit sa upuan si Tiffany sa kaba na nararamdaman niya.
Naramdaman niya na may iba siyang kasama sa kwartong iyon,nakaamoy siya ng nabubulok at nakakasulasok na parang amoy ng isang bangkay,nangilabot siya.
Maya-maya ay lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang maramdaman niyang may katabi siya!
Naging mahirap ang kanyang paghinga. halos marinig na niya ang kabog ng dibdib dahil sa lakas at bilis ng pagpintig nito,nahintatakutan siya nang may bumulong sa kanyang tenga!!! amoy na amoy pa niya ang mabahong hininga nito.nagtitili siya,at kinapa ang doorknob at pilit na binubuksan iyon,ngunit hindi man lang mabukas-bukas iyon.
Nagisisigaw siya at humingi ng tulong. habang nagsisilbing background niya ang nakakatakot na paghalakhak ng kung sinumang nilalang sa loob ng kwartong iyon.humahagulgol na siya sa takot na nararamdaman nang biglang bumukas ang ilaw at nakita niya sa harapan niya ang sarili niyang mukha na naagnas at nabubulok na!
Nawalan siya ng malay sa takot.Nagsipasok naman ang iba pang modelo sa loob ng dressing room dahil narinig nila ang pagsigaw nito.natagpuan na lamang nilang wala ng malay si Tiffany at nakahandusay sa sahig.
BINABASA MO ANG
Scalpel
HorrorIsang pagkakaibigan ang masusubok ng tadhana sa kakatwang pangyayari na nagdulot ng takot sa kanila at ito ay may kaugnayan sa nakaraan,Ang nakaraan na pilit nilang kinakalimutan.ngunit ito rin ang magdudulot ng lagim at trahedya sapagkat walang lih...