** Painting**Dalawang linggo na ng mailibing ang mga labi nila Tiffany,Hans,carlo,Karah at ella.Pansamantalang natahimik ang natitira sa barkadang iyon,sila Jerome,aaron,Heidi,sweet at april.Binalot sila ng trauma dahil sa mga unusual na nangyaring pagkamatay ng mga kaibigan nila.Hindi nila inakala na sa brutal na paraan babawian ng buhay ang mga kasamahan nila.
Of course,Life still goes on,and they should move on.Kahit masakit,kailangan nilang gawin.
Pero,di nila alam,na magsisimula pa lang ang lahat.
Mula ng mailibing sila hans ay di na nila nakita o nakausap si Karen,sa tingin nila ay nagluluksa pa ito sa pagyao ng kasintahan at isa pa,di lang naman yun ang iminumukmok nya,yun ay dahil sa pagkakita niya sa dalawa na magkasama sa condo ni hans.Syempre,alam na at walang duda kung bakit naroon si Tiffany,nagkaroon sila ng awa para kay Karen,pero di nila alam na ang babaeng kinaawaan nila ang mismong salarin.May tatlong araw ng di makatulog si sweet,marahil ay dahil sa stress at trauma na nakuha nya sa sunud-sunod na trahedya na pinagdaanan nilang barkada.Nangangayat na nga siya at di masyadong nagsasalita,mas gusto nito ang magkulong sa kwarto at doo’y maghapon tumunganga at magdasal sa nazareno.Nagtataka naman ang mga kapatid nito na sila Kevin at Allen sa pinapakita nito.Nag-aalala na sila para sa kuya Ernesto nila.
Parang may pinagtataguan at kinakatakutan ang kapatid nila,ayaw nitong nakabukas ang pinto,gusto nya na madilim ang kwarto,pinayuhan sila ng doktor na bantayan ang kuya nila at baka dala lang yun ng depression at anxiety.Dinalaw na nga siya ng mga kaibigan nito ngunit bigo sila na i-comfort ang kaibigan.
Hanggang sa isang araw . . . .
Kasamang umuwi ng bahay ni Kevin si Claire.Nagkataon naman na naroon sila Jerome at ang magkasintahang sila aaron at Heidi.Nasa Singapore si April para sa isang business deal at si Jared naman ay abalang-abala sa pagbubukas ng bago niyang branch sa Makati.
“Kayo pala.”masayang bati ni Kevin sa mga kaibigan ng kapatid niya.
“ Hello,Kevin.”nakangiting bati rin ni Heidi.Napansin niyang nakatingin sa kanya si Claire.Ewan niya pero tulad ng dati ay pinanayuan na naman siya ng balahibo sa katawan.
Ano bang meron kay Claire?
“Long time,no see Claire.” seryosong bati ni Jerome sa dalaga.Nginitian lamang siya nito at umupo sa isang sulok.
“It seems that the two of you are already dating,am I right?”nakangiting tukso ni aaron kila Kevin at Claire.
Napamulahan naman ng pisngi si kevin at napahiya,wala namang reaskyon ang mukha ni Claire nakafocus kasi ang tingin niya sa painting.May kalumaan na yun,out of curiosity ay lihim na nilingon ni Jerome kung anong tinitingnan ni Claire.Nagitla siya sa nakita.Sa isang sandali ay ginapangan siya ng kilabot,naramdaman niya na di siya halos makakilos dahil sa sobrang takot na nararamdaman niya.Nahalata naman ni Heidi ang pagkatakot sa mukha ni Jerome kaya tiningnan rin niya ang direksyon ng pinag-uukulan ng tingin ng binata.Pati siya ay natigilan sa nakita. . . .
“Ang ….ang p-painting na y-yan, s-saan g-galing yan?d-di ba, wala naman yan dati?”bakas sa tono ni Heidi ang pagkasindak,ganun din ang naging reaksyon ni aaron ng makita ang painting.
Nakapinta roon ang isang larawan ng eskwelahan,at mga highschool students na nakatikod,magaling ang pagkakapinta niyon,sa ginamit na kulay ay mapapansin ang matinding emosyon ng pintor.Ngunit may kakaiba roon sapagkat ang lahat ng tao na nasa painting ay binahiran ng dugo.
BINABASA MO ANG
Scalpel
HorrorIsang pagkakaibigan ang masusubok ng tadhana sa kakatwang pangyayari na nagdulot ng takot sa kanila at ito ay may kaugnayan sa nakaraan,Ang nakaraan na pilit nilang kinakalimutan.ngunit ito rin ang magdudulot ng lagim at trahedya sapagkat walang lih...