Jessie's Rival:Ang Lihim ng Nakaraan

5.4K 67 58
                                    

Hindi mapakali si Allen habang hawak hawak niya ang class picture na binigay ni alex sa kanya.Hindi siya naniniwala sa paranormal pero sa mga nangyayari sa kanila,sa pagkamatay ng kuya niya,gusto niyang sumubok,tutal wala namang mawawala.Lumapit at umupo sa tabi niya si Kevin at Claire.Binigyan siya ng kapatid niya ng tubig,at nahalata atang kanina pa malalim ang kanyang iniisip.

"ate,anong problema,s-saka ano yang hawak mo? "nag-aalalang tanong ni Kevin na iginuso pa ang hawak niyang class picture, habang nakamasid naman sa kanila si Claire.

"Bigay sakin to ni mokong, class picture to' ni kuya, nung 3rd yr."sagot ni allen.

Kinuha naman ni Kevin ang litrato at tiningnan yun,tinitigan din ni Claire ang class picture, walang emosyon sa mukha niya, hindi mo malaman kung ano ang nasa loob niya.

"Oo nga no',tingnan mo,kumpleto pa sila dito,buhay na buhay pa sila ate Jessie." si Kevin.

" Jessie? "tanong ni Claire na may pagtataka sa kanyang mukha.

" ah,oo nga pala,hindi mo pala siya naabutan,si ate Jessie ang namatay na girlfriend ni kuya Jerome,namatay siya three years ago,barkada din sila ni kuya."paliwanag ni Kevin kay Claire.

"anong ikinamatay niya? "muling tanong ni Claire.

"suspected ng mga pulis na aksidente siyang nahulog sa bangin." tugon ni Kevin.

Claire stare blankly on the wall,then smile oddly.nagkatinginan ang magkapatid,hindi nila mapaliwanag ang kilabot na naramdaman pag ganun ang kinikilos ni Claire,para kasing nag-iiba ito,given na ang pagiging tahimik nito pero kapag ang tao sobrang tahimik,at di mo alam kung anong iniisip nila,mas nakakatakot baka kasi di mo na alam kung totoo sila sayo o nagpapanggap lang.Kaya minabuti na lang ni allen na ibahin ang usapan,sinabi niya ang plano niya sa kapatid.

"ha?baliw ka na ba ate?naniniwala ka ba sa multo?ang tanda na natin para diyan."reklamo ni Kevin.Tahimik lamang na nakikinig sa kanila si Claire.

"Sobra kasi akong na-cu-curious e,bakit naman binigay ni mang Oscar itong picture,di ba ang weird nun,inisip ko lang na may gustong i-convey satin si manong."paliwanag ni Allen.

" Malay mo,ibinigay lang kay alex yan dahil nabalitaan niya na namatay si kuya,nagkataon siguro na nakita ng manong yan at naisip niyang kunin,ibigay,wag natin gawing big deal yan,hassle lang yan e."reklamo pa ni Kevin.

"Wala namang mawawala sa atin,if we'll ask Mang Oscar eh,sobrang na-cu-curious ako sa classmate nila kuya na naging karibal ni ate jess sa top 1."

" ha?anong sinasabi mo? "nagtatakang tanong ni Kevin,ang sinabing iyon ni allen ang nagpukaw ng interes na lalong makinig ni claire.

" sabi kasi ni Maaam Flores kay alex,may naging ka-tie daw si Ate Jess sa pagiging Top 1,pero nag-transfer naman daw yung babae nung next school year." paliwanang ni allen.

" Ano daw pangalan nung babae? " usisa ni Kevin.

" Jillian Ferrer daw e,kaya feeling ko,with or without ghost ,alam ko may kinalaman si jillian sa nangyayari sa atin." paliwanag pa ni allen.

"ate,masama ang nagbibintang."paalala ni Kevin sa kapatid.Nilingon siya nito.

"I know that kevin,pero malakas talaga ang kutob ko,I don't know kung bakit nya ginagawa ito,if it's revenge bakit naman?anong ginawa nila kuya sa kanya?yan ang tanong ko."dugtong ni Allen.Walang imik naman si Claire,hindi nagbibigay ng komento,nakikinig lamang siya sa usapan ngunit ang kanyang mga mata ay malalim,matindi ang emosyon,tila GALIT.

Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon