Kabanata 27

1.2K 78 7
                                    

Kabanata 27
Birthday

Kristoff recovered his consciousness after weeks. He was busy on making himself better. Gregory had to go back to his assignment. Ilang buwan rin matapos iyon ay pinadala siya sa isang misyon sa kabilang banda ng Pilipinas.

While Victoria's still stuck with Jacob Martinez. Everyday, it was hell. She wanted to kick the Police General whenever she sees it on the news. She was being punished because of that damn old fart.

Ilang araw na hindi sumasagot ang binata sa mga text niya. She was too uneasy dahil roon. Dinagdagan pa ng pagiging absent ni Jacob sa araw na iyon. She sighed and went out to get some fresh air when she heard voices from the rear parking lot. Sumandal siya sa dingding.

"Putangina." Mura noong isa.

"Binasura na naman?" Boses ni Marlon iyon.

"Anak 'yan ni Mayor kaya mahirap talagang ilaban. Kawawa naman si Sir Jake."

"Kamusta na raw ba si Janine? Balita ko kay Sir Jake inatake na naman ng panic attack kaya dinala sa hospital."

"Oo, putanginang anak ni Mayor yan! Rapist!" Ani Marlon.

Sumilip si Victoria sa dalawang pulis na naninigarilyo sa likuran ng patrol car. Mukhang hindi siya napapansin ng mga ito dahil busy sila sa pagbabasa ng kung ano sa cellphone.

"Kung ako kay Sir Jake baka napatay ko na ang batang 'yon. Kung sa kapatid ko mangyayari 'yon baka kalimutan kong pulis ako at mag-asal kriminal ako." Ani Marlon sa galit na boses.

Natigilan si Victoria. May kapatid si Jacon na narape ng anak ni Mayor? Kaya pala laging galit ang isang iyon? At nabasura ang kaso nila?

Hindi niya akalain na ganoon ang buhay ni Jacob. It was too hard lalo na at anak ng Mayor ng lugar na ito ang nang rape. He was serving this city so it means... He's working for the Mayor?

Hindi maalis sa isip niya iyon buong maghapon. Dumagdag pa iyon sa mga iniisip niya. Kaya naman hindi siya nakatulog noong gabing iyon.

Kinabukasan, halos wala siya sa sariling pumasok. Jacob showed up today. Like the usu, tahimik ito at mukhang maraming iniisip.

Victoria was busy looking at her phone. Wala pa ding reply si Gregory sa mga texts niya.

"Kape."

Napatingin siya sa binatang naglapag ng isang basong kape sa kanyang mesa. Nakahalumbaba siya  habang nakatitig sa kanyang cellphone. Gregory failed to call for more thsn two days.

"Thanks." Pasasalamat niya kay Jacob na umupo sa kanyang harapan para basahin ang ilang kaso na nasa blotter book.

Naiintindihan niyang maaaring parte iyon ng trabaho pero hindi niya maiwasang mag-alala. She knew what it was like out there, kaya mas lalo siyang kinabahan sa hindi pagtawag nito.

They never made a clear label after their kiss at the hospital. But everything between them changed. Noong nasa Maynila pa ang binata, he would always pick her up after work to eat dinner.

They also text and call to check on each other.

Huminga siya ng malalim at uminom sa kanyang kape. She was checking her phone after three seconds.

Camouflage (Querio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon