Kabanata 1

2.5K 110 6
                                    

Kabanata 1
Piso

She walked inside the school while listening to the chaos that happened last week.

As usual, it's Gregory's circle of friends. Mukhang involved sa pakikipagbasag ulo outside the school.

"Friend!" sigaw ni Phoebe ng makita siya sa dulo ng hallway.

Wala siyang reaksyon kahit pa mukhang napakasaya niya sa araw na ito. Mabuti naman siyang kaibigan pero minsan nakakairita siya dahil sa palagian nitong pagbenta sa kanya sa mga senior na lalaki sa school.

"Theo's upset all night! Tori naman. It's his birthday and yet you broke his heart." Umiiling na sabi ng kaibigan.

Tumigil siya sa paglalakad para taasan ng kilay ang kaibigan.

"Tss. Hindi ko responsibilidad ang nararamdaman niya. Tutal mukhang mas gusto mo siya kaysa sa akin eh 'di magsama kayo." Nauna siyang maglakad papunta sa library kung saan siya mamalagi para sa klase niya.

"Huy, ito naman! Sorry na kasi." Sumunid na parang tuta si Phoebe sa kanya.

Naupo siya sa pinakadulong parte ng library. Binuksan niya ang laptop niya at ganoon din si Phoebe. Magkagrupo kasi sila sa isang research topic sa kanilang majot at balak na nilang umpisahan iyon.

Busy sila sa paghahanap ng mga reference ng dumaan sa parte nila ang grupo ni Gregory. Sikat ang grupo nito pero tila wala si Gregory sa mga ito. Sunud sunod ang mga ito na tila may hinahanap sa shelf, puno pa rin ng mga band aid at pasa ang mga mukha.

Napatigil si Phoebe sa pagtipa sa kanyang keyboard at sinipa si Tori sa ilalim ng mesa. Inis niyang tiningnan ang kaibigan na nginunguso ang grupo na nakatayo sa hindi kalayuang shelf na may sinisilip.

Panay ang bulungan ng grupo at minsan ay mahinang napapahagikhik. Umiling si Tori at hindi na pinansin ang mga ito.

Natapos niya anh chapter four pero kulang pa din. Tumayo siya at kinuha ang librong kinuha para ibalik sa shelf at maghanap ng bagong reference.

Napalibot siya sa katapat na shelf kung saan nagbubulungan ang grupo. Seryoso niyang tiningala ang mga libro.

Tumigil siya sa tapat ng makapal na libro. Kinuha niya iyon para basahin ng mapatigil siya sa pagbuklat nito dahil sa nakita niya sa pagitan ng mga librong natira. Nasa kabilang side ang mga ito.

Dalawang pigura na naghahalikan.

Tila naestatwa siya sa nakita. Naroon si Gregory na halos lunukin ang labi ng babaeng kahalikan. Hawak hawak niya ang hita ng babae, nakapasok na sa palda nito ang mga daliri niya.

Panay naman ang hagikhikan ang mga kaibigan nito na naonood sa kanila sa kabilang

Hindi inosente si Tori sa ganito dahil na rin sa kapatid niya pero ang makita ito sa kanyang harap ay tila nakakagulat.

Sa pagkataranta niya, nabitawan niya ang makapal na encyclopedia na tila gumawa ng napakalakas na ingay.

Mukhang nagulat din ang dalawa sa tunog kaya napatigil sila sa ginagawa. Ang dalawang pares ng mata ay nakatingin ngayon ng diretso kay Tori.

Sinuri ni Tori ang labi ni Gregory na tila mapula sa ginawa ng babae sa kanya. At ang babae, na sa tingin niya ay isa sa mga sikat sa eskwelahan ay puno ng smudged lipstick ang mukha.

Hindi siya makahinga at ramdam niya ang pamamawis ng kanyang noo.

Bakit dito pa nila naisipang gawin ang bagay na ito? At isa pa, highschool pa lang sila.

Camouflage (Querio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon