Kabanata 6

2K 97 22
                                    

Kabanata 6
Thank You

"Huy, Tori. Pinapalagay ng librarian 'yung mga libro nasa cart ha? Sundin mo na lang' yung category. Sorry, hindi ko natapos. May klase pa ako eh?" sabi nung isa sa mga SA na kasama niya. Sa library kasi sila nakadestino.

Greg isn't here. May klase pa daw according to the librarian. Kinatuwa naman niya iyon. Kahit tatlong oras lang, hindi siya mabubwisit sa binata.

Tinulak niya ang cart at sinubukang tingnan ang mga libro na dapat nasa shelf. Malalim ang hinga niya at nagmamadali dahil mainit dun sa parteng iyon ng library.

Hindi niya maiwasang mainis. Wala siya dapat dito. Hindi niya makalimutan ang asar na inabot niya kay Jack at ang kaunting disappointment sa mukha ng ama ng malaman na meron siyang detention. Wala na sana siyang balak kaso, dahil maiiba ang oras ng pag-uwi niya kaya napilitan siyang sabihin.

"Oh, you're here, Mr. Querio. Go on and help Ms. De la Vega." Rinig niya ang mataray na tinig ng librarian.

"Roger, Ma'am." Masigla ang boses nito at agad na nagtungo sa kanya.

"What are you doing here?" Buwisit na tanong niya kahit obvious naman.

Naiirita lang talaga siya sa masayang mukha ng binata, habang siya eto at pinagpapawisan.

"Sabi ni Ma'am, tulungan ka."

"I can handle it." Aniya at agad na tinulak papunta sa kabila ang cart.

Agad namang inagaw iyon ni Greg at siya mismo ang nagtulak. Tumigil lang ito ng tumigil siya.

"Sungit." Bulong ni Greg pero hindi iyon nakatakas sa tenga niya. Pinigilan niyang pakainin ng libro ang binata sa inis.

Nagdiretso lang siya sa ginagawa niya. Hindi na rin naman siya ginulo ni Greg dahil may pinaayos ang librarian sa kanya na shelf. Nilingon niya ito na may hawak na martilyo at inaayos ang bumigay na shelf.

Napatitig siya sa braso nito na nadedepina sa tuwing ipupukpok ito sa shelf. Tunay na nakakahalina iyong tingnan. Maging ang kilay nito na magkasalubong dahil sa pagkaseryoso nito at unti-unting pagbukal ng pawis sa noo nito.

Kaya naman pala madaming nahuhumaling. Sa pagtagal ng titig mo, mas lalo itong gumagwapo.

Natigil lamang siya ng may magsalita sa tabihan niya.

"Miss, sa'n dito 'yung mga science book?" Tanong ng isang babae na hula niya ay lower year.

Tumikhim siya at tinuro iyon sa babae. Nagpasalamat ito. Tila namumula naman siya sa init ng kanyang pisngi.

Was she checking him out?

Mas mabilis ang paglalagay niya ng libro sa shelf para makalipat siya agad ng malayo siya sa binata. Ni hindi man lang napansin ni Greg ang pagtitig ni Tori. Para bang sanay na itong titigan kaya wala na iyon sa kanya.

Natapos ang kanilang detention. Nagpupunas ng pawis si Tori habang naglalakad papunta sa parking lot kung saan naghihintay ang kanyang sundo.

Sumisipol naman si Greg sa likuran nito na ilang segundo pa'y nasa tabihan na niya at nakangisi. Nakaputing tshirt na lamang ito.

"Masyado ka namang nagmamadali. Sungit mo talaga."

Umirap si Tori rito at patuloy sa paglalakad. Hinawakan ni Greg ang braso ng dalaga para sana makahingi ng tawad ng may boses ng lalaki ang tumawag rito.

Camouflage (Querio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon