Kabanata 31

1.3K 79 15
                                    

Kabanata 31
Scare

Maghapon na wala sa mood si Victoria. Hindi rin pumasok ng umaga si Jacob dahil busy ito sa pag-aayos ng lahat ng gagamitin sa kaso ng kanyang kapatid. Pero after lunch, nagawa rin magpakita sa opisina.

Bumabagabag sa isipan ng dalaga ang lahat ng posibilidad ng kanyang pagbubuntis. Olivia advised her to see a doctor. She was doing great. Panay ang attend ng self-defense para sa kanyang pagbabalik. Nasa Manila na ang dalaga kaya mas delikado dahil lumalapit na muli siya sa teritoryo ng mga Villafuerte.

Diana's wedding at the corner. Hindi rin niya alam kung ligtas ba ang magbuntis ng ganito.

Nasa public toilet siya at dala ang gamit. Two weeks na rin siyang delay. Matapos mag-ayos ng sarili, lumabas siya. Bumagal ang lakad niya para bigyan ng daan ang isang matandang babae pero hindi siya naiwasan nito.

Tumapon ang laman ng kanyang bag.

"Pasensya ka na, Ma'am... talaga lang malabo na ata ang mga mata ko." Paghingi ng ginang ng paumanhin.

"Okay lang po. Sige po, maaari na kayong pumasok."

Ngumiti si Victoria at tumango. Nagawa pa niyang alalayan ang matanda papasok bago sumalampak sa sahig para pulutin ang mga gamit.

Napalingon naman siya nang lumabas sa hallway si Jacob. Nakataas ang kilay nito na pumunta sa kanya. Dali-daling tumayo si Victoria. Yumuko si Jacob at may pinulot sa kanyang paanan.

"What is this?" Tanong nito habang hawak ang kulay puting stick.

Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Victoria.

"Shit!" Mura niya at padabog na kinuha ang stick.

Mabilisan niyang nilagay ang stick sa bag at hinila papalayo roon si Jacob para pumasok sa opisina. She closed the doors.

"Buntis kayo, Ma'am?" Tanong nito.

Nilagay ni Victoria ang kanyang daliri sa bibig.

"Huwag kang maingay, SPO4." Saway niya at umupo na rin.

"Alam na ba ni First Lieutenant Querio?" Tanong niya.

Umiling si Victoria. She wants to be sure bago niya sabihin. She set an appointment with an obygyne para masigurado iyon.

"I will have myself check bago ko sabihin." Aniya.

Mariing nakatingin si Jacob sa kanya at tumango.

"Okay. Sasamahan kita pagkatapos ng trabaho." Aniya.

Kumunot ang noo ni Victoria. Hindi niya maiproseso sa utak niya ang sinabi ng binata.

"Ha?" Tanong niya..

"Sasamahan kita, Ma'am. Delikado ka ngayon hindi ba? Mahirap na lalo na at maaring may bata na sa tiyan mo. Paano na lang kung barilin ka ulit noong sumusunod sa'yo?" Tanong nito.

Tumayo na ang binata at tumungo sa pintuan. Hindi na nga niya magawa pang dinggin ang tugon ni Victoria.

Matapos ang trabaho, kinuha ni Victoria ang kanyang bag at lumabas. Jacob was leaning at her car. Mabilisan siyang lumakad papunta roon.

"Anong ginagawa mo, SPO4. No need na samahan ako. I can handle myself." Aniya at pinailaw ang kamyang sasakyan.

She opened the drivers seat at agaran namang umikot si Jacob doon.

"H-Hey!" Sigaw niya. "

"Sabi ko kaya ko na..."

Umiling si Jacob at sumakay na kahit panay ang pigil ni Victoria.

Camouflage (Querio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon