Kabanata 16

1.3K 75 10
                                    

Kabanata 16
CCTV

Maaga pa lamang ay dumating na si Victoria sa Manila. Hawak ang isang papel, mabilisan niyang pinara ang isang taxi. Hinihingal siya sa init at usok na dala nito, malayong malayo sa bulundukin kung saan siya nakadestino.

Suot ang isang khaki pants at black maong jacket, ay agad niyang ninamnam ang lamig na nagmumula sa aircon ng sasakyan. Kanina pa siyang madaling araw umalis sa tinutuluyan niya, para mabisita ang naospital na si Judge Victor.

Bumaba siya sa tapat ng hospital. Pumasok siya roon at agad na itinali ang mahabang buhok. Wala na siyang oras pa para dumaan sa kanilang bahay. She's too busy.

"Hija," tawag ng amang nakaupo sa kanyang kama at nanonood ng tv.

Lumapit siya rito at hinalikan ang mga pisngi ng ama.

"Dad, how are you feeling?" Tanong niya at nilapag ang malaking bag sa sofa.

"I'm good, I told you. Masyado lang nerbyosa si Manang. I told you, you don't have to visit me. Galing ka pa sa Negros." Her father smiled.

Ngumuso si Victoria. Hindi niya mawari kagabi ang kaba nang tumawag si Manang para ibalita na nasa hospital ang hukom dahil sa over fatigue. Matanda na ito kaya naman labis ang kanyang pag-aalala.

Dumating si Manang dala ang ilang pagkain para sa umagahan. Nakaupo siya ngayon sa sofa at busy sa panonood nang pumasok ang isang doctor. May dala-dala itong chart. Tumayo siya at lumapit para mapakinggan ang anumang findings nito.

"You're okay now, Judge. Puwede na po kayong umuwi pagkatapos nito. Kaunting pahinga lang at tubig. Also, drink and eat a lot of vitamins. Hindi na po tayo bumabata, Judge."

Mahinang tumawa ang batang doktor pati si Judge. Victoria was silently looking at her father. Mas malaki ang itinanda ni Judge. Puti na ang buong buhok nito at mas lalong sumingkit pa. But still, he's a practicing Judge. Aniya, hindi titigil ang pagkawala ng hustisya sa iba kahit pa mamatay siya.

Nagvolunteer siyang magbayad ng mga bills. Matapos iyon ay inayos naman ni Manang ang mga gamit nila.

"Ikaw ba na bata ka ay sa bahay uuwi?" Tanong nito habang sinasakay ang mga bag sa sasakyan.

Tumango si Victoria at sinakbat ang kanyang bag.

"Mauna na kayo sa bahay, Manang. Bibili lang ako ng prutas at may bibisitahing kaibigan sa hindi kalayuan." Bilin niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Judge.

"Agahan mo ang pag-uwi, hija. I know you can defend yourself but still, take care."

Sumaludo siya sa ama at sinara na mismo ang pintuan. Pinanood niyang mawala ang sasakyan sa parking bago pumara ng taxi.

Nagpahatid siya sa restaurant kung saan siya makikipagkita. Pagkarating niya, naroon na agad si Kristoff na umiinom ng kape.

Diretso ang lakad niya rito.

"Police Senior Inspector de la Vega." Bati ni Kristoff.

Tumango siya at nginisian ang binata.

"Captain Querio. We meet again."

Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa at agad na nilabas ang isang envelope. Ibinigay niya iyon kay Kristoff.

Camouflage (Querio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon