Kabanata 4

2K 103 9
                                    

Kabanata 4
Pilot

Hindi na nakapagsalita pa si Tori. Nanatili ang tingin niya kay Gregory na pilit ang ngiti sa kanyang Daddy. Nilipat ni Tori ang tingin sa mga Tito at Tita ni Greg na parang wala silang napapansin.

Hind niya mawari pero parang siya lamang ang nakakaramdam ng tensyon. Tumikhim siya at hinawakan ang kamay ng kanyang Daddy at marahang pinisil iyon.

Nilingon siya nito na may kaunting ngiti. Kinagat niya ang labi at sumulyap sa kanilang table. Mukhang nakuha din iyon ng ama kaya pinisil din ang kamay niya.

"Excuse me, Querio Family. We'll just go back to our seat." Paalam ng kanyang Daddy sa pormal na boses at hindi nawala ang pagtigil ng tingin nito sa binatang nasa tabihan niya.

Her Daddy studied his face and sighed.

"It was nice meeting you too, gentleman. Hope, we'll see each other soon." Anang kanyang Daddy at naglahad ng kamay kay Greg.

Tinanggap ito ng binata ng may matingkad na ngiti. Hindi maiwasan ni Tori ang pagngiwi sa pag-iisip na inaakalang may kung ano sa pagitan nila lalo na at mas malinaw pa sa sikat ng araw kung ano ba talaga ang relasyon nila.

Hindi sila nagkakamabutihan.

Ni hindi nga sila magkaibigan.

Magkakilala lang sila, at iyon na 'yon.

Bumalik sila sa mesa. Ramdam niya ang nais ng ama na usisain ang nangyari sa mesa ng mga Querio pero hindi iyon nangyari dahil sa ilang mga businessman na bumabati at nakikipag-usap sa kanyang Daddy. Maraming beses din siyang humarap sa mga ito matapos ipakilala ng kanyang ama.

Hindi na sila nagkalapit ni Greg sa natirang oras ng mga gabing iyon na kanyang pinagpasalamat. Tahimik ang byahe dahil inunahan niya ang Daddy sa mga tanong nito at nagkunwaring natutulog sa sasakyan nila.

Nang makarating ay tanging halik lang ang ginawad sa ama bago umakyat sa kanyang kwarto at maligo. Marahan niyang sinabon ang katawan. Yumuko siya para sabunin ang paa ng maalala ang ginawa ng mga kamay ni Greg doon.

Napailing siya ng mapansin sa repleksyon ng salamin ang munting ngiti sa labi niya.

"What the hell am I doing?" bulong niya at binuhay na ang shower para makapagbanlaw.

Pagod na pagod siyang humiga sa kama at nakatulog din. Nagising na lang siya ng pumasok si Manang sa silid niya at kinuha ang mga nasuot na niyang damit. Bumangon siya at nag-inat inat bago binuksan ang bintana.

"Victoria, may breakfast na sa baba. Walang driver ngayong araw dahil may business ang Daddy mo. At sabi ng Kuya mo, hindi ka pwedeng magmaneho dahil hindi ka pa masyadong marunong." Sabi ni Manang na lumabas mula sa cr niya.

Ngumuso siya at sinuklay ng daliri ang buhok niya.

"Ihahatid daw ba ako ni Kuya, Manang?" tanong niya.

Umiling ang matanda at tumungo sa pintuan.

"Ang sabi ni Jack, may lakad siya para sa pagpasok niya sa PMA. Pero nabilin niya sa akin na may maghahatid sa iyo na kaibigan niya. Darating din iyon mga trenta minutos mula ngayon kaya maligo ka na at nakakahiya kung maghihintay pa." Striktang sabi ni Manang at lumabas na.

Huminga siya ng malalim at isinantabi ang sinabi ng matanda. Tumungo siya sa banyo para maligo na. Umatake na din ang gutom kaya mabilis ang bawat galaw niya. Isang simpleng puting shirt at denim skirt na may ternong puting sapatos ang suot niya.

Camouflage (Querio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon