Kabanata 3

2K 102 11
                                    

Kabanata 3
Military

Sobrang pagsimangot ang ginawa ni Tori buong gabi. Nabwisit lang kasi siya kay Gregory. For a moment, she thought he's not that bad. Pero ng lumabas na iyong kawalanghiyaan niya talagang kumukulo ang dugo niya sa binata.

Bumalik din si Gregory ilang saglit sa function hall at hindi ito nag-iisa. May kasama na itong babae at panay ang tawa nila.

"Hindi pala malandi, huh?" Bulong niya sa sarili at uminom ng wine na sinerve.

Napansin naman ata ito ng kanyang ama kaya nilingon siya nito saglit.

"Are you okay, anak? You want me to contact our driver?" Tanong nito.

Umiling siya at ngumiti ng hilaw sa ama. She saw that his father is enjoying the party. Ayaw naman niyang maging dahilan ng saglit na kasiyahan ng ama. Simula kasi ng mamatay ang ina, hindi na ito masyadong nakikipagkita sa mga kaibigan coz' these kinds of parties makes him remember.

"I am fine, Daddy. Do not worry. Uh, rest room lang po ako." She kissed her dad and headed to the restroom.

Pagkabukas niya roon. Namataan niya agad ang babaeng kasama ni Gregory na naglalagay ng powder. This is a girl from school. Hindi niya alam kung Serena ba ang pangalan niya. But she's quite popular among the seniors.

Saglit niyang pinagmamasdan iyon. Ganito ang tipo ng babae na nalilink sa binata. Petite, maputi at mahaba ang buhok.

Narinig niya ang pagtikhim ng babae sa kanyang repleksyon. Hindi niya pinansin iyon. Patuloy siya sa pag aayos ng kaunting mantsa ng wine na natapon sa kanya kanina.

"You're Victoria, right? Victoria De la Vega?"

Nag-angat siya ng tingin sa babae. Nakataas ang kilay nito sa kanya.

Hindi naman siya nagpakita ng kahit na anong reaksyon. Tumango lang siya bilang sagot sa babae.

"I saw na hinila ka niya sa garden? Are you dating him? Or it's just a fling?" Tanong nito.

Tumaas na ang kilay ni Victoria. She hates nosy people. Iyong hindi naman close sa kanya pero kung makapagtanong akala mo kilala siya.

"I am not dating him. Lalong lalo na hindi ako fling." Sagot niya.

Tumango ang babae at inayos pa ang buhok para ilagay sa kabilang balikat.

"Good." Anito at ngumiti.

"You are not his type. I mean, look at you, nabibihisan ka lang kasi anak ka ng kilalang judge. Pero you're not that pretty. No offense."

No offense? Talagang dinugtungan niya ng no offense kahit na saang banda mang tingnan ay nakakaoffend?

Umiling siya at confident na ngumiti. Pinagmasdan niya ang puting gown ng babae. Dahan dahan ang pagpasada niya roon para makita ang paghagod na ginagawa niya. Tinigil niya ang mga mata niya sa mukha nito at mas ngumisi.

"You're not that pretty as well." Mahinhin na sinabi ni Tori.

Pinipigilan niya ang paglabas ng inis sa boses niya. Mukhang hindi inaasahan ng babae ang pagsagot niya.

Camouflage (Querio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon