Kabanata 8

1.2K 73 4
                                    

Kabanata 8
Calling Card

Maagang bumangon si Tori dahil may training siya ngayon sa judo. Sabado ngayon kaya naman balak niyang magtraining buong araw para na rin makondisyon ang kanyang katawan.

Pagkababa niya ay naroon na ang ama sa hapag at nagbabasa ng dyaryo. Ngumiti si Tori at hinalikan ito sa pisngi bilang pagbati.

"Morning, Judge." She greeted.

"Magandang umaga din, hija." Pagbati nito.

Tiningnan ni Tori ang isa pang plato na naroon. Kumunot ang noo niya at binalingan ang ama.

"Naririto si Jack?" Tanong niya at hinayaan ang kasambahay na magsalin ng juice sa kanyang baso.

Sumimsim si Judge Victor sa kanyang kape at umiling. Hindi man lang naalis ang kanyang mata sa pahayagan.

Bago pa man makasagot ang hukom, lumabas mula sa kusina ang isang babae kasama ni Manang. Sumama ang timpla ni Tori ng makita kung sino iyong may dala ng agahan nila.

"Magandang umaga, Victoria, Judge." Pagbati nito at nilapag ang pancakes sa mesa.

Tumikhim si Tori at sumimangot.

"Magandang umaga, Samuela." Pagbati ni Judge.

Ngumiti naman si Manang at inutusan na ring umupo si Sam sa upuan kung saan umuupo si Jack. Ngumiwi si Victoria. Kailanman, hindi niya nagustuhan ang babaeng ito. Mga bata pa lamang sila ng ipakilala ito ng kanilang mga magulang. She feels something was wrong about her. Well, Serge's better but now he's on his last year sa PMA.

They were always here tuwing weekends. It happened that Samuela was a bright and talented lady kaya naman kinuha siya ni Judge Victor para mag-assist sa kanya. Serge used to play ball with Jack and they really get along. Isa rin si Serge sa nakapag-impluwensya kay Jack na pumasok sa PMA. And now that Jack and Serge were there. Sila na lang ni Sam ang naririto.

Their parents never told them where they from. They always say na family friend silang magkapatid at naulila na kaya sila kinupkop ng mga de la Vega.

Nilagyan ni Manang ng pancakes ang mga plato ni Judge at ni Sam. Nilingon nito si Tori na panay ang amoy sa kanyang orange juice.

"Tori, pancakes?" Tanong ng matanda na agad nagpa-iling sa dalaga.

"No, Manang. I'm full." Pagtanggi ni Tori at kinuha na ang kanyang gym bag.

Nilingon niya ang ama na pinagmamasdan siya.

"I better go, Judge. I have judo training." Kibit balikat niya at lumabas na sa service door papunta sa carport.

Naging mabilis ang byahe niya. Umakyat na siya sa gym at agad nag-warm up. She was so into it kaya nakalimutan niyang naroon na si Gregory at nakatitig sa kanya habang nagpupush-up siya.

"What?" Masungit na tanong niya.

Ngumisi si Greg at lumapit na sa kanya para din magstretching.

"You look so strong, de la Vega." He smirked.

Hindi maiwasan ni Tori ang mapatingin nang dumapa ito sa sahig para iposisyon ang sarili sa push-up. She was looking at him with awe lalo na ng umpisahan nito ang mabilis at diretsong push -up.

"Like what you're seeing?" Mayabang na sabi pa nito sa gitna ng paghinga.

"Never in your wildest dreams." She spat.

Umirap si Tori at iniwas ang kanyang titig. Kaya naman pala maraming nahuhumaling, napakagwapo niya sa tuwing seryoso. All his muscle were put in its right places.

Camouflage (Querio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon